Kabanata 1

15 0 0
                                    

Lilith Trilogy Book 1:

Lilith and the Vehemian Prince

Kabanata 1

Nakapasok kami sa mundong laging binabanggit sa akin ni Kenon. Ang madilim na kagubatan ang siyang bumungad sa akin. Nagtataasang mga puno na kakaiba ang wangis kumpara sa ordinaryong puno sa mundo ng mga norpel. Animo'y mga estatwa ng tao ang mga punong nasisilayan ng aking mga mata. Ni hindi rin naliliwanagan ng buwan ang buong lugar.

Nilingon ko si Kenon na bumibigkas ng engkantasyon upang magsara ang lagusan. Nawala ang liwanang at naging isang punong kahoy na lamang ang lagusang aming dinaanan.

Nilampasan ako ni Kenon. He flicked his wand and, in an instant, Kenon was holding two torches. Nagsilbi itong maliit na liwanag sa dilim na aming kinaroroonan. Ibinigay nito sa akin ang isa at naunang naglakad. Agad akong sumunod at sumabay sa kaniya.

Ang bawat yapak at hakbang namin sa tila mga tuyong dahon ay gumawa ng tunog na siyang namamayani sa buong kadiliman. Ang aking mga mata'y alerto ganoon din ang aking pakiramdam kung sakaling may mga nilalang na sumalakay sa amin sa gitna ng aming paglalakad. Mariin din ang hawak ko sa aking armas nak ahoy dahil sa pinaghalong kaba at kasabikan.

"Ano ang ibig mong sabihin sa iyong tinuran, Kenon? Paanong ako ang babaeng itinakda? Sinabi mong likas sa mga taga- Vehema na maglabas ng apoy sapagkat ito ang kanilang kapangyarihan."

"Huwag mo munang intindihin ang aking mga tinuran, Lilith. Ang mahalaga ngayon ay makarating ka ng ligtas sa Vehema at makausap ang Haring Elio."

Nagpatuloy ito sa paglalakad. Wala akong ibang nagawa kundi ang sumunod dito, ang isipan ay gulong gulo at punong-puno ng katanungan.

Imposibleng ako ang babaeng sinasabi sa propesiya. Wala akong dugong bughaw. Isa lamang tagapayo at tagasunod ng hari at reyna ang aking mga magulang. Ang tanging sigurado lamang ay nasa akin daw ang lunas sa sumpa ng unang prinsipe ng Vehema. Siguro nga ay masasagot lamang ang mga katanungang ito kapag nakarating na kami sa Vehema.

"Nasa Fanta El Mento na ba tayo? Saang bahagi ito kung ganoon? At bakit parang kay dilim dito? Ni ang buwan ay hindi ko natatanaw," tanong ko habang nakikiramdam ako sa paligid.

Hindi ko nabasa ang lugar na ito sa kahit anong aklat ni Kenon.

Tahimik. Kahit huni ng ibon o ng kwago ay wala akong naririnig. Wala rin akong nararamdamang hangin. Ni walang liwanag at parang inalisan ng buhay ang kagubatang aming tinatahak.

Para itong pinanawan ng buhay.

"This is the Black Forest, Lilith. No one goes here. Kahit ang mga hayop ay hindi nagagawi rito."

"Black Forest?" Namangha ako roon.

"Katulad ng unang prinsipe, isinumpa rin ang kagubatang ito. Dito unang naganap ang digmaan sa pagitan ng ilalim at ibabaw, Lilith. Ang mga punong may kakaibang wangis ay mga nilalang ng ilalim na napaslang sa digmaan. Ang dyosa ng Flora ang nagsumpa sa lugar na ito."

Kaya ganito ang kanilang mga wangis. Nakakatakot ang mag-isa rito. Para kang maalisan ng lahat ng kasiyahan sa lugar na ito.

"Kaunti lamang ang mga nilalang na nagagawi rito dahil natatakot na isumpa rin sila kung maglalagi rito."

"Wala namang kakaibang nangyayari sa ating dalawa," turan ko.

"Hindi nagagaya sa mga punong iyan ang may mabuting kalooban at mabuting intensyon, Lilith."

Tumango ako sa kaniyang sinabi at hindi na iyon binigyan pa ng pansin. Nagpatuloy kami sa paglalakad at nang may isang oras na yata kaming naglalakad ay unti-unti ko nang nararamdaman ang pagod ko. Masakit na ang aking mga paa at sigurado akong mayroon na akong maliliit na sugat doon.

Lilith and The Vehemian PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon