"Ibinaba ni Andrew si Allisa sa Waiting shed,matapos maibaba ang maletang dala nito ay nagsimula nang maglakad si allisa tinatanaw naman siya ng binata,lumingon si Allisa at sinenyasan ang binata na umalis na kaya naman binuhay na nito ang makina ng kotse at saka nagmaniubra,nagpatuloy naman sa paglakad si allisa.dipa man nakakalayo si Andrew ay napansin niya ang puting sobre na iniabot niya kay allisa bago niya ito ihatid inihinto niya ang kotse at saka kinuha ang sobre nakita niya roon ang perang ibinigay niya para sa dalaga tulong niya iyon para sa pangangailangan ng dalaga sa pagbubuntis nito"
"Tama hindi alangan kay Andrew na nagdadalangtao ang dalaga nalaman niya iyon ng gabing mapulot niya ito sa kalsada pagkagaling niya sa burol ng kanyang ama't ina.kinabig niya pabalik ang kotse upang ibigay muli ang sobre na iyon sa dalaga."
"dahil sa hindi niya alam kung saan nakatira ang dalaga ay ipinagtanong niya pa iyon sa mga taong madaanan niya at sakto namang kilala ang pamilya ni allisa sa lugar na iyon kaya madali niyang natuntun ang bahay nito"
"pagkarating nga ni Andrew ay saktong nakita niya ng ibalya nito si allisa na halos maga na ang mga mata sa kakaiyak may sugat din ang tuhod nito agad siyang napasigaw nang makita niya ang tagpong iyon,nasasaktan siya para sa kaibigan"
-tama na po! Anong klase kayong ama bakit ganyan niyo tratuhin ang anak ninyo?(singhal ni Andrew)
-at sino kanaman bakit?ikaw na ang animal na nakabuntis sa anak ko?(singhal na tanong ng ama ni allisa)
"pinilit ni allisang tumayo"
-hindi po tatay! Hindi siya ang ama!(sagot ni allisa)
-eh hindi naman pala ikaw ang ama eh bakit nakikialam ka dito?wala kang pakialam kung anoman ang gawin ko sa anak ko!ikaw wala kang karapatan para makialam!(sigaw ngmi dario sa binata)
-hoy! Babae lumayas kana dito at wagkang babalik hanggat hindi mo naihaharap ang lalaking nakadisgrasya sayo!(duro ng ama ni allisa)
"patuloy sa pag iyak si allisa,nangangatog na ang kanyang mga labi dahil sa labis na pag iyak ngunit patuloy parin siya sa pag iyak at paghingi ng tawad sa ama"
-tatay! Patawarin niyo na po ako! Pinagsisihan kunapoa ng lahat ng pagsuway ko sainyo ni nanay,gagawin kopo ang lahat mapatawad niyo lang ako tay!(pagmamakaawa ni allisa sa ama)
-sige gusto mong patawarin kita!?(tanong ng ama ni allisa,tumango naman si allisa sa ama) kung ganun gusto kong ipalaglag mo ang bastardong bata na yan na nasa sinapupunan mo!
-po?ta..tatay!?(gulat na tanong ni allisa)
-hindi mo narinig ang gusto ko ipalaglag mo ang batang iyan!(ulit ng ama nito)
"halos manlumo si allisa sa sinabing iyon ng ama hindi siya makapaniwalang iyon ang hihinging kapalit ng ama para mapatawad siya ang patayin niya ang sariling anak"
-so...sorry papa pero hindi ko iyon magagawa!hindi ko ka..kayang patayin ang sarili kong anak!
(sambit ni allisa habang umiiling iling,inalalayan parin siya ni Andrew)
-halikana allisa sumama kanalang sa akin pabalik!(aya ng binata sa kaibigan)
-ayaw mo sa gusto ko?kung ganun hanapin mo ang hayop na lalaking nakabuntis sayo at iharap mo sa akin! Ayokong makaladkad ang pangalan na inaalagaan ko!
-iyan lang ba ang importante sa inyo ang pangalan niyo kaysa sa kapanan ng inyong anak at sa magiging apo ninyo dugot laman niyo rin sila pero nakakaya niyong itakwil ang sarili niyong anak at kaya niyong patayin ang sarili niyong apo para sa pangalang pinangangalagaan niyo!! Wala kang kasing sama!(galit na turan ni Andrew)
"itinayo ni Andrew si allisa at inalalayan niya ito, binitbit din niya ang maletang dala nito at iginiya sa kotse,bago pa tuluyang sumakay ay lumingon pang muli si Andrew sa magulang ng kaibigan,atsaka tuluyang umalis "
😭😭😭😭 bakit!?nakakalungkot ba wagkana sad allisa anjan naman si Andrew your friend