Chapter 5

337 45 81
                                    

Idagdag ang toyo. Haluin.


Naghintay ako ng message niya pero wala namang dumating kaya hinayaan ko na lang. At dahil alam ko na ang apelyido niya, napa-check din ako sa Facebook, pero wala pa ring gano'ng pangalan. Napatingin pa nga ako sa friend requests, pero wala din naman.

Ang meron lang ay mga mukhang taga-office dahil nakalagay na same kami ng employer. Ni di ko nga kilala 'tong mga 'to personally! 'Yung isa, namukhaan ko na 'yung taga-eng'g na mukhang trip ako, 'tapos meron pa 'yung ilang nakasama ko sa isang seminar na mga taga-marketing dept, may isang kaapelyido pa ni chairman, 'tapos may mga galing pang HR department! Di ko makita ang benefit kung i-add ko sila kung magre-resign din naman ako kalaunan o matatapos ang kontrata—kung anuman ang mas mauuna.

May kilala akong isa sa friend requests—si Ma'am Sarah. Pero like . . . why? Ayoko nga! Makita pa niya ang kahalayan at ang pagfa-fangirl ko. Bukod kay Vidal at Ramsay, ayoko nang mag-add . . . unless na si Kian.

Kaso, wala naman siyang request.

"For references nga, e," sabi ko sa sarili ko. "Hindi naman for landi."

Makakalimutan ko na nga ang tungkol do'n nang saktong makita kong nag-message siya. Napapulot ako kaagad sa phone.


RCS chat with Kian

🔒 This chat is now end-to-end encrypted. Learn more


Kian

🪀Tofu. 🧈


"Ano 'yon? Yo-yo . . . ah," sabi ko nang ma-realize ko kung para sa'n ang yo-yo emoji.


Tovielle

Kipay!


Siyempre nanlaki ang mga mata ko dahil nag-autocorrect at na-send ko na bago ko nabawi. Wala namang unsend sa RCS chat. Ini-swipe ko lang kasi ang daliri ko sa phone keyboard dahil ginagamit ko ang isa kong kamay. Nakokopya naman na ng phone ko ang lenguahe ko, pero ayan—nakalimutan kong first time kong itayp ang pangalang Kian.


Tovielle

KIAN. KIAN KASI!!! 😆

Sorry hahaha

Autocorrect


Kian

Autocorrect ng pangalan ko ang kipay?


Tovielle

Sorry na kasi!!!!

At bakit ba??? 😣

Madalas ko kasing gamitin


Kian

Madalas mo gamitin? For what haha


Tovielle

Ginisang Tokwa at Kangkong (Paboritong Ulam Series Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon