part 11

1 0 0
                                    

"Kinabukasan busy sa pagdidilig nang halaman si Alissa na nasa veranda ng bahay ni Andrew,hilig talaga kasi ng dalaga ang pagtatanim at Pag aalaga sa mga halaman at bulaklak marahil sa kadahilanan magsasaka ang kanyang mga magulang ay duon Niya Minana ang hilig sa pagtatanim at husay doon."

"Habang kinakausap ni Alissa ang mga bulaklak ay sinasabayan Niya pa ito ng pagsipol na ikinatutuwang pakinggan ni Andrew nang bumaba siya ng hagdan ay dumiretso siya ng veranda kung saan naroon ang kaibigan,,"

-sumagot na ba ang iyong mga bulaklak?(Nitong tanong ni Andrew sa dalaga)

-ha...ha!?(Takang tanong ni Alissa na halagang naguluhan)

-hahaha...eh kasi kinakausap mo yung mga halaman kaya tinatanong kita kung sumagot Naba sila saiyo?!(Natatawang sagot ng binata)

"Agad na napasimangot si Alissa,ngunit napangiti rin ito atsaka sinagot nang pabiro din sa kaibigan"

-hindi pa nga nila ako sinasagot ayaw yata nila akong kausap...(Sabay tawa nito)

"Lalong napahagalpak ng tawa ang binata,aliw na aliw talaga siya sa tuwing kausap Niya ang dalaga lalo na pagsinasabayan nito ang biro Niya,natigil ang pagtawa ni Andrew nang lumapit si Manang Lydia ang ngiti nitong halos magpawala ng mata Niya dahil sa pagtawa ay napalitan ng pagkainis"

-senyirito may bisita po kayo!(Ani ni Manang Lydia ang katiwala ng bahay)

-nasaan siya?(Tanong ni Andrew)

-nasa sala po senyorito...(Ani ng matanda)

"Tumango naman si Andrew sa matanda at nagwikang susunod na lamang ito doon,nauna nang bumalik ang matanda,saka hinarap ni Andrew si Alissa na noo'y Tila nabigla sa pagbabago ng mood ng binata lalo na ng banggitin ang pangalan ng bisita nito na dati Rati ay marinig palang ang ngalang niyo'y malapad na ngiti na ang gumuguhit sa mga labi ng binata"

"Humarap si Andrew Kay Alissa atsaka nagpaalam upang harapib muna ang bisitang dumating"

-a...Ali kausapin ko lang yung bisita ko!(Paalam Niya sa dalaga)

"Napatango nalang si Alissa,habang nagtataka kung bakit kailangan pang magpaalam ng binatang si Andrew
Sakanya samantalang nakikitira lang naman siya sa bahay Ng binata, at hindi nito obligasyon ang magpaalam kung aalis ito o kung saan man ito magpunta...

(You will)  "BE MINE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon