"ako si alliyah Park ang nag iisang anak ni allisa Park.maagang nabuntis si mama sa akin 16 years old lang siya ng magpadala siya sa matatamis na salita nang papa ko. Labis ang galit ng lolo at lola ko kay mama noong nalaman nilang nabuntis ang mama ko kaya naman pinalayas siya ni lolo wala namang magawa ang lola ko dahil sa takot sa lolo ko kaya't tutol man si lola na palayasin ang mama ko ay hindi na siya tumutol,, at tuluyan ngang umalis si mama sa bahay nila lolo at lola. "
"nagpalakad lakad si mama noon bitbit ang isang maleta tanging iyon lamang ang nadala niya pinuntahan ni mama si papa ngunit ang tanging kasambahay lang ng mga ito ang naroon at sinabi kay mama na wala na doon si papa umalis ito pa amerika at doon na maninirahan"
"nang mga sandaling iyon alam na ni mama na inilayo na ng mga magulang ni papa ito dahil sa parehong bata pa sila mama at papa at hindi nila gusto si mama para sa papa ko dahil narin sa anak lang si mama ng magbubukid"
"naupo si mama sa waiting shed at nag iisip kung saan siya maaaring pumunta,, tanging limang daan lang ang meron siya pasikreto iyong iniabot ni lola sakanya ng palayasin siya ni lolo. Unti-unting nagbagsakan ang mga luha ni mama ng mga oras na iyon nagsisi siya sa kanyang naging padalos dalos na desisyon sa buhay kung nakinig lang sana siya sa magulang niya na umiwas sa pakikipagrelasyon at ituon lang ang sarili sa pag aaral ay wala sana siya sa sitwasyon niya ngayon. "
"dumidilim na ang paligid ngunit wala parin siyang maisip kung saan siya tutungo dahil maging ang nag iisa niyang kaibigan ay lumipat nadin ng tirahan at diniya alam kung saan iyon,,,nagpasya nalang si mama na magpalipas ng gabi sa waiting shed na iyon. "
"maya-maya pa'y kumulog ng malakas,,,"ano ba naman yan bakit ngayon kapa uulan!?pinaparusahan mo ba talaga ako? Alam kong naging suwail akong anak pero pinagsisihan ko naman ang lahat ng iyon!!! (saad nang aking ina habang umiiyak ito) nagulat si mama nang may mga lalaking lumapit sakanya biglang nahintakutan si mama ng mga sandaling iyon kaya't agad siyang tumayo"
-ne!!!anong ginagawa mo dito? Gabi na alam mo bang delikado dito lalo't nag iisa ka? (saad ng isa habang nakangisi at akmang LAlapit kay mama)
-lu... Lumayo kayo wagkayong lalapit!!!
-wagka matakot mukhang lumayas ka sainyo!!! Gusto mo ba sumama kanalng sa amin!!!? Ano halikana sumama kanalang sa amin patutuluyin ka namin sa bahay(wika pa ng isa)
-hi... Hindi napo salamat nalang!!!
-wagkana mahiya halikana sumama kana sa amin... (at biglang lumapit ang isa sa mga ito kaya naman agad na tumakbo si allisa,,agad naman siyang hinabol ng mga lalaki habang nagtatawanan ang mga ito, labis na takot ang nadarama ni allisa ng mga sandaling iyon ngunit hindi siya puwedeng panghinaan ng loob kailangan niyang makalayo.ang lakas ng kaba niya at takot na nararamdaman ay nasabayan pa ng panlalamig ng katawan dahil narin sa biglang pagbuhos ng malakas ng ulan. "
"hingal siyang napasandal sa isang malaking puno at naupo roon at doon nagkubli,,,inakala niyang nakalayo na siya sa mga humahabol sakanya kaya naman napahagulgol siya ngunit agad niyang tinakpan ang sariling bibig ng may marinig siyang mga tinig. Tinig iyon ng mga lalaking humahabol sakanya. "
-pare nasan na iyon? Hanapin natin sayang yun lamang tiyan na iyon makakawala pa!!!tignan natin doon sige tara!!! (napahinga ng maluwag si allisa ng umalis ang mga iyon ngunit nanatili parin siya sa puwestong iyon sa sobrang pagod ay dina niya kaya pang tumayo) "anak sorry ha!!!kung pati ikaw nadadamay sa kamalasan ko dahil sa katangahan ko!!!(saad ni allisa habang umiiyak at basang basa ng ulan)
"muling sinubukan ni allisa na tumayo nang huminto ang ulan at nasigurong nailigaw na niya ang mga taong humahabol sakanya,,, nanghihina man ay pilit niyang binaybay ang daan para makahingi ng saklolo kailangan niyang mabuhay alang alang sakanyang magiging anak. Nang sakanyang paglalakad ay may liwanag siyang natanaw mula iyon sa isang sasakyan pinilit niyang parahin iyon ngunit unti na siyang nakaramdam ng pagkahilo at pagdilim ng kanyang paningin hanggang matumba na siya at huling naaninag niya ay ang isang pigura ng isang lalaki."