Arceli Angeles: I did not proofread this chapter. Errors ahead. Thank you ang happy reading.
***
Lilith Trilogy Book 1:
Lilith and the Vehemian Prince
Kabanata 19
Titig na titig ako sa Feina Zana na payapang natutulog habang walang tigil sa paglipad ang mga makukulay at magagandang paru-paro sa kaniyang paligid. Ang mga bulaklak na buhay na buhay na dekorasyon ng kanyang higaan ay kumikinang pa rin dahil sa gintong alikabok.
Halos dalawang linggo na ang nagdaan nang mahimbing siya ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung paano siya gigsingin. Sa tuwing bibisita ako rito'y iyon lamang ang laging laman ng aking isipan. Naaawa na rin ako kay Prince Rust na minsang napasukan ko sa silid na ito at nakatitig sa Feina Zana. Sa hula ko'y iginuguhit niya itong muli habang natutulog.
Dalawang linggo ang mabilis na nagdaan ngunit hanggang ngayo'y hindi ko pa rin alam kung paano siya gigisingin. Maging ang ikalawang sangkap at sa kung saang kaharian ito matatagpuan ay hindi ko rin batid pa.
Bukod doon sa panaginip at sa awit na aking narinig ay wala nang iba pang mensahe tungkol sa ikalawang sangkap. Hindi ko masyadong batid kung mensahe ba iyon o simpleng awitin lamang ngunit alam kong may kaugnayan iyon sa susunod naming hahanapin.
Kagaya ng ginintuang bulaklak, sa panaginip ko narinig ang tinig na iyon. Kaya sigurado akong may kaugnayan iyon sa susunod na sangkap.
Ang katungan ko lamang ay ano iyong aming hahanapin at saan namin iyon hahanapin. Iyon na lamang ang laging laman ng aking isipan.
"Hindi ko pa rin batid kung paano kita gigisingin, Siavannah..." bulong ko bago ko pinalutang ang isang kulay pulang bulaklak na nalaglag sa sahig. Pinalutang ko iyon sa ere saka malayang ibinalik sa hanay nito. "Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung paano..."
Mas lumapit pa ako sa kaniya. Gamit ang aking isip ay inutusan ko ang mga paru-parong ayusin ang koronang bulaklak sa ulo ng Feina Zana. Sumunod naman agad ito sa akin.
Ang kaniyang ganda'y lalong nadaragdagan habang lumilipas ang mga araw na siya'y natutulog.
Muli kong inilibot ang tingin sa kaniya. At sa paglibot ng aking mga mata'y hindi ko sinasadyang mapansin ang isang puting bagay nasa magkadaop nitong kamay sa kaniyang tiyan. Dahil puti ang kaniyang bestida at dahil na rin sa liwanag na nagmumula sa gintong alikabok ay hindi iyon kapansin-pansin kung hindi tititigan nang mabuti.
Sa ilang araw kong pagmamasid sa kaniya'y bakit ngayon ko lamang napansin ang bagay na iyon?
"Maaari ko bang makuha ang bahay na iyon?" muli kong pagkausap sa mga paru-paro. Hindi naman nila ako binigo.
Mula sa magkadaop na kamay ni Siavannah ay nagawa nga nilang makuha ang bagay na iyon. Lumutang iyon dahil sa mga paru-paro. Inilahad ko ang aking palad para doon nila ilapag ang puting balahibo.
Yes, it's a white feather. Kumunot ang noo ko roon. Mariin ko iyong sinuri sa aking palad. Pamilyar iyon sa akin. Ito'y balahibo ng isang lawin kung hindi ako nagkakamali. Minsan ko na ring nakita ang balahibong iyon sa aking panaginip. Bakit nasa mga kamay iyon ni Siavannah?
Sa pagtitig ko roon ay biglang sumimoy ang hangin. Bumulong lamang iyon sa aking tainga at walang ibang dalang mensahe. Ang hatid noon sa aking balat ay iba sa normal na pakiramdam. Tila may nais ipahiwatig.
Inilibot ko ang aking paningin a buong silid. This is the sacred room of Vehema to where the Golden Torch of Prophecy was placed for protection. Imposibleng may makapasok ritong nilalang kagaya ng lawin. Madali iyong mapapansin dahil ang silid ay nababalutan ng mahika.
BINABASA MO ANG
Lilith and The Vehemian Prince
FantasíaDescendant of the heiress You will see Bloody death In this castle thy will be. Those who lost faith Will no longer wait The lights are coming With burning flames. In the name of the fire You will return Thy shall rule My kingdom and all. *** NOTE:...