Chapter 2

338 36 16
                                    

Palamigin ang tokwa sa katamtamang temperatura bago hatiin saka isantabi.


Namulat na lang ako, nasa isa na akong fast-food restaurant. May coke float sa harap ko. Pero bakit gano'n? Dapat amoy-pagkain dito. Parang iba? Medyo nakakadiri—

"Eww, yawa!"

Do'n ako naalimpungatan. Natandaan ko ang kahihiyang nangyari at gusto ko na lang magpalamon sa lupa. Nasandalan ko pa sa balikat 'yung umagaw ng ulam ko kuno no'ng lunch . . . at di ko pa rin siya kilala. Mukha siyang intern dahil ang bata ng itsura niya. Naka-faded ang buhok 'tapos clean-shaved kaya kitang-kita ang cheeks niyang parang puwet ng baby na never bumuka ang pores.

"Oh my gosh, nakakahiya. Sorry! Sorry talaga!"

Walang reaksiyon 'yung lalaki. Putik, galit pa yata. Nakita ko pa 'yung mantsa sa damit niya na mukhang ako ang may gawa. Kahit ano'ng takip niya ng jacket niya, naaamoy naman ang lagim na ginawa ko.

"I'm . . . sorry. Ako na ang bahala sa pag-uwi mo."

"Okay lang," seryoso niyang sabi.

Nakakatakot naman 'to. "O-okay lang as in . . . ako na ang bahala or ikaw na ang bahalang umuwi?"

"Okay lang, kaya ko. Ikaw?"

"Ako?" Tumingin ako sa orasan. Alas kuwatro na pala ng umaga. "Kaya ko naman na."

"Good. I think I've wasted so much time."

Nagpintig ang tenga ko. Okay, gets. Kasalanan ko naman talaga, pero grabe? Wala na ba talagang pagfi-filter ng mga sasabihin? Basta na lang ebas, gano'n? Napairap ako at humarap sa kanya. "Iho, if you think you've wasted so much time, sana pinabayaan mo na lang ako ro'n."

Nagulat yata siya na sumagot ako. Pa'no, di na nakapagsalita.

"Thankful akong tinulungan mo ako. Sorry na sinukahan kita at mag-aamoy suka ka pauwi. Pero kayo talagang kabataan, uso magsalita na iniisip ang mga taong kaharap, okay?" Huminga ako nang malalim. Nagtunog tita na ako. Ganito ba talaga kapag tumatanda? Madaling mairita?

Nagbuntonghininga ako. "Sa bagay, baka kasi may kainuman kang friends pero dahil sa 'kin, hindi na natuloy, ano?" Tiningnan ko siya. Di pa rin siya nagsalita. "Fine, ako na ang iresponsableng adult, pero puwede mong sabihin in a kinder way? O kung isusumbat mo, sana pinabayaan mo na lang ako. Ayokong nagkaka-utang na loob," dere-deretso kong sinabi.

"Anyway, thank you uli, at sobrang sorry if I wasted your time. No sarcasm 'yon. Aminado naman ako na ako ang mali. Nagpintig lang talaga ang tenga ko sa sinabi mo," dagdag ko sabay kuha sa phone at pumunta sa ride-hailing app. "Sure kang di magpapahatid sa akin umuwi? Di ka ba pagagalitan ng parents mo?"

Di na naman sumagot. Nang tiningnan ko siya, aba, nakangiti na.

"Sorry, I didn't mean it that way," sabi ng lalaki, mukhang amused na amused na pinagagalitan siya. May mommy issues ba itong taong ito?

"Sorry, ano uli ang pangalan mo?" tanong ko.

"Kian."

"Okay, Kian, ako na sagot ng pauwi mo." Binigay ko sa kanya ang phone ko at ipinasulat sa kanya ang pin ng address niya. "Don't worry. It's on me."

"Maiiwan ka rito?"

"Hindi, sasama ako sa 'yo," biro ko sa kanya.

"Oh, you don't need to."

Napabuntonghininga ako dahil di ako makapaniwalang di niya na-pick up ang sarcasm ko. "Eme lang 'yon, ano ba! Natural, maiiwan ako rito. Ba't ako sasama? Para magpaliwanag sa parents mo?"

Ginisang Tokwa at Kangkong (Paboritong Ulam Series Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon