"Pasado Alas otso na nang gabi ng makarating si Andrew sa Mansiyon ng mga Arevalo,Agad siyang sinalubong ng Ama ng katipang si Ellaine"
-oh hijo bakit ngayon kalang?(tanong ng Don)
-paumanhin po Tito kung na late po ako ng dating nagka aberya lang po kasi ng kaunti!(ani nito)
-ganoon ba?
-siyanga po pala nasaan po si Ellaine?(palinga-lingang tanong ng binata)
-ah nariyan lamang ang batang iyan malamang ay kausap ang mga kaibigan!halikat ipapakilala kita sa mga kaibigan ko sa negosyo!(aya ng matanda)
-maaari po bang mamaya nalang po hahanapin ko lang po muna si Ellaine(paalam niya sa matanda)
-oh sige! Ikaw na bata ka talagang dika papayag na hindi masilayan agad ang aking anak!
-sige po Tito!(MAtapos magpaalam ay saka nag umpisang ikutin ni Andrew ang napakalaking bakuran ng Mansiyon,)
"patanaw-tanaw si Andrew habang hinahagilap ang nobya,bawat madaanan niyang kakilala ay binabati siya tanging ngiti lang ang itinutugon niya sa mga bisitang nakakakilala sakanya"
"napadako si Andrew sa paboritong tambayan ng nobya,ito ay ang hardin na malapit sa ilog at nakita niyang nakatayo ang nobya roon sa may maliit na tulay nakangiti itong pinagmamasdan ang maliit na lawa na nasisinagan ng mga ilaw"
"napakagat sa ibabang labi si Andrew dahil sa angking ganda ng nobya para itong diwata sakanyang paningin,kinapa ni Amdrew ang bulsa niya at dinukot mula roon ang isang maliit na box,tinignan pa niya iyon at saka nag umpisang lumakad papalapit sa kinaroroonan ng nobya"
"habang dahang dahang naglalakad si Andrew palapit sa nobya ay nakangiti ito may kadiliman sa kanyang nilalakaran kaya hindi siya madaling mapapansin balak niya kasi itong sorpresahin dahil narin sa tagal na nilang magkasintahan naisip niyang iyon na ang tamang panahon para sakanila,mahigpit niyang hawak ang maliit na box habang patuloy sa paghakbang,"
"nang ilang dipa nalang ang layo niya ay bigla siyang napahinto ng may tumawag sa pangalan ng kanyang nobya,,nakita ni Andrew ang malapad na ngiti ni Ellaine kasabay ng paglapit ng taong iyon sakanyang kasintahan,napako ang mga paa niya at tila di siya makagalaw lalo na ng makita niyang hinalikan pa nito si Ellaine at yumakap naman si Ellaine sa lalaking iyon,ngunit ang mas ikinagulat pa niya at di siya makapaniwala ang lalaking iyon ay walang iba kundi si Tyron De Vera ang matalik niyang Kaibigan."
"napatago si Andrew sa gilid ng kung saan ay di siya mapapansin ninuman na naroon,"
-baby! Kailan ba natin ipapaalam sa parents mo ang totoo?(ani ni tyron)
-alam mo naman diba? Ang gusto nila Daddy para sa akin ay si Andrew!baka itakwil ako nila Dad pagnalaman nila(sagot ng dalaga)
-eh paano ako?tayo?ganito nalang ba tayo magtatago?(may himig pagtatampo)
-baby!kumukuha lang ako ng tiyempo! Sasabihin ko rin kanila dad! Isa pa ayokong matali sa Andrew na iyon noh!oo guwapp siya pero masyado siyang boring!hindi katulad mo baby!nakakaexcite ka palagi!(mapang akit na turan ni Ellaine)
-atsaka isapa gusto lang naman ni Dad ang dagdag na kapangyarihan sa company kaya gusto ni Dad na makasal kami ni Andrew!(ani pa nito)
-Kung dagdag na power lang kaya ko din naman iyon ibigay!
-oo nga pero diba si Andrew nalang ang natitirang tagapagmana kaya kay Andrew mapupunta lahat ng kayamanan ng mga magulang niya at siya na ang pinakabatang bilyonaryo sa bansa!
"sa mga narinig na iyon ni Andrew ay pakiramdam niya'y sinaksak ang puso ng milyong ulit,napahigpit ang hawak niya sa maliit na kahon na naglalaman ng singsing para sana iyon sa gagawin niyang proposal sa nobya,binitiwan niya iyon at saka tumalikod at naglakad palayo duon,nagmamadali siyang tinungo ang labasan ng manaiyon nasalubong pa niya ang Don at tinawag siya nito ngunit dina niya iyon pinagtuunan ng pansin at dire-diretsong lumabas at sumakay ng kotse nito't pinaharurot paalis"