Lagyan ng paminta at asin. Haluin bago ihain.
"Sorry, Chair," sabi ni Ma'am Sarah. Napasara ako ng bibig nang magsalita ang boss kong confused na confused sa pangyayari. Napatingin ako kay Kian 'tapos kay Ma'am Sarah 'tapos kay Kian uli. "This is Tovielle, the project assistant for—"
"I know," sabi ni Kian sabay tingin sa 'kin. "Tofu, can we talk?"
Wew, hot naman nern, pero siyempre, di ko 'yonsinabi. Imbes na sumagot kay Kian, tumingin ako kay Ma'am Sarah. Gusto kong sabihing dina-diarrhea ako para pauwiin na lang ako at di sa office maghasik ng lagim. Pero naisip ko na kaya ko namang mag-breakdown pag-uwi. At least, magbe-breakdown na may sahod ngayon. Tingin ko, kaya naman ng mental state ko.
"Why are you looking at me?" masungit na tanong ni ma'am. "It's the chairman who wants to talk to you."
"Kayo po direct boss ko," sagot ko. "Puwede n'yo po akong di payagan."
Napairap si ma'am saka napatingin kay Kian. "Chairman, will you and Tovielle talk about work?"
Yes, let's go, Ma'am Sarah! Bumawi-bawi ka man lang sa 'kin sa lahat ng kamalditahan mo, isip-isip ko.
"Kind of," sagot ni Kian bago tumingin sa 'kin. "We'll talk about how to work this out."
"H-hoy!" sigaw ko habang nanlalaki ang mga mata pero napatakip na lang agad ako ng bibig. Nakita kong napangiti si Ramsay at napapadyak sa sahig si Vidal dahil sa kilig. Tumingin naman si Ma'am Sarah sa kanila para maghunos-dili. Ayun, napa-CR si Ramsay at napabalik sa kuwarto nila si Vidal.
"Chair, with all due respect, you can talk to Tovielle about your personal matters during breaktime," sabi ni Ma'am Sarah.
Tumingin si Kian sa 'kin. "Please?"
"Narinig n'yo po si Ma'am Sarah," sabi ko nang mahinhin. "Lunch na lang po."
Bumalik na si Ma'am Sarah sa table niya nang marinig niya ang confirmation ko, pero ako, nakatingin pa rin sa sahig at napipe. Akala ko, bibigay ang tuhod ko dahil sa lambing ng boses ni Kian; buti na lang at nakaya ko pang tumayo.
"See you later?" tanong ni Kian.
"Sige po."
"Bakit may po?"
"Bakit po wala?"
"Kahapon wala namang po—"
Nilakihan ko siya ng mata. "Kung gusto n'yo pong kausapin ko talaga kayo mamaya, huwag na n'yo na po ituloy ang sasabihin n'yo."
Ngumiti si Kian, pero nang umirap ako, napatikhim na lang siya at tuluyan nang lumabas sa kuwarto.
Bumalik ako sa upuan at nag-ayos. Nakatulala lang ako sa salamin. 'Yung galit, napalitan ng gulat. 'Yung gulat, naging excitement. Like, wow. Feel na feel ko ang haba ng hair ko kahit may genes akong bumabagal ang tubo ng buhok habang tumatanda.
Ang totoo, nagalit lang ako dahil sa kiss na pinagsasasabi ni Sonya. Mas nanaig ang galit ko kaysa 'yung gulat na si Kian pala ang anak ng chairman. Parang idinagdag ko na lang 'yon sa ikakatopak ko. Pero kung wala si Sonya sa picture at iyon ang una kong nalaman? Tingin ko, abot-langit na ang pakiramdam. Haler, igop na mas matanda na mukhang may insurance? Check na check ni Kian lahat ng nasa listahan! Ano pa ba ang hahanapin ko?
Pero siyempre, di ko padadaliin ang buhay niya. Kung kaya niyang magpabebe, puwes, ako rin.
Malaking parte sa 'kin ang di makapaniwalang nangyayari 'to. Na 'yung nasukahan ko, 'yung drinamahan ko tungkol kay Ma'am Sarah at tungkol sa trabaho, at 'yung pinahawak ko ng bubelya ko ay walang iba kundi si Kian—na di lang ang anak ng chairman . . . siya pa ang bagong chairman.
BINABASA MO ANG
Ginisang Tokwa at Kangkong (Paboritong Ulam Series Book 3)
RomanceSimple lang ang patakaran ng single at pagod nang mag-mingle na si Tovielle Fuentes, a.k.a. Tofu, para maiwasan na mangyari sa kanya ang sumpa ng mga babae sa kanilang pamilya: stick to the standards at bawal ma-in love sa mas bata. Kaya naman nang...