part o8

14 1 2
                                    

"Habang nasa biyahe sila Andrew ay wala paring tigil sa pag iyak si Allisa.dipa rin siya makapaniwala sa hinihiling ng ama na kapalit ng pagpapatawad nito ay ang buhay ng kanyang magiging anak."

-sabi ko naman sayo eh! Wagkana bumalik sa inyo maayos kanaman sa bahay(ika ng binata)

-bakit ganun?alam ko naman na nagkamali ako at humihingi ako ng tawad pero bakit hindi niya magawang patawarin ako?sa halip ay gusto pa niyang patayin ang sarili niyang apo!(umiiyak na tanong ni allisa sa binata)

-siguro kasi masyado lang nasaktan ang papa mo kaya niya nasasabi ang lahat ng iyon,pasasaan bat matatanggap niya rin kayo siguradong hindi man ngayon pero siguradong pagdating ng tamang panahon pagnaghilom na ang sugat sa puso ng papa mo sigurado na siya mismo ang hahanap sayo at hihingi ng kapatawaran mo!

-sana nga Andrew,sana nga tama ang sinabi mo!

-pero sa ngayon duon kana muna ulit sa bahay.tignan mo nasugatan kapa,mabuti nalang at sinundan kita kung hindi baka kung ano na nangyari sa baby mo!(seryosong wika nito)

"makalipas ang tatlong oras ay nakarating nadin sila Andrew at allisa sa bahay,nakangiting sumalubong ang matandang katiwala nakangiti itong sinalubong si allisa.ngunit bigla itong naluha ng makita ang namamagang mata ng dalaga at ang nagdudugong tuhod nito"

-iha anong nangyari sayo?(alalang tanong ng matanda)

-manang!(tanging nasambit ni allisa at yumakap ng mahigpit sa matanda)

"tumingin ang matanda sa binatang amo,tumango lang si Andrew sa matanda agad nang naunawaan ng matanda ang ibig sabihin ng binatang amo tungkol sa nangyari"

"iginiya ng matanda si allisa papasok ng bahay at saka pinaupo sa sofa para mas maging komportable ito,matapos ay tumayo siya at nagtungo sa sariling silid paglabas nito ay bitbit na niya ang first aid kit,nilinis ng matanda ang sugat ng dalaga sa tuhod at saka nilagyan iyon ng benda"

-salamat po manang napakabuti niyo sa akin samantalang ang sarili kong ama mas gusto pa niya akong mawala pati ang baby ko gusto niyang mawala din(naluluhang wika ni allisa)

"niyakap ng matanda si allisa at tinatapik tapik ang likod nito,inaalo nito ang dalaga habang parang nadudurog ang puso niya sa sinasabi sakanya ng dalaga"

-kalimutan muna iyon ang mahalaga nandito kana ulit!kami na ang pamilya mo simula ngayon!aalagaan kita/kayo ng magiging anak mo.!

-pero nakakahiya naman po kay Andrew at sa inyo magiging pabigat lang po ako sainyo!

"habang nag uusap ang matanda at allisa ay naroon at nakikinig ang binatang si Andrew"

-Ano kaba allisa kahit kailan hindi ka naging pabigat dito at isapa kaibigan na ang turing ko sayo kaya naman ayos lang na narito ka!

-sigurado ka! Hindi ba ako magiging abala saiyo/sainyo?

-naku iha kahit kailan ay hindi ka naging abala!(ika ng matanda)oh sha umakyat kana sa kuwarto mo at magpahinga tiyak na napagod ka!tatawagin nalang kita pagnakapagluto na ako ng hapunan!(masiglang wika nito)

-nga pala manang hindi ako dito maghahapunan may party akong pupuntahan!(ani ng binata)

-ahh oo nga pala ngayon nga pala ang welcome party ni Ellaine ano!?(saad ng matanda)

-opo! Manang oh sha kami nalang pala ni allisa ang maghahapunan!oh sige na iho mag ayos kana at baka mahuli ka sa pagtitipon na iyon! Ayaw pa naman ni senyor Arnulfo ang naghihintay!

-oo nga po masyadong strikto si tito Arnulfo pagdating sa oras gusto lagi ay on time ang lahat!sige mag aayos na ako at ikaw naman allisa magpahinga kana at wagnang mag isip pa ha!

(You will)  "BE MINE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon