KABANATA 12

43 3 0
                                    

Umaga, isang umaga nagising nalang ako sa ingay ng tilaok ng manok, kinusot kusot ko pa ng bahagya ang aking mata at bumangon.

Isang umaga na kung saan mag sisimula na ang pakikipag sapalaran, kung gaano kaganda ang araw ko ngayon ganon din sana ang unang araw ko sa klase.

Minadali akong nagtungo sa munti naming banyo at naligo. 

Kinuskos ko ng maiigi ang aking katawan, kumuha pa ako ng shampoo at inilagay sa buhok ko. Natutuwa akong dahil sa namumuong bula sa ulo.

Matapos kong maligo ay agad akong lumabas na nakasabit ang twalya sa bewang ko, nagmadaling nag bihis.

Ngayon, nasa harapan Ako Ng salamin, sinusuklayan ko Ang Hindi gaanong Tuyo na buhok ko. Nag lagay din Ako Ng pulbo at kunting pabango. Matapos ay kinuha ko na Ang makakaylanganin ko sa pagpasok.

Tinignan ko muna Ang silid dito sa pintuan kung may nakalimutan ba Ako Ng ma sigurong Wala ay agad kong sinirado at nag tungo sa kusina para tumulong, total maaga pa Naman.

"Ako napo diyan nay" presenta ko, nilagay ko muna Ang bag ko sa gilid para walang istorbo sa sa gagawin kong trabaho

"Hindi nah!! Kumain kana don! Para maaga kang aalis," sabi pa ni nanay. Umiling Ako

"Hindi nay! Ako na diyan!! Mamaya na Ako mag aagahan at Saka maaga pa Naman alas singko pa oh" sabi ko, tinuro ko pa ang orasan na naka sabit sa dingding para ipakita na maaga pa.

"Kaya akin nayan" nalumanay kong kinuha Ang walis na hawak ni nanay.

"Oh siya! Mapilit ka! Pag katapos na pagkatapos mo diyan mag almusal kana para Maka Alis na huh!"tumango Ako sa sinabi ni nanay at agad Naman itong lumisan, pupunta ata yon sa labas?.

Matapos Ang pag lilinis ko ay agad kong sinunod Ang sinabi ni inay kumakalam na Ang sikmura ko at malapit na din mag alasa-is.

Isang prenitong itlog at longganisa Ang kinain ko sinabayan pa Ng mainit na Milo. Nandito Ako sa dirty kitchen, dito kami kumakain dito kami nag memeryenda at dito nagpapahinga Ang mga katulong na gaya namin. Katabi ko si Inay na kumakain din, halos lahat Ng mga katulong ay kumakain kasabay namin.

"Bilin ko Sayo anak! Mag aral Ng mabuti" Sabi ni inay sa gitna Ng aming pagkain. Tumango Ako, nilunok ko muna Ang pagkain na nasa bunga nga ko

"Opo nay! Masisigurado Po kayo sa'kin" kinuha ko Ang kutsa nag sandok Ako sa Plato ko at itinapat iyon sa Aking bibig.

"Mabuti Naman!!"

Napatingin Naman Ako sa iba na busy din sa kakakain. Tapos na mag agahan Ang mag asawang Duel Fuero kanina lang

Maaga Kasi Silang kumakain dahil sa trabaho nila, maliban nalang sa mga anak nila na matagal magising.

Tinapos ko na Ang natitirang pag kain sa Plato ko. Nag presenta pa sana Ako na mag hugas pero tumutol Sila dahil daw malelate na Ako, at oo nga ala sais imedya na Ng umaga. Nag madali Akong uminom Ng tubig at patakbong kinuha Ang bag ko sa loob Ng bahay kung saan ko iniwan kanina. Bumalik Ako kung saan si nanay para mag paalam na sa kaniya- sa kanila.

"Nay! Alis napo Ako!" hinalikan ko si Inay sa pisnge at niyakap pa Ng ilang sigondo at pagkatapos ay kumalas

"Oo!! Siya umalis kana baka malate kapa niyan! Unang Araw mo pa Naman sa klase"

"Opo" sagot ko. Inayos ko Ang bag ko na naka sabit sa kaliwang abaga.

"Bye Po!! Sa inyo" paalam ko sa iba na nandito sa kusina. Tumango lamang Sila hudyat na pumayag Sila na aalis Ako.

Agad Akong nagtungo ko sa labas para Maka Alis. Dinig na dinig ko Ang pag andar Ng sasakyan. Napatingin Ako don. Ang kotse na nag hatid sa akin noong naka raang Araw, at alam ko kung kanino Yan, Kay Siñiorito Demion. Huh? Saan Naman siya pupunta? Bihira ko lang siya Makita dito sa pamamahay nila!, na okay naman sa akin.

Sa pag kaka alam ko hindi siya magigising Ng Gani tong Oras. Pwera nalang kung may importanteng pupuntahan siya!, baka may importanteng pupuntahan nga? Baka?

Napa Iwas Ako Ng tingin sa kanya dahil napatingin din siya sa pwesto ko. Napalunok ko na parang may nakabara sa lalamunan ko. Ayan Naman siya!

Nag lakad siya papa lapit sa akin, nakapamulsang nag lakad, maaliwalas Ang aura Niya Ngayon, Ewan Hindi ko alam, baka sinaniban Ng mabuti g espirito.

Sa ganoong pwesto ay Malaya ko siyang pinag masdan, mabusisi kong Tinignan Ang kanyang pustura, naka suot siya Ng, white long sleeve na hapit na hapit sa kanyang katawan naka bukas pa Ang dalawang batones sa ibabaw nito na kita Ang kanyang dibdib, napalunok ako, kulay item na pants na bumagay sa kanyang tindig, nakaka agaw pansin Ang kanyang tindig, naka tank in din Ang puting long sleeve sa kanyang pants na pinarisan Ng sinturon para pangkapit dito.

Napunta Naman Ang tingin ko sa kanyang sapin sa paa, dalawang pares na kulay itim na tic tac, sobrang kintab nito. Bagong bili ata oh maalaga lang siya? Hindi ko alam.

Napunta Naman Ang paningin ko sa kanyang Mukha, dalawang pares na makapal na kilay, matangos na Ilong at Ang mapanuring mata. Hindi ko alam pero, nakaka hipnotismo Ang kanyang mata, lalong Lalo na Ang kanyang mga titig.

Para akong natuod sa aking kinatatayuan, hindi ko maigagalaw ang aking mg paa lumisan, para bang nakakadina ako at siya ang may kontrol sa akin.

Nakatoon lang ang kaniyang paningin sa pwesto habnag papalapit sa akin, maski mata ko ay hindi ko ma ibaling sa ibang lugar dahil sa presensiya niyang papalapit.

"Tara"simpleng sabi niya ng makalapit sa akin, nangunot ang noo ko pero seryosong tingin lang ang sinukli sa akin

"Huh?" parang t@nga kong sabi sa kanya. Parang naging blangko ang lahat ng utak ko dahil sa sinabi niya.

Tara? Saan naman?

Nagitla ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko at kinaladkad sa pwesto niya kanina.

"Senyorito!! bitawan nyo po ako"kinakabahan kong ani dito, baka saktan na naman niya ako

"PUMASOK KA!"utos niya sabay turo sa kotse na may naka bukas na pintuan sa harapan. Napaling naman ako sa kanya.

Hindi ko talaga ma tansya ang ugali ng lalaking to. Akala ko good mood siya ngayon dahil sa magandang enerheya na nanalaytay sa kanya ngayon pero akala ko lang pala.

Umiling ako, "Ano ba Senyorito, pupunta pa ako ng paaralan"kinakabahan kong sabi sa kanya, sumakit na din ang ulo ko sa di malamang dahilan. 

"PAPASOK KO O AKO ANG PAPASUKIN KITA?"banta nito sa akin.

HUH? 

Kaya wala na akong nagawa pa at pumasok nalang ayaw kong makipag talo sa kanya, ayaw kong malate, ayaw kong sirian ang first day ko at ayaw na ayaw kung pupunta ako na may sugat sa katawan ko, sapat na iyong nakaraan na sugat na tinamo niya, para maka iwas sa kahit ano mang pinsala ay, labag man sa kalooban ko ay dapat ko siyang sundin, para sa ikakatahimik ng lahat

"YONG BILIN KO SAYO, WAG NA WAG MO KONG SAGARIN ALLEN, BAKA IKAW ANG MAISAGAD KO"


The Governor's SonWhere stories live. Discover now