part o6

14 1 0
                                    

-senyorito dapat po ay dina kayo nag abala pang ihatid ako!(sambit ni allisa habang nasa sasakyan)

-puwede ba naman kitang hayaang magbiyahe mag isa ano pa't naging magkaibigan tayo!?(sagot naman ng binata habang nagmamaneho)

"may dalawang oras din ang biyahe patungo sa probinsya kung saan nakatira ang mga magulang ni allisa,kinakabahan siya sa mangyayaring pagkikitang muli ng kanyang mga magulang lalo na ang ama nito."

-galit parin kaya si tatay sakin!?(natanong ko sa isip ko,napabuntong hininga si allisa sa isiping baka magpahanggang ngayon ay sukdulan parin ang galit ng kanyang ama)

"dinaman nakaligtas ang paghingang malalim ni allisa kay andrew,"

-anong problema?kinakabahan kaba?(tanong ng binata)

-oo eh! Paano kung galit parin si tatay sa akin!?paano kung ipagtabuyan niya akong muli?anong gagawin ko?(alalang tanong niya dito)

"natahimik sumandali si andrew atsaka muling nagwika"

-siguro naman ay napatawad kana ng iyong ama!at isapa diba nga may kasabihan na matitiis ng anak ang kanilang magulang ngunit di kayang tiisin ng magulang ang anak!kaya siguradong napatawad kana ng mga magulang mo!(paniniyak ng binata)

-sana nga andrew! Sana nga!(malungkot na wika ng dalaga)

-pero kung sakaling hindi kaparin napapatawad ng iyong ama! At palayasin kaniya ulit. Nakabukas lang ang tahanan ko puwedeng puwede ka bumalik roon!(sinserong wika ni andrew)

"napangiti ang dalaga sa tinuran ng kaibigan sa maikling panahon kasi ay nakapalagayan niya ng loob ang binatang tumulong sakanya noong nalagay sila ng ipinagbubuntis niya sa panganib"

"makalipas ang dalawat kalahating oras ay narating na nila andrew ang waiting shed kung saan nagpababa si allisa.nais pa sana ni andrew na ihatid nito si allisa hanggang sa bahay nila ngunit tumawag kasi ang tito arnulfo niya ipinapaalala nito ang magaganap na pagtitipon paRA sa pagbabalik ng anak na si ellaine na nobya ni andrew.kung kayat pumayag nalang si andrew na duon na ibaba si allisa"

-oh paano allisa!basta kung magkaroon ng problema wagkang mag atubiling bumalik sa bahay!(bilin ni andrew sakanya)

"ngumiti ang dalaga kahit na halata ang kaba sa mukha nito,masigla siyang nagpaalam sa binata bago sinimulang maglakad paalis"

"narating ni allisa ang bahay nila.nakita niya ang kanyang ina na nagwawalis ng bakuran dahan-dahan siyang lumapit na nangangatog pa ang mga tuhod dahil sa takot"

-na...nanay(mahinang tawag niya sa ina)

"napatigil ang ina sa pagwawalis at dahang-dahang nilingon ang anak.lumapit ang ina kay allisa at umiiyak na niyakap ito ng mahigpit."

-a...anak!!!kamusta kana?ang tagal kitang inantay na bumalik(tangis ng ina ni allisa)

"dinarin napigilan ang kanyang sarili niyakap niya ang ina ng mahigpit at paulit ulit na humingi ng tawad dito,,parehong nag iiyakan ang mag ina sa muli nilang pagkikita nang dumating ang ama ni allisa"

-anong ginagawa mo dito?(pasigaw na turan ng ama ni allisa)

-dario! Patawarin muna ang anak natin!(pakiusap ng ina ni allisa)

-hindi!hindi ko matatanggap muli ang batang iyan hanggat hindi niya naihaharap ang hayop na nakabuntis sakanya!lumayas ka dito isa kang kahihiyan sa pamilya!(bulyaw ng ama niya)

"tinangka ni allisang lumapit sa ama ngunit pilit itong lumayo.at galit na tumingin sakanya"

-tay! Patawarin niyo napo ako!alam kopong nagkamali ako!hindi ko po kayo sinunod kaya ganito ang nangyari sa akin sorry po tatay!(umiiyak na sambit ni allisa sa ama)

-hindi ko kailangan ang sorry mo!ang gusto ko iharap mo sakin ang tarantadong ama ng dinadala mo!pag nagawa mo iyan saka lang kita matatanggap ulit bilang anak!(matigas na turan ng ama ni allisa)
Ngayon hanggat hindi mo naihaharap sa akin ang ama ng bastardong iyan hinding hindi ka puwedemg bumalik sa bahay na ito!(dagdag pa nito)

"pinilit lumapit ni allisa,lumuhod siya sa harap ng ama at hinawakan ang kamay nito at paulit ulit na humihingi ng tawad sa ama,habang umiiyak,ngunit ibinalya ni dario ang anak napatukod ang mga kamay ni allisa sa lupa."

-allisa! (sigaw ng isang boses.lumapit ito kay allisa at inalalayan siyang tumayo)

-ayos ka lang?(tanong ng binata kay allisa)nasaktan kaba?

-at sino ka?ikaw ba ang nakabuntis sa anak ko?(baling ni dario sa binatang tumulong kay allissa)

: hmmm ano kaya ang isasagot ni andrew? Sapalagay niyo?

(You will)  "BE MINE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon