Sa isang madalim na parte ay parang isang impyerno, pinipilit kong lumabas, pinipilit kong mag hanap ng malalabasan pero bigo ako
Palinga linga ako sa paligid sabay ikot pero ako lang ang nahihilo dahil wala akong makita. Ng makakita ako ng liwanag ay may sumilay na ngite sa aking labi, nilapitan ko ito pero parang lumalayo.
Nangunot ang aking noo, lumakad ako pero kusa itong lumayo, hanggang sa tumakbo ako pero mabilis din itong lumalayo sa akin sa bawat hakbang ko ay siya din ang pag layo nito sa akin
Hinihingal na din ako, napahawak ako sa tuhod habnag nakatingin sa liwanag na pilit lumalayo sa akin na parang bang ayaw nito sa akin.
Hindi na din ako makahinga dahil parang sumisikip ang lugar na kung saan sobrang dilim at ang tanging liwanag lang ang nakikita ko na ayaw lumapit sa akin. Muli ko itong pinuntahan pero ayaw pa din, habang tumatagal ay parang sumisikip ang loob, ng iinit ang aking katawan sa di malamang dahilan, para akong nasusunog.
"TULONG" sigaw ko pero ang tanging nadinig ko lang ang echo ng boses ko."MAHH TULONG" tumulo ang luha ko habang nanginginig na sa takot, sobrang sikip na ng dibdib ko.
"NANDYAN KA LANG PALA" bigla akong nanigas na parang tumakas ang aking kaluluwa ng madinig ko ang isang malalim at sobrang nakakatakot na boses. Nangi nginig akong nilibot ang paligid pero wala akong makita
"S--ino--y-an" pilit kong bigkas habang nanginginig sa takot, wala akong nakita na bakas ng tao kundi dilim sobrang dilim lang, ang boses niya lang ang nagsisilbi sa lahat.Wala akong natagnggap na sagot, binalot ako ng takot ng may yapag ng paa papalapit sa akin
Palinga linga ako pero wala talaga nahihilo na din ako
"NAKA KULONG KANA NGAYON, WALA KA NG TAKAS SA TERETORYO KO" tumayo ang balahibo ng papalapit ang yapag ng paa sa akin, agad akong na alarma at tumakbo na dinig ko din ang pag takbo niya"SA ORAS NA MAHAWAKAN KITA, ISASANLA MO NA ANG SARILI MO SA AKIN" mala d*monyong sabi nito kaya mas lalo kong binilisan ang pag takbo, pero parang hindi sumang ayon sa akin ang lahat dahil ng hihina ako, parang kinokontrol niya ang katawan ko at kalakasan ko
"TULONG" hikbi ko habang pinipilit ang pagtakbo, dahil sa panghihina ng aking katawan ay nabagsak ako ng wala sa huwisto, umiikot na din ang paningin ko na parang sa ilang segundo nalang ay bababa na aking mga talukap.
"WAG KANANG TUMAKBO, WAG KANANG LUMAYO, DAHIL NAKATALI KANA SA MGA KAMAY KO"
Mas lalong nanginig ang aking katawan habang palinga linga sa paligid, saan ba siya?
"LUMBAS KA DIYAN WAG KANG MAG TAGO, MAG PAKITA" nanginginig kong sambit, ang bawat salita ko ay pilit na pilit na inilabas sa aking bibig, mamamata-y ako sa takot at pananakip ng akong dib dib. Sobrang kabog ng dib dib ko dinig na dinig ko ang bawat pintig nito
Isang tawa lang ang nadinig ko sa kung saan, nakakasindak ang tawa na iyon, hindi ko alam kung sino iyon peroparang kilalang kilala ko ang boses na iyon
Ayaw ko na hindi ko na kaya, ilang sigundo nalang ay bababa na aking mga talukap. Papalapit ng papalapit na ang yapag ng paa at kahit ng hihina ay pilit akong tumayo para maglakad pero bigo ako dahil biglang bumagsak ang aking katawan dahilan napa daing ako.
Pinipilit kong tumayo pero bigo ako. Kinakilabutan na ako dahil papalapit na ang yapak ng mga paa sa pwesto ko
Dahil hindi ako maka tayo ay gumapang nalang ako. Humihikbi ako habang gumagapang , hindi ko na kaya. Sobrang hina na ng katawan ko.
Mas lalong domeble ang kaba ko dahil ayan na siya.
"SAAN KA PUPUNTA, HINDI PA TAYO NAG SISIMULA AALIS KANA" isang boses ang nadinig ko sa aking tenga, hindi maaari!!
Na itlag ako ng bigla niyang hinawaka ang paa ko at hinala
"DADALHIN KITA SA IMPYERNO KUNG SAAN IKAW ANG BUBU-O"
Nanigas ang kalamnan ko at agad napa sigaw
"AHHHHHHHHHH"
Napa balikwas ako. Isang panaginip. May namumuong pawis sa parti ng katawan ko, hindi to maari.
Napatingin ako sa katabi ko, si inay na mahimbing na natutulogNapa iyak ako dahil sa panaginip. Pinipilit kong takasan ang masa limuot na ng yari ng nakaeaan sa kamay ng mapang api. Sobrang sakit, hanggang ngayon parang sariwa lang ang nakaraan, parang ngayon lang ng yari iyon.
Hindi siya tao, demony-o siya, bal!w siya.
Kahit anong takas ko ay hinihila ako nito na parang naka magnet ang katawan ko sa malaking bakal ng naka raan.
Na nginginig akong tumayo, bitbit ang aking naninikip na dibdib. Binuksan ko ang pintuan ng aming kwarto para pumunta sa kusina para kumuha ng tubig. Minadali ko pang pinunasan ang luha ko. Dahil sa kaka iyak ko ay diko na malyan na natutuyo na aking lalamunan.
Nagmamdali akong kumuha ng tubig at nilagok ito
"Bakit gising kapa Allen alas dose na ng gabi" boses ni Aling Linda ang nadinig ko mula sa aking likuran, hinarap ko ito bago nilagay ang baso na wala ng laman.
"Na uhaw lang po ako kaya po ako nagising" agad kong sabi. Tumitig lang ito sa akin na parang binabasa ang nararamdaman ko.
"Alam ko yang nararamdaman mo" sabi nito, napalunok ako, sinasabi kona ngaba eh!! "Paki abot nga ng tubig" nanginginig akong kumuha ng tubig at ibinigay sa kanya.
"Opo ka dito iho may ikukuwento ako sayo" turo nito sa kanyang tabi na silya, sinunod ko naman ang sinabi niya kahit nag aanlinganin.
"Alam mo, ma iintindihan mo ang lahat pag katapos ng sasabihin ko sayo!, ipag sawalang bahala mo muna yang nararamdaman mo, buksan mo ang iyong isipan at puso para ma intindihan mo ang sasabihin ko" seryosong sabi nito, hindi ko alam kung tatango ba ako o hindi.
Ang lakas ng pakiramdaman niya.
"Mabuti at masunuring bata si Senyorito Demion, siya pinaka kinagalang galangan namin noon, na kahit anong iuutos mo ay susundin niya. Napaka bibo at masiyahing bata yan noon, sa katunayan nga may dinala siyang batang lalaki noon dito, napaka bait din non, mahinhin kung kumilos! parang ikaw lang parang hindi pa naka gawa ng kasalanan." tumitig siya sa akin habang sinasabi ang huling kataga, biglang bumilis ang tibok ng puso ko, Ano to!!
"Ang sabi pa ni Senyorito Demion noon na may iba daw siyang nararamdaman sa batang iyon, naging mas malapit sila sa isat isa. Pero lahat yon ay nag bago, bigla nalang nawala na parang bula yong batang lalaki, hinahanap hanap ni Senyorito ang batang iyon, palaging sinasabi sa ama na na hanapin ang batang iyon pero bigo sila dahil kahit anong bakas ay ng paghahanap ay wala. Hanggang sa naging iba ang ang lahat, ang dating bibo at masiyahin na Senyorito Demion ay parang matamlay na, hindi na siya yong batang nakilala namin na parang walang prinoproblema. At hanggang sa dumating yong trahedya ng buhay niya na pilit namin winawaglit hanggang ngayon" tumibig ng mas mabilis ang puso ko, bakit? ano tong nararamdaman ko?. Pero nangunot din ang noo ko ng madinig ang huling sinabi ni Aleng Linda.Naka abang lang ako sa kanyang sasabihin, ewan koba pero ngayon lang ako naging entirisado sa buhay ng iba.
"Si Samantha Caroline Diego ay ang tunay na ina ni Senyorito Demion, namatay si Ma'am Samantha dulot ng pag wala ng preno sa kanyang sasakyan. Napaka bauti ni Ma'am Samantha na gaya din ni Senyorita Victoria. Ng dahil sa trahedyang yon ay mas lumala pa ang problema ni Senyorito Demion, ang matamlay na Senyorito ay napalitan ng hindi mai paliwanag na emosyon. At dumating sa punto na hindi na niya kontrolado ang kanyang emosyon at hanggang sa naging bal!w na siya, lahat ng yon ay dahil sa trahedya ng buhay niya." mahabang kwento ni Aling Linda. Pilit kong prinoprosiso ang sanabi niya.
Kaya ba gayan siya sa amin-akin dahil sa nangyari sa buhay niya?
"Alam kong malaki ang ugnayan niyong dalawa ni Senyorito Demion, ramdam ko yon, mabait siyang tao, mag tiwala ka sa akin. Alam ko na inaapi ka niya, sinasakyan" dahil sa sinabi ni Aling Linda ay napaluha akoHanggang ngayon napaka bigat padin ng nararamdan ko, parang ramdam ko pa din ang matinding alit at emosyon niya sa akin, ang bawat hampas ng sinturon, ang pag suntok, pag sabunot, pag sakal ay humahamplos parin sa aking katawan.
"Wag na wag mo siyang susukuan Allen, ikaw lang ang natatangi na ikagiginhawa ni Senyorito, wag na wag mong panginahan ng galit ang dib dib mo! buksan mo ang isipan at puso mo, totoo ang sinasabi ko!" nanginginig ang aking mga kamay na kinuha ni Aling Linda.
"ALAM KONG IKAW LANG ANG TAONG MAKAPAG PAPABAGO SA KANYA, RAMDAM KO YON, NAWAY SANA TATAGAN MO ANG IYONG KALOOBAN" naluluhang sambit ni Aling Linda.
"NANINI WALA KAMI SAYO" at iniwan akong tulala habang naluluha.
YOU ARE READING
The Governor's Son
RandomSa pag pasok ng mag Ina sa bahay ng mga Duel Fero ay syang labis na saya ang kanilang nadarama dahil matagal na nilang hinihintay na makaapak o makakita man lang ng isang magandang tahanan na kagaya nito.Mahahalintulad Ang bahay nato kagaya ng isan...