Chapter 6

260 39 24
                                    

Idagdag ang oyster sauce. Haluin.


Kian

🪀

Nandito na ako sa main.

Sabay tayo lunch mamaya?


Dumating ang Wednesday. Umagang-umaga at napangiti ako nang natanggap 'yon kay Kian pero instantly ring nawala nang biglang dumating si Ma'am Sarah sabay utos agad habang naglalakad papunta sa table niya.

"Tovielle, we have a meeting later at three p.m. Remember the presentation we used last time?"

"Yes po, ma'am."

"Ayusin mo na lang 'yon and add these," dagdag niya habang may inaabot na folder. "Can you give this to me by two p.m.? No empty slides. Proofread."

"Okay po, ma'am."

Nang makabalik na siya table niya, saka ako nag-reply.


Tovielle

Baka di pweds 😭

May mtg later e

Asikasuhin ko ppt ni maam

Late lunch uli ako mamaya haha

In fair parang bumait si boss 🧐

Pinagalitan siguro to malala ni chair

Eme 🤪


Kian

Haha baka napagsabihan.

Power trip kasi masyado.

Sabay na lang ako.


Tovielle

Ok lang ba yon? Di ka ba pagalitan?

Saang dept ka ba?

For sure di ka rito 🙄

Wala ka rito now e hahah

Makipagfriends ka kaya diyan!

Magtaka pa sila pano mo ko nakilala 😩


Kian

Sabihin kong tinamaan ako ng suka mo.


Tovielle

ANO HAHAHAH


Kian

Di mo pa pala nasabi anong ginagawa mo sa bar at bakit karga ka na ng mga di mo kilala.


Tovielle

Ibabaon ko na lang sa lupa kung bakit hahahah


Alangan namang sabihin ko ro'n na I was trying to find love in a hopeless place, di ba? O na gusto ko lang i-celebrate ang first week ko sa opisinang mukhang di rin naman ako magtatagal.

Ginisang Tokwa at Kangkong (Paboritong Ulam Series Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon