Chapter 7

301 37 74
                                    

Ilagay ang tangkay ng kangkong at lutuin ng isang minuto.


Kian

Sa kabilang branch daw muna ako.

Then permanent na diyan sa main.

Hopefully, next week.


"Bakit may pagpapaalam?" pabulong kong tanong. Hindi ko pa nire-reply-an ang RCS chat niyang natanggap ko three hours ago.

Confused na confused na kasi talaga ako. Go, go, go na ba ako sa feelings at go, go, go away na ang standards? May kakilala akong sinunggaban ang feelings agad at binabaan ang standards, 'tapos after a few months or years, biglang tatanggalin ang pictures sabay maglalagay ng post na "Don't lower your standards to keep anyone" or "You manipulated me when I was lonely."

Ayoko namang ma-gano'n.


Kian

By the way, gusto mong manood ng movie next week?


'Tapos may paganyan-ganyan pa siya! Di ko tuloy mapigilang ngumiti.

"Ang gaga, napangiti. Patingin nga ng chat!" sabi ni Ramsay. Nagmemeryenda kaming tatlo sa mas malaking canteen dahil nasa training sa ibang lupalop ng bansa si Ma'am Sarah. "Nag-chat na naman si kangkong guy?"

Nakuwento ko kasi sa kanila 'yung tungkol sa punas-pakilig effect Kian. Sabay-sabay pa nga naming hinanap si Kian sa soc med as Kian Ng, pero wala talagang lumalabas.

"Ang mysterious naman ng Kian na 'yan. Mag-selfie ka nga with him! Baka mamaya, imahinasyon mo lang," dagdag ni Ramsay. "Delulu momintz actin' up."

"Feeling ko nga, nababaliw na ako. Anong work ba sa 'tin ang naglilipat ng branch?"

"Sa eng'g lang ang naiisip ko," suggest ni Ramsay. "Kasi sila 'yung kailangan mag-check-check ng mga facilities at tech stuff, di ba?"

"Tanong ba natin do'n sa parang may trip sa 'yo?"

"Mars," paalala ni Ramsay, "huwag na tayong mag-include ng di naman relevant. Baka mamaya, nagmu-move na 'yung tao 'tapos gagambalain mo pa." At sa akin, tinanong niya, "Igop ba?"

"I-igop-in?" dagdag ni Vidal. Pinalo namin siya ni Ramsay dahil tawang-tawa kami.

"Tumigil ka, please," paalala ko.

"Bakit, baka ma-manifest?" tanong uli ni Vidal. "Gaano na ba kadeliks ang heart mo, ateng?"

Nagbuntonghininga ako. "Basta, it feels so wrong to feel this way, eme, pero nandito na, e. At ewan ko ba, parang ano ba . . . mas gusto ko na lang na malamang paasa lang talaga siya. Na isa siyang pa-fall 'tapos trophy lang na may nagkagusto sa kanyang some years apart sa kanya. Hindi pa nga niya ako ina-add sa soc med niya. Imposible namang wala."

"Ateng, posible. May mga kakilala ako na di talaga ma-soc med. Pero di ba, sabi mo, nakikita mo siyang nag-scroll? So, meron."

"Di ba 'yon red flag? Baka mamaya, may girlfriend pala talaga siya at nilalandi lang niya ako kaya ayaw niya akong i-add."

"E, kung itanong mo kayang bakla ka?"

"For really close friends nga raw."

"Di ka naman daw kasi close friend. Future wife ka."

Naghampasan kaming tatlo dahil sa kilig.

"Pero kung ako sa 'yo, itanong mo kung bakit ayaw niyang magpa-add. Hindi pa ba kayo close sa lagay na 'yan?"

Ginisang Tokwa at Kangkong (Paboritong Ulam Series Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon