Chapter 16: Realizations Part 2 🩷🌸

183 1 0
                                    

Play: Isa lang by Arthur Nery

Aiah's POV

"Grabeng bill yan, kaya sabi ko uwi na ko kagabi eh." nagulat ako sa bill, since this is only the second time na na-confine ako after ages.

"Oh Maraiah, papadalhan kita kung kailangan mo ng pera." mama's voice over the phone. Actually, I'm now earning more than enough. Pero since I did not come from a rich family, nasanay kami na sapat lang. Kaya ngayon, I'm still not used to a lavish life, and sanay pa din tayo sa 'pagtitipid'.

"Jhoanna, Mikhaela naku paki bantayan yang batang yan ha. Nagtitipid ata sa pagkain." sobrang nag worry sila kasi ngayon nga lang ako ulit na-ospital.

"Opo tita, ako po bahala dito." Miks responded.

This is the third time I guess na nagkausap sa phone si mama and si Mikha and since the first sobrang gandang ganda siya sa kanya. Lagi niyang tinatanong kung kelan daw siya dadalaw sa Cebu para lulutuan niya raw. Sabi naman ni Miks next month daw. Aba, may plan?

"Ay naku, asahan ko yan Mikhaela ha."

So, kami lang pabalik ng condo ni Miks as Jho will be attending an enterpreneur conference na actually dapat dalawa sana kami kaso she insisted na mag rest muna ako. Hindi na niya ako kailangan kasi andiyan naman na si Baste. Sad, charot.

Actually, medyo mahina pa nga rin ako pero I preferred to rest na lang sa condo.

"Hey, uwi ka na pag drop mo sakin ha." Medyo naawa rin ako kay Miks kasi last night hindi siya nakatulog nang maayos sa pagbantay sa'kin.

Hindi siya sumasagot, kaya I snapped at her. "Huy. Natutulog ka na ata eh." tumawa lang siya. Nakakaloka naman 'to, dinededma niya ba ko?

Hanggang sa pagdating namin sa condo wala siya imik. Medyo na bother tuloy ako. Sumunod naman siya sa'kin hanggang sa unit.

Paglapag namin ng mga gamit, the first thing she did was, she hugged me super duper tight.
I was shocked kasi parang ayaw na rin niya akong bitawan.

"Miks, I can't breathe." then bumitaw siya.

Sinamaan ko siya ng tingin, "Ang weird mo."

She hugged me again pero not that tight like earlier. And I just hugged her back. I don't think I can remember the last time we hugged like this.

"Aiah."

"Ayun, kala ko napipi ka na eh."

"I'm sorry... for everything." nasa mood mag drama ha?

I was waiting for what she was gonna say next, pero, later on binitawan lang niya ako.

"Sige na, you should rest more. Just call me if you need anything, okay?" parang nadisappoint naman ako bigla, is she leaving me again? Weird ko no? Pinapauwi tapos ngayong uuwi, malulungkot. #GirlProbs.

"I need you." yan tama, verbalize your feelings, Aiah. Good, that's good.

"What?" she was smiling. Gusto pa ulitin eh.

"I said I need you, can you like, stay?" so sige, ulitin. "I mean, if you want to rest then you can rest here na lang."

"I was just waiting for you to say that, kanina kasi pinapauwi mo ako eh." dami mo alam, Mikha Lim.

"Hay nako, read between the lines"

Dopamine // MIKHAIAHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon