Chapter 75 EPILOGUE

1.3K 81 16
                                    

Nakatayo parin ako sa harapan ng malaking salamin.



Hindi parin nag sisink-in sa isip ko ang lahat.




IKAKASAL NAKO. Yes, today is my wedding kaya yung kaba sa dibdib ko triple.




Bumukas ang pinto sa likod ko. Bumungad sakin ang nakangiti kong kaibigan na si ruffa.




Nakasuot siya ng summer dress. Sa beach namin napiling gawin ang kasal para diretso na ang party pagkatapos ng seremonya.





"Halatang kinakabahan ka." Napakagat ako sa labi ko at honest na tumango.




Kinakabahan talaga ako biruin niyong matutupad na ang pinakamalaki kong pangarap.





"Loosen up Zi baka himatayin ka niyan habang naglalakad ang mga bride mo haha." Binigyan ko siya ng mahinang smack sa braso.





"Pwera biro. Masaya ako para sayo. Alam ko hindi madali ang kinalalagyan mo lalu na sa mata ng mapanghusgang lipunan, but always remember na andito lang ako palagi sa tabi mo handa kang supportahan at samahan sa anumang laban." Unti-unti na siyang nagiging emosyonal kaya maging ako ay dadala narin.





Pinunasan niya ang luha sa mga mata niya at natatawang suminghot.


"Sorry haha diko lang expect na makakaabot ako sa pinakamasayang araw sa buhay ng bestfriend ko." I am touch dahil una palang ay si ruru na ang kasa-kasama ko.





Kaya masayang masaya ako dahil hanggang ngayon ay magkasama parin kaming dalawa. Kahit marami ng pinagdaanan ang pagkakaibigan namin ay nananatili paring matatag ang samahan namin.




"Tama na nga ang pagdadrama baka hanapin ka pa ng mga babae mo." Pareho kaming natawa. Niyakap ako nito. "Congratulations bestfriend. Masaya ako dahil masaya ka." Niyakap ko ito pabalik at nag thank you sakanya.





Sabay kaming lumabas ng rest house at tumungo sa may paggaganapan ng kasal ko. Nandon na ang mga taong inimbitahan namin. Hindi naman ganon kasami halos malalapit lang na mga kaibigan at kamag-anak.




Pinisil ni ruru ang kamay ko para pakalmahin muli ako. Dumating na ang taong magkakasal samin kaya nagsimula na ang seremonya.





Napakalaking kaganapan nito kung iisipin. At kung lumabas ito sa publiko ay kabi-kabilang kommento ang makukuha ko.




Siguradong ang iba don ay huhusgahan ang pagkatao ko. Asawahin ko daw ba naman ang apat na babae. Hindi yon normal sa pinas kaya makikita talaga nilang mali pero wala namang mali kung nagmamahal kalang diba? Hanggat wala kang natatapakang tao wala kang kailangang ipangamba.






Narinig ko na ang kanta para sa paglakad ng bride kaya automatikong napatingin nako sa may gitna.




Nasa harapan nako katabi ang judge habang hinihintay ko ang paglalakad ng mga taong mahal ko.





Napapunas nalang ako ng luha ng makita silang isa-isang naglalakad palapit sakin.



"Gosh. Ang gaganda nila." Hindi ko mapigilang maibulalas. Rinig ko naman ang mahinang tawa sa kanan ko at nakita ko nga si judge na nailing sakin. Medyo nahiya ako kaya naitago ko nalang ang mukha ko sa palad ko.







Pagkatapos ng nakakahiyang esksenang yon ay nagfocus nako sa gitna.


Unang lumakad ay si light habang hawak ang kamay ng anak namin. Lalung lumaki ang ngiti ko ng masilayan ko ang nakangiting mukha ni light.




POLYAMORY: UNDER HER SPELL | IZIAH FELICIANO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon