KABANATA 9
Parang pinagsuklaban Ng langit at lupa Ang umaga ko isama mo pa ang paninikip Ng dibdib ko at hapdi Ng pulso ko. Parang ayaw ko Nang lumabas Ng kwarto at mag mukmok nalang, para ding pinipigilan Ang mga paa ko na mag lakad na animoy nakadina ito. Pero napag tanto ko, Ngayon pala Ang enrollment.
Bagsak balikat Ako pumanhik sa banyo para maligo.Sa bawat buhos ko Ng tubig ay siya din Ang pagbalik Ng kapahapon na pilit kong winawaglit. Kahit sa Aking pagtulog ay iniisip ko pa din Ang kalbaryo Ng kahapon.
Pumikit Ako,at biglang tumulo Ang luha ko, kaylan ba ako titigil sa kakaiyak, kaylan ba titigil ako kakadudusa sa kanya. Umiling Ako Ako para winaglit lahat Ng kasamaan at kasakiman Niya sa akin. Isa siyang DÉMONYO, HAYÓP SIYA
Kahit Anong LIGO at kusko ko Hindi iyon mapapawi Ang nararamdaman ko.
Lumabas na Ako Ng banyo at nagmadaling nagbihis. Humarap Ako sa salamin, namamagang mata Ang humarap sa akin. Kita ko sa mga mata ko Ang samutsaring emosyon , nandon Ang kaba, takot, aliw, galak at iba pa pero mas nangingibabaw sa akin Ang sakit at lungkot. Winaglit ko sa Aking isipan Ang kalungkutan, ayaw kong Makita ni nanay na nalulungkot Ako ayaw ko siyang nakitang magalala sa akin. Pilit Akong ngumite, sobrang HILAW!!. Napatingin Naman Ako sa pulsuhan ko, namumula-muka pa ito at nandon parin Ang kirot.
At umalis na sa kwarto, iniwan ko Ang kaba, takot at lungkot sa kwarto namin at pinalitan Ng saya.
"Magandang umaga nay!" Pilit kong tinatagan Ang loob ko para Hindi mahalata ni nanay Ang lungkot ko. Ngumite pa Ako Ng HILAW
"Oh!!! Anak nandiyan kana pala Kumain kana--teka Anong nangyari sa mata mo? Bat Yan namamaga? Umiiyak ka ba?"sunod-sunod na Tanong ni nanay habang maiiging nakatingin sa mga namamaga kong mata. Gulat man ay tinatagan ko Ang loob. Ayaw kong mag alala sa akin si inay
" Wala Po to nay!! Matagal Po Kasi Akong natulog kagabi Kasi may mahalagang inaasikaso"pagsisinungaling ko. Sorry nay nag sisinungaling Ako!! Ayaw ko lang kasing mag alala ka
"Ay!! Sasusunod maaga kanang natulog wag yong kung ano-ano Ang inaasikaso mo!" Pangangaral nito sa akin. Tumango Ako at ngumite
"Opo nay!!"
"Hindi kapa nakakakain kagabi dahil Sabi mo busok ka!" Nagalalang Sabi ni inay. Simula nong mangyari sa akin iyon, ay Hindi na Ako lumabas Ng kwarto,Hindi na Ako nagpakita sa kanila, Hindi na Ako Kumain pa. Walang Wala Akong gana kagabi at Masikip sa dibdib.
"Sorry Po nay"
"Ohh siya ihatid Mona ito sa lamesa para makakakain na Sila Ng almusal" minadali kong kinuha Ang hawak ni inay na ulam at nagtungo sa hapag para makakakain na Ang mga amo namin.
"Ito napo" magalang kong bati sa kanila. Prenteng naka upon Ang Governor sa gitna Ng mahabang lamesa, katabi Naman nito so Siñiorita, sa kabila Naman ay si Siñiorito Chester na nagalalang nakatingin sa akin na Hindi ko nalang pinansin, at katabi nito sa Abegail na masayang nakatingin sa akin.
Nagtungo Naman Ang mata ko sa kabila na sana Hindi ko ginawa. Maagi at matalim lang itong nakatitig sa akin, parabang hinahalukay nito Ang kaibutura ko. Umiwas Ako Ng madali. Hindi ko kaya Ang presensiya Niya NAKAKASAKAL.
"Ohh!! Ikaw pala Yan Allen!! Hindi ka daw nag hapunan ka Gabi Anong nangyari?-teka bat namamaga yang mata mo Anong nangyari diyan" gulat na Sabi ni Governor habang maiiging natingin sa akin.
"Oo nga napo Yan" gulat din na Ani Ng Siñiorita. Kinakabahan Ako kung ano Ang idadahilan ko lalot-pat nasa tabi lang SIYA. At alam kong kung magsabi Ako Ng totoo ay Hindi lang iyon Ang aabutin ko, may mas Malala pa don at yon Ang ayaw kong mangyari
YOU ARE READING
The Governor's Son
RandomSa pag pasok ng mag Ina sa bahay ng mga Duel Fero ay syang labis na saya ang kanilang nadarama dahil matagal na nilang hinihintay na makaapak o makakita man lang ng isang magandang tahanan na kagaya nito.Mahahalintulad Ang bahay nato kagaya ng isan...