"Susuray-suray na pumasok ng sala si Andrew,tahimik na ang kabahayan naisip niyang marahil ay tulog na ang mga kasambahay maging si Alissa"
"Nagtungo siya sa kusina upang kumuha ng maiinom niya sana,marahan dina niya pinagkaabalahan buksan pa ang ilaw dahil kabisado naman niya ang lahat ng sulok ng bahay niya,agad siyang lumapit sa pridyider at marahang binuksan iyon kinuha niya ang maliit na bote ng tubig at saka iyon madaliang nilagok,"
"Nang makainom ay isinara na niya ang pinto ng pridyider,ngunit halos tumalon ang puso niya sa gulat nang biglang sumulpot sa harap niya ang isang bulto ng babae"
-naku jusko po!(gulat na sambit ni Andrew)
Bakit ba nanggugulat ka!!!!aatakehin ako sayo sa puso eh(dagdag pa nito )-so..sorry Andrew kung nagulat ka!(hinging paumanhin ni Alissa
-o..okay lang(saka lumapit sa dingding at binuksan ang ilaw saka muling lumapit sa dalaga) bakit nga pala gising kapa?masama ang magpuyat sa iyo di makakabuti para sa baby...(wika pa niya)
-nagugutom kasi ako eh...kukuha lang ako ng makakain...(nahihiyang wika nito)
-sige maupo kana diyan ano bang gusto mong kainin?
-ha?eh! H'wag nalang lulutuin pa kasi iyon...
-uhmmm ano nga iyon?muling tanong ni Andrew)
-gu...gusto ko kasi ng adobong manok pero walang halong suka!(nakayukong wika ni Alissa)
-adobo na walang suka?puwede ba iyon?(napapakamot sa ulo na nag iisip)
-ah ako nalang Andrew maaabala pakita eh kaya ko naman na iyon(wika ni alissa)
-hi..hindi ako na kaya ko na iyon sige maupo ka lang diyan ipagluluto kita...(saka humarap sa ref upang kumuha ng mga kakailanganin sa pagluluto)
-aahhh salamat ha Andrew...(habang nakaupo at pinagmamasdan ang binata sa paghahanda ng mga ingredients)
"sinimulan na ni Andrew ang maghiwa ng mga sangkap habang pinapalambot niya ang karne,tahimik namang nakamasid ang dalagang si Alissa"
-Ang swerte ni Miss.Ellaine...(maya-maya'y nasbit niya.napatigil naman si Andrew sa paghihiwa ng sibuyas at bahagyang naluha,nakita iyon ni Alissa)
-Bakit Andrew?(natanong niyang bigla dito )
-ahhh wa..wala nakakaiyak kasi itong sibuyas...(pagdadahilan niya)
-ah kung gusto mo ako na ang maghihiwa niyan?(alok niya)
-hindi na ako na..sibuyas lang ito kayang-kaya...(sambit niya habang sisinghot singhot)
"napangiti nalang si Alissa dahil doon,matapos ang ilang sandali ay inihain na ni Andrew ang niluto nito na hiling ng dalaga,napa clap pa ito sa pagkasabik na matikman iyon agad na dinampot ni alissa ang kubyertos at sumubo niyon.napapikit pa ang dalaga habang nginunguya ang karne.nakamasid naman si Andrew at lihim na nangingiti dahil sa nakikitang reaksiyon ng dalaga"
-so ano o..okay ba ang lasa?(tanong niya sa kaibigan)
-uhhhmmm oo Andrew ang sarap nito thank you ha!(pasalamat ni Alissa)
-si..sigurado kabang masarap?wala kasing suka yan eh...(paniniyak nito)
-oo sakto lang ang timpla,ahmm halika Andrew sabayan moko kumain(aya niya dito)
-ah hindi na pero sigurado ka bang masarap?(saka tinikman ang niluto napangiwi siya dahil sa alat niyon )
-ah alissa wagmuna kayang kainin yan hindi naman masarap...akin na magpapaluto nalang tayo kay manang..(habang akmang kukunin ang kinakain ni alissa)
-ah wag ano bang hindi masarap ang sarap kaya....(awat niya sa pagbawi ni Andrew sa bowl niya ng ulam)
-haissttt ikaw bahala oh paano aakyat na ako...pagkatapos mo diyan umakyat kanadin at magpahinga...(bilin nang binata saka tumayo at naglakad nilingon pa niya si alissa na maganang kumakain ng niluto niya...napailing siya dahil sa isiping nasasarapan ang dalaga sa luto niya samantalang hindi naman iyon masarap)