Chapter 4

290 40 32
                                    

Gisahin ang sibuyas, bawang, at tokwa.


The next day, nagulat na lang ako na may kape na sa table ko—the same canned coffee na inabot sa 'kin ni Kian. May note pa:


The coffee is for you. Pero ang pampagising, para sa boss mong di makita ang halaga mo. Ipakita mong di ka lang basta Tofu. Tokwa ka rin. —K


Napangiti ako. "Nabanggit ko ba 'tong mantra ko sa kanya?" tanong ko sa sarili ko. Tinago ko na kaagad ang sticky note bago pa may makakita, pero may mga tao lang talaga sa buhay ko na mabilis pagdating sa tsismis.

"At kanino galing 'yan?" Nakasandal na si Vidal na may kape nang hawak. Nakairap pa na parang may makukuhang tsismis sa 'kin.

"Wala kang mahihigop sa 'king impormasyon," sagot ko habang naglalagay ng bag sa table.

"Nakita ko 'yung note, ateng! May manliligaw ka na? At sa office talaga?! Where? Saang department?"

"Naliligaw lang siyang bata, ateng."

"Bata?! Ay! Iba ang kamandag mo!"

"Gaga ka!" natatawa kong sabi. "Di ako pumapatol sa bata, ateng. Siya 'yung nakuwento ko. 'Yung nasukahan ko? Nagkita lang kami kahapon at nag-overshare lang ako."

"Ay, may mga kitaang nagaganap after office hours! Ano nga uli pangalan n'on? Ki . . . Kipay?"

"Kian! Gaga ka!" natatawa kong sagot.

"Alam mo, natamaan na 'yon sa 'yo. May pakape na, o."

"Ako na mismo ang huhugot ng pana na tumama sa kanya para di matuloy if ever totoong may feelings siya," sabi ko. "Friendly lang 'to."

"Di mo alam na kapag hinuhugot ang kutsilyo kapag nakabaon na, mas lalong magdurugo?"

"Bakit may nakabaon?! Guard!"

Natawa si Vidal. "Ateng! Paki-process muna ang sinabi ko! Narinig mo lang ang nakabaon, iyon lang ang tumatak sa utak mo."

"Huwag mo kasi akong daan-daanin sa idiom-idiom at di ko mage-gets. Pinakamataas na nakuha ko sa English ay eighty-one."

"Ateng, tagalog 'yung sinabi ko," sagot ni Vidal, di pa rin mapigil ang paghagikgik. Bentang-benta talaga minsan ang tanga-tangahan sa ibang tao. "Grabe, iba talaga ang kamandag ng isang Tovielle Fuentes. E, kung na-develop na sa 'yo 'yan?" bigla niyang tanong.

"I-expose ko sa sunlight para masira ang film."

"Ha? Ano raw?"

Biglang bumukas ang pinto. Nang makita namin na si Ma'am Sarah ang pumasok, tumahimik na kami. Nagpaalam nang tahimik si Vidal saka umalis sa kuwarto. Ang natira, kami lang ni Ma'am Sarah. Napa-"thank you, Lord" na lang ako nang dumating si Ramsay some minutes later.

***

Araw-araw na may pakape si Kian pagkatapos. Mga two weeks na rin akong may supply ng canned coffee kahit hindi kami masyado nagkikita. Minsan, nagkakasalubong kami sa elevator o sa first floor o sa maliit na canteen, pero may kasama siyang mga taga-chairman's office kaya umiiwas ako.

Na-appreciate ko naman, pero baka ma-misread niya ang intentions ko. Akala ko pa nga, pag lumipas na ang Friday, titigilan na rin niya ang pakape. Aba! Nang dumating ang Lunes, meron pa rin! Ayaw ba akong patulugin nitong batang ito? May iniiwan pa siyang notes na may screenshot ng mga GIF tungkol sa mga bossing na halimaw.

Ginisang Tokwa at Kangkong (Paboritong Ulam Series Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon