Hindi ko alam kung anong pumasok sa dem*nyo kong amo at kung ano ano nalang ang lumalabas sa kanyang bibig, bawal akong maki pag usap sa mga lalaki?, gag* ba siya!! wala siyang karapatan na diktahan ang desisyon ko at kung ano ang gagawin ko. Pero anong magagawa ko, isa lang naman akong hamak na walang maibubuga, isang katulong lamang.
Mapait akong napangite habang inaalala ang sinabi niya kahapon, kumikinang ang repleksyon ng plato habang pinupunasan ko ito, nakita ko ang repleksyon ko sa malinis na plato na ito, isang nagpapakatatag na tao ang makikita, nagpapakatatag para sa pamilya at sa pangarap niya.
"Tapos kana ba diyan anak?"napatingin ako sa boses na nasa likuran ko si nanay lang pala.
"Matatapos napo nay!"sagot ko sa tanong niya. Inayos ko pa ng bahagya ang natapos ko, ibinalik ko ang mga plato sa lalagayan. Kakatapos lang kasi nilang mag agahan kanina lang.
"Pagkatapos mo diyan pumunta ka daw Kay señioreto Sebastian nak may ibibigay daw!"tumango Ako sa sinabi ni inay! May ibibigay ano kaya yon?
Winaglit ko Ang katanungan sa Aking isipan at pinagpatuloy ko Ang trabaho ko! Ano kaya Ang ibibigay Ang ni Señiorito
Matapos Ang trabahuin ko ay nag tungo Ako sa silid aklatan ni Señiorito kung saan doon siya pumapalagi Ng kanyang asawa, doon din Niya pinipermahan Ang mga importanteng mga papeles na naka laan para sa gobernador
Ngayon, nandito Ako sa harapan Ng kanyang aklatan, kumatok pa Ako Ng dalawang beses.
"Pasok!" Isang boses Ng lalaki Ang nadinig ko Mula sa loob, binuksan ko Ang pinto at tumambad sa akin Ang maaliwalas na loob, sobrang kintab Ng loob, malinis tignan at Hindi masakit sa mata Ang mga pigura. Nakaka agaw din pan-sin Ang mga libro sa paligid, halatang mamahalin Ang mga ito base sa kanilang pustura.
"Ma-upo ka Allen!" boses, Isang boses Ang naka pukaw sa Aking pagninilay-nilay sa paligid, hinanap ko Ang boses na iyon, Isang lalaking naka upon sa kaniyang lamesa, nagtungo Ako doon. Marami Ang naka patong na mga papel, libro, may nakita din Aking laptop sa gilid nito at Isang tasang kape na mainit pa
"Salamat Po" umupo Ako, inayos Ako Ang aking pustura dahil kaharap ko Ang taong gobernador Ng bayan.
"Bakit nyo pala Ako pinapunta dito Señioreto?" Tanong ko sa gitna Ng katahimikan, napaka aliwalas Ng kanyang aura, nararamdaman mo ito na ibang-iba Ang gobernador na ito sa kanila, mabait at magalang. Napa isip ko, saan kaya pinag lihi Ang kanilang magulang na anak?, Ang bait ni Señiorito Sebastian at maginoo Naman si Señiorito Chester!, hysst! Ayan Naman Ang pag iisip ko Ng walang patutunguhan!
Tumigil kana nga Allen
"Pinapunta kita dito dahil may ibibigay Ako Sayo"tumayo siya at may kinuha sa loob Ng kaniyang kabinet!. Sinundan ko Ang kanyang kilos sa pagkuha nito. Wala Akong ideya kung ano Ang ibibigay Niya, pero base sa kanyang pustura at pananalita, para bang masasayahan Ako sa ibibigay Niya
Nanatili Ang paningin ko sa kanya, Hanggang sa ito ay bahagyang tumayo at naglakad pabalik sa kanyang puwesto bitbit Ang bag, Bag? Bakit may bag?
"Total, malapit na Ang pasukan, paunlakan mo Ang aking munting regalo! Mga gamit mo ito na iyong kakaylanganin sa kolehiyo"nakangiteng Ani nito, gulat Ako Ng mapagtanto Ang sinabi Niya.
"Nako salamat Po Sir Sebastian napalaking tulong Po nito"nakangiteng pasalamat ko dito, namamasa masa na din Ang aking mga mata hudyat na maiiyak na Ako.
"Walang ano man Allen! Napaka mabuti mong Bata, you deserve better"
"Salamat Po Talaga Sir"ulit kong pasalamat sa kanya. Tumango at ngumite lang Ang iginawad Niya
Sa huli, nag paalam na Ako at lumisan na sa silid aklatan, pero bumungad sa akin si Katherine na parang hinahanap Ako nito, nagulat pa Ako Ng bahagya habang nakikita ko Ang namumuong pawis sa kanyang mukha
"Allen kanina pa kita hinahanap!" humihingal pa ito, nanatili lang Akong nakatayo sa kanyang harapan, bakit Niya ba Ako hinahanap? Baka pinahanap Ako ni nanay?, na Malabo Kasi alam Niya na pinapunta Ako ni Gobernador!,
"Huh! Bakit?" agad Akong napatanong, huminga pa ito Ng malalim na para bang umakyat siya sa mataas na bundok habang sapo Ang kanyang balakang.
Hala, masusi talaga Ako nitong hinanap
"Sabi ni Señiorito Démonyo! Linisin mo daw Ang kwarto Niya"Yan lang pa-ano, bat ko Naman lilinisin Ang kwarto Niya!
Agad ko Naman pinakita sa kanya Ang paka disgusto sa trabaho na iyan, ipa trabaho mo nalang sa akin Ang paglalaba at pag tatanim Ng bulak-lak wag lang trabahuin Ang kwarto Niya
Ibang-iba Ang kwarto Niya sa mga kwarto na nalinis ko dito sa bahay nila, para Akong kinukulong sa kwarto Niya na kasalungat Naman sa kwarto Ng iba, para itong impyèrno tutu-usin dahil nakaka panindig balahibo Ang kwartong iyon. Kaya ayaw ko sa kwarto Niya mag Linis, napaka laking hindi Ang maisasagot ko
"Wag kang mag alala, Wala Ngayon yong Démonyo! Umalis!" Sabi Niya habang nakatingin sa akin, Demónyo Ang tawag din Niya sa Amo kong iyon dahil sa labis na ugali Ng lalaking masahol pa Kay Lucifer
Nanatili lang Akong naka kunot noo, itong kaharap ko Naman ay parang na susumamo na linisin ko Ang kwarto Niya na parang may masamang mangyari sa kanya pag hindi Ako umuoo sa alok Niya.
Napabuga Ako Ng hangin.
Ngayon, nandito Ako sa sa kanyang silid
Oo, umuoo Ako dahil nag mamakaawa na din za akin si Katherine, at Saka Wala din Naman Akong magagawa kundi yon Ang gagawin ko, at Saka katulong lang Naman Ako nila, kaya para saan pat Hindi Ang isasagot ko.
Napabusangot Ang aking Mukha habang nakatingin sa lamesa Niya na Puno Ng kalat, bakit ba ganito Ang lalaking to, siguro kung walang tiga Linis sa kwarto Niya, malamang sa lamang basura na ito Ngayon, pwede na pag dambakan Ng mga basura.
"Ano bayan!"anas ko Ng isa isa itong nilinis, kumuha pa Ako Ng basura para paglalagyan.
Inayos ko din Ang mga libro na nagkalat, matapos ay nalinis ko na din Ang silid, balik sa Linis Naman Ang kwarto Niya
"Ayan tapos na"kinuha ko Ang vase na nasa study table Niya at ipinatong ito sa ibabaw Ng kaniyang aparador dahil sa pagkakatanda ko doon nilay Ang vase.
Inilibot ko Ang aking paningin sa paligid para sana hanapin Ang Hindi ko pa na asikaso o na Linis, pero napukaw Ang atensyon ko sa kanyang study table na may nakabukas na aparador.
Inalpitan ko ito para isira.
Sa paglapit ko at parang kinakabahan Ako sa diko malamang dahilan, Ewan! Bakit Ako nakaramdam nito gayong Wala Naman siya dito
Isisira ko na sana Ang naka uwang na aparador Ng nahagilap ko Ang lamang nito, bahagya ko pa binuksan dahil sa kakuryusidad ko.
Hindi ko kontrolado Ang kamay ko kusa nalang itong kumikilos.
Kita ko Ang dalawang pad Ng gamot, limang syringe at dalawang maliliit na bote
Ano to?
Bakit siya may ganito?
Gulat na gulat Ako, parang Hindi Ako makagalaw sa gulat.
Ano ba ito? Baka-
Mas nagulat Ako Ng maiisip ko kung ano ito, dr0ga ba ito?
Pero agad din Akong na gitla Ng may boses Akong na dinig
"TAPOS KANA DIYAN"
YOU ARE READING
The Governor's Son
RastgeleSa pag pasok ng mag Ina sa bahay ng mga Duel Fero ay syang labis na saya ang kanilang nadarama dahil matagal na nilang hinihintay na makaapak o makakita man lang ng isang magandang tahanan na kagaya nito.Mahahalintulad Ang bahay nato kagaya ng isan...