Kabanata 10

15 0 0
                                    

Arceli Angeles: I did not proofread this chapter. Happy Reading!

***

Lilith Trilogy Book 1:

Lilith and the Vehemian Prince

Kabanata 10

Muli kong nilingon ang pinto ng aking silid upang masigurong walang makakaalam ng aking gagawin ngayong gabi. Kailangan kong masigurong walang makakaalam na kahit sino lalo na ang mga prinsipe.

This is not allowed. I am not allowed to go anywhere without the guards or one of the princes. Mahigpit iyong bilin ng hari kanina ngunit mas nananaig ang kagustuhan kong magtungo sa museleo ng aking mga magulang para roon ipagdiwang ang aking ika-dalawampu't isang kaarawan.

Nang masigurong wala nang makakapansin ay tumungo na ako sa malaking bintana ng aking silid saka marahan iyong binuksan.

"Where are you?" huminga ako ng malalim nang marinig ko ang boses ni Adeen sa aking isipan.

"I'm coming," I told him. Sinipat ko ang taas noon. Kinagat ko ang aking labi sa kaalamang medyo may kataasan ang aking tatalunin ngunit hindi ako nagpatinag.

"Be careful, Lilith," paalala sa akin ng guardian ko.

Isang beses pa akong bumuga ng hangin bago walang alinlangang tumalon. Mabuti na lamang at madilim ang parteng iyon ng palasyo at walang gaanong napapadpad na tagabantay. Hindi ako mahihirapang itago ang aking presensya at hindi ako makakakuha ng atensyon.

Paluhod akong bumagsak sa lupa. Ang aking pulang bota na madalas kong isinusuot sa pagsasanay sa bulwagan ay gumaw ang kaunting ingay nang bumagsak ako. Mabilis akong sumandal sa pader upang agad na maitago ang sarili sakaling may nakapansin. Mahigpit din ang kapit ko sa aking sandata.

Saglit lamang akong nagtago roon, sinigurong wala ngang nakapansin o nakaramdam ng aking presensya. Bumilang lamang ako ng segundo bago maingat na humakbang papalayo sa palasyo.

Ang sabi ni Adeen ay sa west wing ko raw siya tagpuin. Kung ganoon ay nasa kabilang dako iyon ng palasyo. My room was at the east wing. At para makapunta roon, pinakamadali ang daan kung sa hardin ng palasyo ako daraan na hindi ko gagawin dahil kung marami ang kawal sa tarangkahan ng palasyo, marami rin sa may hardin dahil naroon ang puno ng dyosa ng apoy.

"What taking you so long, Lilith?" I heard Adeen's voice once again.

"I'm on my way, Adeen. Just wait."

"Be here in a minute. Iiwan kita kapag wala ka pa rito pagkatapos ng isang minuto."

Hindi ko na naiwasang umirap pa. Akala niya ba ay madali ang pagtakas kong ito? At bakit ba ang mainipin ng isang 'to? Kulang ba siya sa tulog? At isang minuto?

"Do you know how far the east wing to the west? One minute is not enough, Adeen!"

"Not my fault if you are slow. Make it fast."

"Alright! Wait me there! I'm coming!"

Wala na akong nagawa kundi magmadali sa bawat kilos at hakbang ko. Dahil hindi ako pwedeng dumaan sa hardin, kailangan kong umikot dahil bukod sa hardin, sa likod lamang ng palasyo maaaring dumaan para makarating ng mabilis sa west wing. Wala rin namang masyadong nagbabantay roon. Kung mayroon man, mga dalawa hanggang tatlo lamang iyon.

I am, for sure, was lucky tonight dahil walang bantay sa likod ng palasyo kung saan naroon ang gazebo ng mahal na reyna. Ang tanging nakikita ko lamang ay ang mga mumunting alitaptap na malayang lumilipad sa paligid noon.

Lilith and The Vehemian PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon