KABANATA 7

57 2 0
                                    

"Kumusta na Ang paglagay mo Allen!! Balita ko napuruhan ka daw"napatingin Naman Ako Kay Siñiorita sa Tanong nito kagagaling ko lang Kasi maghatid Ng almusal nila.

"Okay Naman Po malayo Naman Po yon sa bituka"magalang kong Ani biglang nanumbalik Ang lahat Ng nangyari sa akin at sa pagitan ni Siñiorito Demion at simula na noon mailap na Ako sa kanya iniiwasan ko siya tuwing magsasalubong Ang landas namin at Ganon din siya sa akin. Pasalamat nga Ako at Wala siya rito dahil kung nandito siya malamang sa malang magsasalubong Naman Ang kilay non, gayon din si Siñiorito Chester Wala din siya dahil may gagawin daw siyang importante

"Mabuti kong Ganon!! Ngapala enrollment na bukas Allen na handa ko narin Ang mga papeles Ng scholarship mo napirmahan ko na yon Ang Gawin mo nalng ipasa mo nalang iyong"muling sumilay sa akin Ang matamis na ngite Ng madinig ko Ang katagang iyon matutuloy ko Ang koleheyo. Ipapangako ko na makakapag tapos Ako Ng pag aaral.

"Salamat Po talaga Siñiorito at Siñiorita dahil sa inyo matutuloy Ang pangarap ko" pinigilan kong maluha sa saya dahil sa grasyang natanggap ko sa kanila. Ngumite lang Sila sa akin bilang tugon.

"Walang ano man yon Allen Ang mahalaga makatulong ka sa inay mo" ngumite Ako, oo si inay Ang dahilan kung bakit lumalaban Ako sa Buhay. Nag pasalamat muli Ako at nagpaalam na sa kanila.

"Kuya Allen" tawag sa akin na napaka cute na bata si Abegail lang pala. Matamis itong nakangite sa akin.

"Ano yon baby Abe" ngite kong Ani sa kanya Abe nalang daw Ang tawag ko sa kanya dahil iyon Ang gusto Niya atsaka wag na wag ko daw siyang tawagin na ma'am o Siñiorita.

"Laro tayo kuya nababagot na Kasi Ako sa kwarto palaging ipad at TV Ang kaharap ko nakakasawa" nag pout pa dito na parang Hindi nagaganahan sa sinasabi Niya. Ang cute Naman ni baby Abe.

"Ano Naman Ang lalaruin natin?" Tanong ko total Wala Naman Akong gagawin Ngayon dahil Oras na Ng pahinga. At Saka Hindi ko tatanggihan Ang alok nito dahil minsan ko lang siyang nakitang naglalaro Ng pisikalan.

"Habulan Po tayo kuya Allen" nakangite nitong Ani sarap kurutin at pisilin Ang kanyang Mukha dahil kacutan nito! Ka hawig na kahawig ni Siñiorita Ang kanilang bunsong anak Mula sa matamis na mga ngite, maputi at makinis na balat, mapupungay na mga mata, Ang kanyang maalon na pilik mata at Ang mala Alan na buhok, kuhangkuha nito si Siñiorita.

"Sige ba Ako taya" nakangite kong sabi at ginulo bahagyang Ang kanyang buhok dahilan na ikanabungis ngis Niya sa saya.

"Hindi nyo ba Ako isasali diyan?" napatingin Ako sa nanggaling na boses na iyon. Hanggang Ngayon Dala ko parin Ang kahihiyan sa nangyaring pagitan namin. Nakakahiya

Nakangite itong lumakad papalapit sa amin para bang nasisiyahan sa nakikita. Ibang-iba Ang aura Niya Ngayon.

"Good thing kuya!! Maglalaro kami Ng habul-habulan ni kuya Allen"nakangiteng Ani Ng Bata. Kay gandang pagmasdan talaga nito napacute na, mabait pa. Palipat-lipat Naman Ang tingin ni Siñiorito Chester sa akin at sa Kapatid Niya wari sinususi nito Ang sayang naramdaman Niya.

"Ako taya!"walang pag-alingan niyang sagot!! Bakas sa kanya na handang handa siya para dito marahil sanay na siya sa Gani tong klaseng laro.

Aba Hindi din Ako magpapatalo noh!! Simula Bata kami Ng mga kaibigan ko madalas namin itong nilalaro mahihirapan nga Sila sa pagdakip sa akin dahil Ang liksi ko daw kahit na lahat Sila humahabol sa akin Hindi parin tatalab.

"Cge bahh"agad na sagot ko at hinubad Ang sapin sa Aking paa para Malaya Akong makatakbo tutal Wala namang bato dito dahil Bermuda Naman ito,Wala din Naman ebak dahil walang hayóp dito.

"Maghanda na kayo"

"Baby Abegail bilisan mo Ang pagtakbo huh!!wag na wag kang mapapahulI sa kuya mo" Mando ko dito at umuoo Naman siya. Halatang excited din itong si Abegail parang napaghandaan Niya din.

"Magbibilang Ako Ng tatlo pagkatapos ay tumakbo na kayo okay bayon?" Nag thumbs up Naman kami ni Abegail na nagpapahiwatig na sangayon kami sa sinabi niya

"Isa" bilang ni Siñiorito Chester

"Wag magpapahuli Abegail huh"

"Dalawa" at naghanda na siya base sa pustora Niya talagang mabilis itong tumakbo.

"Nako Abegail bilisan natin Ang takbo"

"Tatlo"at mabilis pa sa alaS kwarto  Ang kilos naming tatlo habang tumatakbo. Hinawakan ko Ng mahigpit Ang kamay ni Abegail para Hindi mapagiwanan.

"Wag kang bibitaw baby !! Baka mahuli ka Ng kuya mo" pagtakbo kong Sabi. Grabi Ang BILIS tumakbo ni Abegail. Tumingin Naman Ako sa likod ko laking gulat ko ay Nakabuntot na si Siñiorito Chester sa amin habang suit Ang ngite sa labi Niya

"Humanda kayo sa akin!" Pananakot nito kaya masbinilisan pa namin Ang pagtakbo pero mas binilisan ang pagtakbo ni Siñiorito dahil ilang pulgada ay maabot na Niya Ako.

Pero laking gulat ko Ng Wala na sa tabi ko si Abegail. Tumatakbo Akong lumilinga sa paligid para hanapin si Abegail.

Ayon lang pa-------

"Got y------------"

parang pinag bagsakan Ng bato Ang katawan ko dahil sa impak Ng pagkabunggo. Hindi ko na Malayan na may nakabangga Ako

Malala, ata Ang pagbunggo ko at pagbagsak ko dahil sa sobrang sakit nito.

Magingat kong inangat Ang paningin ko. Pero Ganon nalang Ang reaksyon ko Ng Makita ko kung sino Ang nabunggo ko na sana harapan ko

Bakit!!!

Bakit siya nandito

Mapangahas at mabagsik lang itong nakatingin sa akin na parang handa Akong lapain na dahilan ikinatayao Ng balahibo ko. Iba talagang Dala Ng titig Niya sa akin. Kakaiba!!

"KUYA" bakas sa tono ni Siñiorita Chester Ang takot sa posibleng mangyari. Maski Ako Wala panga siyang ginagawa natatakot na ako

The Governor's SonWhere stories live. Discover now