Maglagay ng tubig, depende sa lasa.
Umuulan pa rin nang makababa kami sa bus. Buti na lang at may payong ako. Itong batang ito, walang dalang payong.
"Bakit ba kayong mga lalaki, wala kayong dala na payong lagi?"
"Maka-generalize tayo, Ms. Tofu?"
Natawa ako. Ngayon na lang niya ako natawag na Ms. Tofu. "Pati kasi 'yung mga dati kong kaklase no'ng college at high school! Mga naka-cap, naka-jacket, 'tapos makikisilong sa 'ming may dalang mga payong."
Ang ginawa ni Kian, inalis niya ang pagkakapayong sa sarili niya at sa 'kin lang natutok.
"Hoy! Huwag kang sad boy, ha!" sigaw ko sabay tulak ng payong para kaming dalawa ang nasa ilalim. "Observation ko lang 'yon."
"So gano'n din ba ginagawa ng mga nanligaw sa 'yo na nabasted mo?"
"Wow, maka-assume na may nanligaw! Sana may nabasted, pero nada. Tapusin na kaagad ang landian at feelings kung di pasok sa standards," sagot ko. Tiningnan ko siya dahil biglang natahimik.
"Mind if I ask why?" tanong niya.
Sasagutin ko na sana pero biglang umulan nang malakas. As in sobrang lakas, mas malakas pa no'ng nasa may bus kami. Napilitan kaming sumilong muna. Akala ko titigil, pero sampung minuto na ang lumipas, malakas pa rin ang ulan. Basang-basa na ang mga pantalon namin.
"Kaunting lakad na lang sa boarding house," sigaw ko kasi ang lakas ng ulan. "Do'n ka muna magpalipas 'tapos mag-taxi ka na lang pauwi."
"Sige."
"Dapat kasi, hindi mo na ako hinatid pauwi, e."
"Choice ko 'to. Tara na bago lumakas pa lalo."
"Ready ka na? One . . . two . . . three!"
Sabay kaming tumakbo sa ulan. Nahulog pa 'yung susi ko habang binubuksan ang gate. Nakatulong naman ang payong . . . para masigurong hindi mabasa ang bunbunan namin. Pero ang ibang parte ng katawan namin, parang ibinabad sa pool.
Umakyat kami sa second floor. May mga nag-iinumang barkada pa nga do'n sa shared sala. "Uy, sorry, ha. Maliit lang kasi ang kuwarto. Tingnan ko na lang kung makukuhanan kita ng damit," sabi ko.
Buti na lang, hindi umaanggi ang ulan sa loob kahit laging nakabukas ang bintana. Kukulob kasi ang amoy. Bubuksan ko sana ang electric fan para makapagpatuyo, kaso naisip ko rin na baka magkasakit lang kami. Minabuti ko na lang na maghanap ng tuwalya at damit. Ang problema lang, wala akong damit na kakasya sa kanya. Alangan namang ipag-dress ko si Kian.
"Sa mga TV show, may naipapahiram laging damit sa mga ganitong momentz, pero sorry na at tuwalya at kumot lang ang meron na puwede sa 'yo," sabi ko sa kanya sabay bigay ng tuwalya at kumot. "Puro sakto lang kasi 'yung shirt sa 'kin. Di ko bet ang mga oversized."
"Ano'ng gagawin ko sa tuwalya at kumot?"
Napairap ako. "Hubarin mo 'yung damit mo para mapatuyo, duh," sagot ko na parang Hello, common sense? Pero nang parehong tumaas ang kilay niya at tumitig sa 'kin na parang tinatanong ako kung sigurado ba ako sa pinagsasasabi ko, saka ko lang na-gets.
"S-sabi ko sa 'yo minsan shunga lang talaga me," biro ko saka tumalikod at naghanap na lang ng ibang damit, nagdadasal na may mga malalaki akong shirt na puwede sa kanya.
"Huwag mo nga sabihin 'yon," sabi niya. "Okay, I have a proposition."
"In, over, behind, ganern?"
"H-ha?"
BINABASA MO ANG
Ginisang Tokwa at Kangkong (Paboritong Ulam Series Book 3)
RomanceSimple lang ang patakaran ng single at pagod nang mag-mingle na si Tovielle Fuentes, a.k.a. Tofu, para maiwasan na mangyari sa kanya ang sumpa ng mga babae sa kanilang pamilya: stick to the standards at bawal ma-in love sa mas bata. Kaya naman nang...