Kabanata 20

11 0 0
                                    

Arceli Angeles: I did not proofread this chapter. Errors ahead. Thank and happy reading <3

***

Lilith Trilogy Book 1:

Lilith and the Vehemian Prince

Kabanata 20

Airania ang kaharian sa kanluran. Kung ang Flora ang kumokontrol sa mga halaman at sa kalupaan, ang Airania naman ang kumokontrol at nagpapanatili sa banayad na hangin sa buong Fanta El Mento. Sila rin ang kumokontrol sa ulan. Ang kahariang ito'y makikita sa kaulapan. At gaya sa aking panaginip, ang mag Airanians ay may ginintuang tinig.

Bukod sa marahas na hanging sumalubong sa amin nang maglakbay kami sa Flora, sa aking panaginip kung saan pinalilibutan ako ng puting mga ulap at ang malamyos na tinig na aking narinig sa paligid, ang balahibong nakita ko sa mga kamay ni Siavannah ay inidikasyon na ang susunod na sangkap ay matatagpuan sa kaharian sa kanluran.

Hindi ko batid kung paanong may balahibo ng Malfinies sa kaniyang mga kamay. Hindi ko rin batid kung bakit napunta iyon sa Feina Zana. Maliban na lamang kung sadyang bumaba sa Flora ang isang Malfinies.

"Nais mo raw akong makausap, Binibining Liliosa?" mula sa mga aklat na aking binabasa sa loob ng aking silid-aklatan ay lumingon ako sa kadarating lamang na si Prince Ras. Suot ang kaniyang pam-prinsipeng kasuotan na napapalibutan nang ginto'y matikas siyang nagbigay ng pugay sa akin.

Isang ngiti naman ang iginawad ko sa kaniya.

"Magandang araw, Prince Ras," bati ko sa kaniya.

Pilyo naman itong ngumiti sa akin.

"Anong maipaglilingkod, Binibini?"

"May isang bagay lamang akong nais ipagawa sa iyo. Kung hindi mo mamasamain ay nais kong maiwan ka sa palasyo at si Prinsipe Rust ang isasama ko sa aming paglalakbay."

Hindi niya inalis ang kaniyang pilyong ngiti. Pinagtaasan niya lamang ako ng kilay na para bang namamangha siya sa bawat salitang aking binabanggit gayong wala namang kamangha-mangha roon.

"Anong bagay naman kaya ito, Binibini?"

Sa halip na sagutin ang kaniyang katanungan sa pasalita'y naglakad ako sa aking lamesa. Naroon ang kapirasong papel kung saan ko isinulat ang nais kong ipagawa sa prinsipe. Kailangang lihim iyon dahil kung malalaman ng iba'y gulo ang magiging hatid nito.

Hindi ko nais gawin o ipagawa ang bagay na ito ngunit nang ipakita sa akin ng ginintuang tanglaw ang imahe ng aking mga magulang ay umusbong na naman ang kagustuhan kong malaman kung sa paanong paraan binawian ng buhay ang aking mga magulang.

Sa pagkakatuklas ko sa aking tungkulin na hanapin ang sangkap sa bawat lunas, isinantabi ko muna ang kagustuhang bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng aking mga magulang at ni Kenon. Ngayon nama'y muling umusbong ang kagustuhan kong tuklasin ang sikreto sa kanilang pagkamatay.

Kaya sana'y matulungan ako ni Prinsipe Ras.

"Nais kong lihim muna ito, Prinsipe Ras. Kayong tatlo lamang ang nakakaalam ng bagay na ito."

Iniabot ko sa kaniya ang kapirasong papel. Binasa niya iyon at lalong tumaas ang kaniyang kilay.

"Are you sure, Lilith?" he asked me.

"Yes. Ikaw lamang ang may kakayahan."

"Kung ganoon ay makakaasa ka sa akin. Pangakong hindi kita bibiguin."

"Maraming salamat, Prince Ras."

Hindi na rin nagtagal si Prince sa aking silid aklatan. Nanatili naman ako roon hawak pa rin ang aklat ng Hava: All about the West Kingdom. Ang aklat na naglalaman ng lahat ng impormasyon tungkol sa Airania.

Lilith and The Vehemian PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon