Lilith Trilogy Book 1:
Lilith and the Vehemian Prince
Kabanata 7
I was in my massive room, looking outside the big window, watching the red clouds passed through my eyesight. It was a comfortable silence. The wind blew and it didn't say anything. Tumanaw ako sa malaking bintana at pinagmasdan ang kapayapaan ng buong palasyo.
Bukas ang aking ika-dalawampu't isang kaarawan. The palace didn't know. Wala akong pinagsabihan sa kanilang lahat not even the crowned prince. I don't want them to know. Gusto kong ipagdiwang ang aking kaarawan na ako lamang ang nakakaalam.
Ang aking puso'y nababalot pa rin ng kalungkutan. Ilang araw na ang nakalipas ngunit ang pighati ay hindi pa rin nabawasan. Inasahan kong kasama kong ipagdiriwang ang aking kaarawan kasama si Kenon. Sa aming munting kubo, ipagluluto niya ako at bibigyan ng regalo. Masaya na ako kahit kaming dalawa lamang.
Bumalong ang luha sa aking mga mata.
Now is different. He's gone and no one knows that it's my birthday tomorrow.
I remained looking outside and there was nothing. Ang buong palasyo ay payapa. Walang panganib at walang kahit anong kaguluhan. Isang normal na araw para sa kaharian ng Vehema. Ngunit ang puso ko ay nababalot pa rin ng kalungkutan para sa pagkawala ng kaisa-isang taong gusto ko sanang makasama sa aking kaarawan. Ang aking isipan ay hindi kasing payapa ng paligid.
"Binibini," isang tinig ang siyang nagpalingon sa akin. Si Nimrod, dala ang kaniyang sandata at nakasuot ng kaniyang unipormeng pangkawal. "Hinihintay ka na sa bulwagan para sa iyong pagsasanay."
Tumango ako rito. Mula sa ibabaw ng aking kama ay kinuha ko ang aking sandatang kahoy at inilagay ko iyon sa aking likuran. Katulad ng mga nakaraang araw, I am wearing my red and gold combined armor suit with my leather armor boots. Like the usual, my hair was on crowned braid, so I won't struggle.
This had been my usual routine since the King announced the mission. Then after my three-hour training with the princes or Nimrod and Ricos, I will change into that heavy royal dress to go to the library for my special class.
It was exhausting. Nakakaubos ng lakas ang mga pagsasanay at ang pakikinig sa mga konseho ng tungkol sa kasaysayan ng kaharian na saulado na ng aking isipan. Gusto ko na lamang na magbasa ng aklat habang dinadama ang katahimikan ng buong paligid.
Iyon ang aking kagustuhan ngunit hindi ng kaharian.
Nagbigay galang muna si Nimrod sa akin bago nauna nang lumabas si Nimrod kaya agad akong sumunod. Binagtas namin ang tahimik na pasilyo na magdadala sa amin sa bulwagan kung saan ako nagsasanay kasama ang tatlong prinsipe.
Ito ang ikatlong araw ng aking pagsasanay mula nang ibigay sa akin ng Haring Elio ang misyon upang hanapin at makuha ang unang lunas. We still have one week to prepare. Sa kabilugan ng buwan ang itinakda ng Haring Elio para sa aming paglalakbay at wala akong panahon na sinayang kasama ang tatlong prinsipe at ang dalawang punong kawal.
Isang linggo pa lamang akong namamalagi rito ay alam ko na agad ang responsibilidad ko at ang bigat na kaakibat nito. At sa maikling panahon na iyon, hindi ako nabigyan ng pagkakataon na tanggihan ang pinakamalaking responsibilidad na nakaukit na sa aking kapalaran.
I am not ready, and I will never be.
But the palace- the whole Vehema and maybe the whole Fanta El Mento needs me, ready or not, leaving me with no choice but to accept all of it.
I am not ready but I was born to take it.
I didn't bother to rest or mourn long. I was given no time to do so. Kailangan ako ng buong Vehema gaya kung paano nito kailangan ang kanilang susunod na hari. Hindi kami pwedeng mag-aksaya ng panahon. Lalo pa't ngayong nag-umpisa nang lumitaw ang isa sa mga lunas na siyang magsasalba sa buong kaharian.
BINABASA MO ANG
Lilith and The Vehemian Prince
FantasiaDescendant of the heiress You will see Bloody death In this castle thy will be. Those who lost faith Will no longer wait The lights are coming With burning flames. In the name of the fire You will return Thy shall rule My kingdom and all. *** NOTE:...