episode o2

23 2 4
                                    

"Morning"

"marahang iminulat ni allisa ang mga mata,,, masakit parin ang mga paa niya dahil narin sa ginawa niyang pagtakbo upang matakasan ang mga lalaking humabol sakanya. Nilibot niya ang tingin sa kabuan ng kuwarto hindi niya alam kung kaninong bahay ba siya naroon ang huling naalala niya ay pinara niya ang isang sasakyan na dumaan kung saan siya nawalan ng malay. "

"naisip niyang mayaman ang nagmamay ari ng bahay na iyon dahil narin sa nakikita niyang magarang kagamitan sa kuwarto at maging ang mga nakasabit na painting ay mukha ring mamahalin. Maya pa'y nagbukas ang pinto napatakip pa ng kumot si allisa ngunit ibinaba niya rin ito ng magsalita ang pumasok. "

-gising kana pala iha!!! Wagka matakot ako nga pala si mary ang katiwala dito sa bahay na ito.(pakilala ng matanda sa dalaga)

-a.. Ako po si allisa.ka...kayo po ba ang nakapulot sa akin salamat po at tinulungan  niyo ako...(maluha luhang sambit ng dalaga)

-hindi ako ineng kundi ang amo ko!!! Nagugutom kanaba halikana sa ibaba nang makakain kana sigurado akong nanghihina kapa ngayon...(aya nito sa dalaga agad namang tumayo ang dalaga at sumunod sa matanda pababa ng hagdan)

"hinainan si allisa ng matanda ng makakain nito.gaya ng bilin ng batang amo nito na sa oras magising ang bisita ay asikasuhin ito ng maayos."

-ahhh siya nga pala iha!

-po? (tanong ng dalaga sa matanda)

-saan kaba nanggaling at ano bang nangyari sayo bakit nang iuwi ka dito ni senyorito eh puro putik ang damit mo at katawan at basang basa kapa ng ulan at ang daming sugat ng paa mo!?ano bang nangyari sayo? (tanong ng matanda sakanya, napatigil naman sa pagsubo ang dalaga at naluluhang yumuko ito)

-ay sige iha kung ayaw mong pag usapan ay ayos lang naman!!! Wagkana umiyak hala sige kumain kalang!

-ang totoo po niyan manang mahabang kuwento po!!! Pinalayas po ako ng mga magulang ko dahil po sa nagawa kong kasalanan tapos po pinuntahan ko ang nobyo ko upang hingan ng tulong pero Hindi ko ito naaabutan umalis na pala ito patungo sa ibang bansa kaya po ako napadpad sa waiting shed nag iisip po ako kung saan ako maaaring makituloy ngunit wala po ako gaanong kaibigan kaya wala akong matakbuhan. Kaya po naisipan ko nalang sa waiting shed magpalipas ng magdamag ngunit dipa man ako nagtatagal roon ay may lumapit sa akin na apat na lalaki hinabol po nila ako at gusto nila akong gawan ng masama kaya po tumakbo ako naiwan kopo ang suot kong sandalyas noon dahil sa pagtakbo ko.

-nang may makita po akong malaking puno na napapaligiran ng makapal na damo ay duon po ako nagtago hanggang sa sigurado na akong wala na ang mga lalaking humahabol sa akin. Saka po ako naglakad patungo sa highway ngunit sumama napo ang pakiramdam ko noon at nagdidilim ang paningin ko hanggang sa tuluyan akong nawalan ng malay. At pag gising ko ay narito napo ako sa kuwarto niyo sa bahay niyo. "

"habang ikinukuwento ng dalaga ang dahilan kung bakit naging ganun ang sitwasyon niya ay dahil sa pangyayaring iyon ay di sinasadyang narinig iyon ni Raphael nakakubli kasi ito at tahimik na nakikinig. "

(You will)  "BE MINE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon