episode o3

14 2 0
                                    

-kinahapunan dahil sa inip ay naisipan ni allisa na lumabas ng kuwarto kung saan siya pinatuloy ng katiwala ng bahay. Maingat at dahan-dahan ang ginawa niyang paghakbang dahil narin sa hirap pa siya sa paglalakad dahil sa mga galos niya sa talampakan. Lumabas siya ng pinto at namangha siya sa lawak ng paligid at ganda ng hardin maraming nag gagandahang bulaklak halatang alaga ang mga iyon dahil sa magandang tubo ng mga ito, napangiti siya saga mapupulang mga rosas iyon kasi ang paborito niyang bulaklak, "

"naglakad si allisa at masuyong hinaplos ang mga talulot ng rosas at saka inilapit ang ilong nito at inamoy iyon.napapikit pa siya habang ginagawa iyon naupo siya napangiti siya habang pinagsasawa ang mga mata sa ganda ng tanawin sa harding iyon.naging payapa ang kanyang pakiramdam.nahiga siya sa damuhan at saka tinignan ang malawak na kalangitan, naisip niya ang kanyang mga magulang ng mga oras na iyon. "ano na kaya ang ginagawa nila ngayon, naalala kaya nila ako, hinahanap kaya nila ako!? (tanong niya sa sarili) marahil ay hindi sapagkat labis-labis ang kasalanan na aking nagawa!(isip niya pa)

"sinalat niya ang kanyang tiyan at saka hinimas iyon bahagya kasi siyang nakaramdam ng pagkirot ng kanyang puson"sorry baby ha!dikita mabibigyan ng kumpletong pamilya!(kausap niya dito) pero pinapangako ko palalakihin kita ng maayos hindi ko ipaparanas sayo ang hirap na naranasan ko(dugtong pa nito, at saka huminga ng malalim) "

"maya-maya pa'y nakaramdam si allisa ng pagbigat ng kanyang mga mata,papikit na sana siya ng makarinig siya ng isang magandang musika na nagmumula sa loob ng bahay, tunog iyon ng piano, kaya naman lalo siyang inakay ng antok at nakaidlip habang nakikinig noon."

"ilang minuto pa ang nakalipas iminulat ng dalaga ang mata niya ng maramdaman niyang bahagyang niyugyog ito. Pagmulat niya ng mata ay napabalikwas siya ng upo ng makita ang mukha ng taong nakatingin sakanya"













(You will)  "BE MINE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon