Chapter 3

324 41 42
                                    

Magpainit ng mantika sa isang kawali.


Tahimik ang buong office buong linggo dahil umaaligid si Ma'am Sarah. Bumalik na kasi siya from her travel. Ewan, siya ang Sarah ang pangalan pero Lavinia ang ugali—in reference sa show na Sarah ang Munting Prinsesa na mukhang mga kaedaran ko na lang ang nakakaalam. Kami ang henerasyon na pinagsasabihan na kung napanood pa namin 'yon sa sinehan ay mag-asawa na raw kami—as if madaling maghanap ng asawa.

Nami-miss na nga namin ni Ramsay si Vidal dahil wala kami kasamang magdaldal. Madalas kasi siyang magreklamo sa group chat naming tatlo na puro tanders na raw ang kasama niya ro'n at puro agawan ng lupa at payabangan ng apo ang pinag-uusapan sa kuwarto nila. Ang hirit naman namin ni Ramsay, buti nga't may pinag-uusapan sila ro'n. Dito sa kuwarto namin na kasama si Ma'am Sarah, maririnig kahit mahanging utot dahil sa katahimikan.

"Tovielle," tawag sa 'kin ni Ma'am Sarah. Ang pakilala ko sa office ay Tofu dahil iyon naman talaga ang nickname ko simula elementary, short for Tovielle Fuentes. Pero itong si ma'am, preferred ang Tovielle. Okay lang. Di naman kami close.

Pumunta ako sa kanya, ready ang cell phone. "Yes, ma'am?"

Napairap si Ma'am Sarah. "Why are you holding your phone? Leave your phone."

"Mag-notes po sana ako ng sasabihin—"

"Then get a paper and pen."

Mukhang mapapahanap ako kaagad ng ibang trabaho, isip ko habang pabalik sa table ko. Napa-side eye pa nga sa akin si Ramsay na parang You need help? pero umiling ako.

Kaya ko 'to, lip-synch ko.

Pagbalik ko, napa-lean forward si ma'am para mag-check ng details niya sa computer habang nakatayo ako sa harap niya at ready na mag-take ng notes.

"Come over here," sabi ni ma'am so pumunta ako sa tabi niya. "I want you to make a presentation for this."

Napaisip ako kung ano-ano'ng mga batas ang lalabagin ko kung sasabunutan ko siya ngayon. Pa'no, ang ipinakita lang ay isang phone recording niya ng seminar na in-attend-an niya. Nagpakita rin siya sa 'kin ng mga picture niya ng PowerPoint presentations ng speaker. 'Yung iba, malabo pa.

"I have a meeting with the chairman and the vice chairs. I want that presentation by two."

Napatingin ako sa orasan. Ten na. "Mamaya ninyo na po kailangan?"

"Didn't you hear a word I said?" masungit na sabi ni Ma'am Sarah. "Yes! I said I want it by two o'clock p.m. Not tomorrow, not next week. Today."

By this time, gustong-gusto kong sabihing Narinig ko. Gusto ko lang malamang kung nasa tama kang pag-iisip at bakit ka magpapagawa sa empleyado mo 'tapos ilang hours lang before your presentation na lang ang natitira. Kung puwede ko lang sabihin 'yon nang hindi nabibigyan ng negative record.

Bumalik ako sa upuan ko at pinakinggan ang labo-labong presentation na ni-record galing pa sa phone niya. Nanginginig pa 'yung kamay ni ma'am habang nagre-record. Para din akong nanonood ng horror movie na may nagbabadyang jump scare dahil nagsu-switch ang camera minsan kaya biglang buong mukha na ni ma'am ang makikita ko. Que horror!

Inaya ako ni Ramsay mag-lunch, pero sinabi kong mauna na lang siya dahil kailangan kong matapos ang presentation. Gusto kong umiyak, pero di ko ibibigay kay Ma'am Sarah 'yon.

Ang tagal naman ng nagbabagang sexual attraction, isip-isip ko habang hawak sa kuwintas. Ang tanging na-attract ko lang ay stress.

Mga two fifteen ko natapos ang presentation. Sasabihin ko sanang na-send ko na, pero wala si Ma'am Sarah sa table niya. At dahil do'n, bumaba muna ako for lunch.

Ginisang Tokwa at Kangkong (Paboritong Ulam Series Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon