KABANATA 18

49 4 0
                                    

Ang patawad ay para lang sa may dekalidisa hindi sa taong mapang api at mapanakit.

Kaya kong magiging matatag hanggang sa kung saan ako dalhin nito. Ayaw kong gumawa muli ng ikakagalit niya.

Diring diri ako sa kanya, sukdulan ang galit na nanalaytay sa aking damdamin dahil sa kanya. Pero ayaw kong gumawa ng aksyon na kasalungat sa kung anong gusto niya. Bawat utos ay siyang tinutupad ko, ayaw kong salungatin ang lahat, ayaw kong kumaliwa, at ayaw kung magkamali. Dahil buhay ko ang nakataya.

Tulala ako habang kumakain ng biskwit sa upuan na nandito sa harapn ng wide sa paaralan. Break na namin ngayon, ang daming nangyari sa araw na ito, sunod sunod na subject ang pasok at sunod sunod din ang mga quizes, kaya nag muni muni ako dito para pampatanggal ng isipin.

Uminom ako ng tubig at muling kinagat ang natitirang biskwit na nasa kamay ko. Isinukblit ko ang bag dahil pupunta pa ako ng office ng major subject ko dahil may pinapasabi si Sir Castro at importante daw iyon. 

Nag mamadali akong pumunta at makarating ako ay pumasok na ako dahil bukas naman ang pintuan.

Nakita ko siyang nag titipa ng kanyang laptop at seryosong naka tuon dito. Tumikhim ako para agawin ang kanyang atensyon.

Napalingon siya sa akin suot ang ngite sa kanyang labi.

"Ma upo ka Allen" turo nito sa kanyang harapan na may dalawang bakanteng upuan, ngumite ako at umupo

"Kinakaylangan mo ipasa ang birth mo dahil yon ang kinakaylangan ng health admin sa cource mo, sa pag kaka alam ko wala kang birth na pinasa" sabi ni sir Castro napatango ako, dahil hindi ko na ipasa ang birth ko nong nag enrolle ako.

"Opo " tumayo ako at nag paalam na. 

Ramdam ko agad ang init sa aking balat, kaya nag mamadali ako pumunta para classroom ko para sa last subject ko ngayong araw.

Pagkarating na pagkarating ko ay umupo na ako sa pwesto ko at inimon ang tubig na kanina ko pa hawak. Bumnong hininga ako at nag hintay sa last subject ko.

Hanggang ngayon naging napakalaking katanungan sa akin kung bakit wala pa akong kaibigan?, nandiyan naman si Hanna pero bihira ko lang makita at maka usap dahil abala siya sa kanyang coure at saka graduating student na kasi siya. Napatingin ako sa nagkalabit sa akin, si Alex, hanggang ngayon ay nilalayuan ko, dahil ayaw kong madamay siya sa ano mang problemang meron ako. 

Mindali kong iniwas ang aking paningin kahit masakit sa aking damdamin, ngayon lang kami nag kita pero ganon ang trato ko sa kanya. Eh, anong magagawa ko, hawak din lamang ako sa leeg ng amo ko, sa isang mali ko lang galaw ay ikakapahamak nila at ikaka dusa ko.

Bahagya ko pang inayos ang aking sarili dahil nanito ang guro namin.

Ang aking pag iisip ay napupunan ng mga katanungan, pero winaglit ko ito. Ang damdamin kong puno ng emosyon pero sinasabayan ko. Ang tunog ng bell ang pumukaw sa akin, lumilipad na naman ang isip ko sa kung saan na hindi namalayan na tapos na pala at uwian na. Minadali kong kinuha ang bag at umalis na. Dinig na dinig ko pa ang tawag ni Alex sa pangalan ko pero hindi ko ito nilingon, bagkos ay nagpatuloy nalang nagmadali.

Ng makarating ako sa labas ay sumalubong sa 'kin ang raptor ni Senyorito Demion, binukas niya pa ang bintana ng sasakyan at tinignan ako. Lumapit naman ak at dahan dahan binuksan ang pintuan ng sasakyan. 

Inayos ko ang sarili ko ng pagka upo ko, pero ganon nalang ang pagkagulat ko ng inilapit ni Senyorito Demion ang kanyang mukha sa mukha ko. Napa lunok ako sa gulat. Ang mata kong hindi maka paniwala sa biglaang galaw niya.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa di maipaliwanag na kaba?. 

"Sit belt!" napatingin ako sa tunog ng kung ano, don lang rumemistreto sa akin ang pangyayari. Akala ko ano na

May namupo pang pawis sa aking noo sa pangyayari na agad kong pinahid sa mga palad ko. At hindi din nakatakas sa akin ang kanyang namumuong ngise sa kanyang labi.

Sabi niya siya na daw ang magharid at mag sundo sa akin tuwing papasok ako, hindi naman ako maka angal dahil kung aangal pa ako, baka kung saan pa hahantong ang katigasan ng ulo ko.

Busina ng sasakyan ang nadinig ko at dahan dahan humina ang makina ng sasakyan na nag papahiwatig na nandito na kami. Agad ko naman bumaba

"Sa-lamat po Senyorito" bago ako bumaba ay nag pasalamat ako. Tinahak ko ang engrandeng pintuan para puntahan si nanay para itanong kung saan ang birth ko. Pero bago yon ay pumanhik muna ako sa kwarto namin at nag bihis at saka minadaling pumunta kay inay.

"Nay" tawag ko ng makita ko siyang nag hihiwa ng karne. Lumingon sandali si inay sa akin at muling tinuon muli ang tingin sa pag hihiwa ng karne.

"Bakit nak" sabi nito. Agad ko naman itong nilapitan

" Nadala mo ba ang birth cerificate ko nay, kaylangan ko kasi bukas eh para sa medical" agad kong sabi. Kumaha pa ako ng tubig dahil namumuo na ang kagaspangan ng aking leeg.

Huminto si inay sa paghihiwa at tumingin sa akin. "Hindi anak eh! nakalimutan ko"

"Ah! ganon po ba! kunin ko nalang don sa bahay ngayon!" sabi ko, hinugasan ko ang baso na ginamit ko at nilagay ito sa lalagyan.

"Huh! hindi ba pwede sa susunod nalang yan! mag gagabi na ah" sabi ni inay. Umiling ako

"Hindi talaga nay eh! kana kailangan na mapasa dahil mag memedical na kami" sabi ko, gustohin ko man pero hindi talaga pwede.

"Kung ganon mag ingat ka!" sabi ni inay, tumango naman ako at nag paalam na ako.

Lumabas naman ako para mag hanap ng sasakyan pero si Senyorito Demion ang bumungad sa akin

"San ka pupunta?" seryosong boses nito. Kumurap pa ako sa biglaan niyang sabi. 

"Sa bahay po Senyorito may kukunin lang" napalunok ako.

Bigla siyang umalis sa harapan ko ng hindi man lang nagsabi. Pinagkabit balikat ko nalanag iyon at nag patuloy sa paglalakad.

Pero bago pa ako maka labas ng gate ay may busina ng motor ang nadinig ko. Hinarap ko ito at ang motor na docati ni Senyorito Demion ang nakita ko. Kulay itim ito at sobrang kintab.

"Sakay" kumurap pa ako, huh?

"Sabing sakay" inis na boses ang pinakawala niya, na nginginig akong umangkas sa likuran niya.

Pero ang mas ikinakagulat ko ang biglaan niyang pagkuha sa kamay ko at inilagay niya sa kanyang bewang. Jusko

"Baka malaglag ka"

Pinag pawisan ang kamay ko, kumalabog ng malakas ang dibdib ko, hala ano to!

Rang rang ng makina ng motor ang nakapag papabingi sa akin, At agad pina andar ang sasakyan>

Halos malipad ang katawan ko sa bilisng pagmamaneho niya, seryoso niyang mukha na naka ton sa daan.

"Saan ang sa inyo" halos sigaw na sabi niya

"Diyan sa likuang yan" turo ko sa bakanteng lote. Lumiko naman siya

Napabuntong hininga ako ng marating na namin ang bahay, halos ikamatay ko ata kanina ang bilis na pagmamaneho niya, parang hindi takot mamatay kung tutuusin.

Kinalas ko ang pagkayakap ko sa kanya, na naginginig pa, hindi kasi ako sanay. Tinigan ko ang munti naming bahay, hangang ngayon napaka presko parin dito.

Tumingin naman ako kay Senyorito na nililibot ang kanyang paningin sa paligid. Tumingin ito sa akin kaya inalis ko ang tingin sa kanya. Minadli ko naman binuksan ang pintuan ng bahay at nag madaling pumahik sa kwarto namin ni inay>

Naka sunod sa akin si Senyorito na hangang ngayon nilibot ang kanayng paningin sa kwarto namin. Alam kong hindi ito sanay sa mga ganto.

"Pa umanhin po Senyorito, hindi napo ito nalinisan, maraming alikabok, gawa ng pag tratrabaho namin sa inyo" hinahanap ko ang birth sa dorabox. Wala akong nadinig na boses o sagot sa kanya, marahim busy siya kaka libot ng kanyang paningin sa munting kwarto namin.

Kinuha ko ang brown evelope, at umupo sa katre na gawa sa kawayan. Nilabas ko ang lahat ng laman. Nakita ko ang birth ko pero may pumukaw sa akin. Ang papel, na kung saan naka ukit dito ang pangalan ko.

"Allen Doveno, Discharge noong Ika Deyembre 19, taong 2023" napalunok ako,kumalabog ng malakas ang aking dibdib

"Sanhi: Aksidente" 

parang huminto ang mundo ko ng mabasa ito.

Totoo ba ito?


The Governor's SonWhere stories live. Discover now