Prituhin ang tokwa hanggang maging light brown.
Sabi na nga ba. Ang pag-alis ko ay biyaya para sa karamihan. Napapa-nugaga-when? na lang talaga ako.
"Lord, bakit gano'n? May favorites ka ba? Anak mo rin naman ako," sabi ko habang puro like at heart lang ako sa wedding pictures ng dati kong officemate. Invited naman kami sa buong opisina, maski ako—kahit na hindi niya ako masyadong iniimik dahil sobrang "professional at its finest" itong si ex-officemate. Sobrang winner pa dahil 'yung chief of finance naming igop ang nakatuluyan.
No'ng nalaman ko nga, napahanap din ako ng poging bossing. Kaso puro pensiyonado. Gusto ko naman ng makulay at wild na bedtime, hindi 'yung tagahilot na lang ako ng masasakit na tuhod t'wing matutulog na.
Napa-no nga lang ako sa invitation kasi may pasok ako t'wing Sabado sa nilipatan ko. Kung alam ko lang na magle-layoff sila at isa ako sa ile-layoff, sana nag-yes na lang ako.
At ngayon, heto—new office, new culture, pero same line of work dahil ito lang naman ang alam kong gawin. Pang-fifth day ko pa lang, actually. Nag-check din ako sa organizational chart kung may igop pero waley. Puro may asawa na siguro 'to. Baka may mga apo pa. Si Chairman Kong lang ang tinandaan ko dahil, well, siya ang chairman. Mga nasa early sixties na siguro base sa itsura niya sa website.
"Sabay naman kaming na-endo, bakit di kami sabay nagka-love life?" Napabuntonghininga ako. "Kailan ba ako?"
Nangasim ang mukha ko sa inggit.
Well, fresh pa naman ang punda ko sa unan. Di naman nagmamadali ang matris ko. Di ko naman ikamamatay kung di ko maranasan ang ma-"in a relationship" in my late twenties. Eme.
Baka kaya walang may type sa 'kin dahil puro ako eme? Eme.
"'De, eme lang. Strong independent woman tayo, Tofu. Di ka lang basta tofu, Tofu. Isa kang tokwa! Super megalicious firm ka!"
"Hoy, babaeng bakla na mahilig magsalita mag-isa," sigaw sa 'kin ni Vidal, officemate kong may reputasyon na madalas na petiks, aligaga t'wing deadline. Sa kabilang kuwarto si Vidal, pero dumadalaw siya sa table ko kahit magkaiba kami ng kuwarto. Nakilala ko siya sa isang multilevel marketing keme dahil gusto naming maging milyonaryo nang mabilis, pero ang natanggap lang namin ay pressure at disappointment. Naglabas pa kami ng pera na di rin namin naibalik. Naging ka-close ko siya kahit tumigil na kami ro'n, at heto, siya ang nag-recommend ng work na 'to sa 'kin. Nga lang, contractual na three months lang.
"Bakit, Vidalia Gracia?" tawag ko sa buong pangalan niya. "At ako pa raw talaga?"
"Kinakausap mo na naman ang sarili mo."
"Bakit ba? My cheerleading squad is my own self."
"Ano?" Natawa si Vidal. "Ano na naman ang hinithit mo kagabi?"
"Sana nga, may hinihithit."
Nagtinginan kaming dalawa nang pabiro saka natawa.
"Puti pa naman 'yang damit mo," komento niya. "Baka matapunan ng hawak mong kape, maging brown pa 'yan."
"Ay, wala na itey," sagot ko nang ma-realize na hawak-hawak ko pa ang mug na wala na palang lamang inumin.
"Sabog ka?" natatawang sabi ni Vidal. "Ay, ateng, muntikan ko nang ma-forget. Tapos mo na ba 'yung keme report ng nasirang computer? Hinihingi na sa 'tin 'yon ng IT dept."
"True the fire?"
"True the limit."
"Lunch naman, ateng. Pakainin mo muna ako," sagot ko sa kanya. "Saglit lang 'yon."
BINABASA MO ANG
Ginisang Tokwa at Kangkong (Paboritong Ulam Series Book 3)
RomanceSimple lang ang patakaran ng single at pagod nang mag-mingle na si Tovielle Fuentes, a.k.a. Tofu, para maiwasan na mangyari sa kanya ang sumpa ng mga babae sa kanilang pamilya: stick to the standards at bawal ma-in love sa mas bata. Kaya naman nang...