subok
hiniling kong minsan sa taas,
na sayo ko nais magwakas.
pag-ibig na nag-anyong mahigpit na yakap,
pag-ibig na nag anyong mga alay na liham,
pag-ibig na nag-anyong balikat nang sakin ay tumangan,
pag-ibig na sa unos ng pagsuko ay nag-anyong pananatili .
pag-ibig kong nagbalat-kayo nang ang sakit ay maikubli.
di na bale ang di mo pagpunas saking pagdusa.
di na bale ang kawalan mo sa luha ko ng bahala.
di na bale kung tahanan ang dama mo saking pag distansya.
di na bale kung mapagod ako't ayaw mong maging pahinga.
di na bale kase alam kong hindi ikaw ang kalaban.
hanggang sa sinunog mong lahat mga sulat kong
ni minsan ay hindi mo sinubukang buksan.
[A/N]
> lowercase intended
> free verse
> open for criticism