Chapter 14: Distant

102 2 0
                                    

Play: Gusto by RAINA

Aiah's POV

Fast forward (Two months after)

"Girls, we're really sorry!"

"Ano ba kayo, wala yun of course. Sobrang laking opportunity yan kaya grab it. Pangarap niyo yan."

"Love wait, may i-refer ako kaso mas pogi ako sa kanya." singit ni Baste while the four of me, Maloi, Colet and Jho were discussing dito sa lobby sa condo.

"Lakas mo talaga, love." And yes, Baste and Jho are now dating.

"Pero kidding aside, sobrang lodi yun si Marc, Archi sa umaga then macho dancer sa gabi. Single din yun, Ays."

"Ginawa mong bar yung cafe ha." I answered him.

So Maloi and Colet were given an opportunity to be managed by a big talent agency in Korea. They will be flying two weeks from now kaya they forfeited their contract as our official performers in the cafe.

Pinag-isipan daw nilang maigi if they would grab it kasi naisip nila na okay naman na raw yung mga career nila dito sa Philippines pero later on ang dami rin nag advice sa kanila including us na 'wag nila yun sayangin cause not all nakaka-receive ng ganung opportunity.

About the cafe naman, sobrang laki rin yung magiging impact ng pagkawala nila pero we do believe na madami naman kaming mahahanap. Tulad nga ng sabi ni Baste may i-rerefer daw siya.

After ng discussion namin the girls left rin agad kasi sobrang busy na rin nila for the last minute preparations.

"Umuwi ka na rin, sakit niyo sa mata." loko ko kay Baste.

"Napaka mo. I'm calling Marc, saglit." after ilang attempts niya, walang sumagot. "'Di sumasagot, baka sumasayaw ngayon."

"Osiya sige na, layas na. Gabi na."

"Opo inay. Mauna na po ako." actually para talaga akong nanay na nag ga-guide sakanila kasi madalas para silang mga bata fighting over petty things.

Sabi ko nga, ganun ba talaga pag may jowa? Sorry 'di maka relate ang single lady. Ayaw kasi akong jowain ni Mikha. Siyempre si Mikha na agad, sino pa ba?

To be honest, Mikha remained the sweet and caring person she always was, she never failed to make me special and feel loved. Effort kung effort, she never failed to spend time with me despite her super tight schedule.

We made more progress in a way na I have already met her family, tito John yung dad niya, her sibs kuya Enzo, and ate Pat. I visited their house, and we did a LOT of things, but still, our label remained the same. I mean, hindi niyo naman ako masisisi diba? I always push myself to be contented with what she gives me, but I must admit I want more... I want us to be more.

And dumating ako sa point na I bursted out kanila Jho and Baste na parang hindi ko na kaya, I don't think I can't settle with this, like I deserve better, I deserve the kind of love na kaya akong i-flex sa buong mundo not just a friend or a best friend but as a girlfriend.

They suggested na I just confront her, kasi nagsasawa na sila sa mga hinanaing ko sa buhay. Pero hello, as if kaya ko yun gawin? Baka mamaya mapahiya lang ako.

I even got to the point na I tried dedmahin siya for days pero wala sa huli ako rin nag suffer, parang niloko ko lang sarili ko. As the quote says 'absence makes the heart grow fonder'.

Kaya my two besties are doing their best to help me, kung kani-kanino na lang nila ako nili-link, kaso nagsasawa na talaga sila sa'kin kesyo sobrang choosy ko daw, hindi ko naman daw talaga ino-open yung heart ko for anyone and that I still have a lot of reservations, which is I admit is true.

Dopamine // MIKHAIAHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon