Kabanata 2

10 0 0
                                    

Lilith Trilogy Book 1:

Lilith and the Vehemian Prince

Kabanata 3

Ang apoy na siyang aking kayang palabasin gamit ang tinig sa aking isipan ay inakala kong resulta ng aking mga lihim na pagsasanay kapag naiiwan akong mag-isa sa aming kubo. Ang mga bolang apoy na nagagawa ng aking mga kamay ay inakala kong pangkaraniwan lamang sa isang nilalang na may dugo ng isang Vehemian.

Ang apoy na kaya kong palabasin at kontrolin, ang hangin na aking napapasunod, ang mga alon na kaya kong tawagin at mga hayop na nagagawa kong kausapin sa aking isip ay inakala kong dulot lamang ng mga nababasa ko sa libro ng pagsasanay.

Ngunit bakit tila may ibang nais ipakahulugan ang dyosa ng apoy na siyang nagpakita sa aking panaginip? Ano ang mensaheng nais niyang iparating sa pagpapakita niya sa akin?

Sumabog ang liwanag sa aking harapan. Kadiliman ang siyang muling bumalot sa aking paligid. Ang liwanag na tumangay sa akin ay naglaho. Ang katawan ko'y bumulusok paibaba na tila ako'y nahuhulog. Ang tibok ng aking puso'y inaalisan ako ng hininga. Ang tanging nagawa'y pumikit at hayaang mahulog sa kadilimang hindi ko mabatid kung panaginip o katotohanan.

"Lilith!" ang tinig na iyon ni Kenon ang siyang umalingawngaw. Ang hangin ay muling dumaloy sa aking katawan. Mabilis na pagmulat ang aking ginawa habang ako'y hinihingal at naghahabol ng hininga.

Panaginip. Isa iyong panaginip. Sa aking panagginip ay nagpakita ang Dyosa ng apoy na ilang daang taon nang hindi nasisilayan ng kaniyang kaharian.

Ngunit bakit? Bakit sa akin? Bakit ako ang kaniyang napili? Hindi lang ba ang pagbibigay ng lunas sa sumpa ang aking tungkulin sa kahariang ito? Ano pa kung ganoon? Ano pa ang tungkulin ko sa kahariang ito?

Ano pa ang tungkulin ko sa mudong ito? Ako nga ba ang babaeng itinakda? Paano? Isa lamang akong pangkaraniwang nilalang.

"Mahal na hari, nagsasabi ako ng totoo! Hindi huwad si Lilith! Siya ang babaeng nasa propesiya!"

Natigil ang aking mga katanungan sa isip nang muli kong marinig ang boses ni Kenon. Sa pagkakaalala ko'y sa isang madilim na selda ako inilagay bago ako nanaginip ngunit sa paglibot ng aking paningin para hanapin ang boses ni Kenon ay doon ko napagtantong wala na ako sa kulungan. Ako'y nasa loob ng isang pabilog at malaking bulwagan.

Ang aking pagbangon ay marahas. Agad pumaling ang ulo sa kabuuan ng bulwagan.

Malaki at malawak. Ito'y naliliwanagan ng daang-daang simbo na nakatindig sa bawat sulok ng lugar. Daang-daang kawal ang siyang nakapalibot sa pabilog na bulwagan. Ang mga sandata'y handang kumitil ng buhay sa isang maling galaw lamang.

Sa taas ng bulwagan ay nakaukit ang symbol ng kaharian, ganoon din sa malamig na sahig na aking kinalalagakan. Ang aking pakiramdam ay napapalibutan ako ng kakaibang presensya.

Mainit, nag-aapoy, nagagalit.

I am finally inside the castle but not as the woman from the prophecy but as a traitor. I am finally in the kingdom where I was born. This is where I truly belong.

The kingdom of fire- Fanta Vehema.

Not far enough, I can see people. Rather, Vehemian with their red cape and probably magical canes. In the middle, sitting on the highest golden throne, with crown that literally scream power, were the king. He's watching cruelly as his queen seated on her throne, one step below from him. The queen is rather soft and gentle. On the right side, is a prince with black hair with a little highlight of red. On his side were the two other prince, younger than first prince.

Lilith and The Vehemian PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon