Chapter 8

7 0 0
                                    


"Hulog na hulog Shai? Delikado ka na teh" natatawang sabi ni Ellie at dahil doon ay sinamaan ko siya ng tingin at nag paalam na.

"Ewan ko sayo, mauuna na 'ko, dadaan pa ako sa Filipino Faculty" paalam ko sakaniya at tumawa nalang siya.

"Bye, kitakits mamaya recess!" paalam nito habang nag lalakad na 'ko papalayo.

Nag lakad na ako papuntang Filipino Faculty dahil kukuhain ko ang mga questionare's namin, nang makaakyat na 'ko sa third floor ay dumiretsyo lang ako para makarating sa faculty, kumatok ako at nag Good morning sa mga teacher.
 
"Good morning po, may pinapakuha lang po si Ma'am Syn, kuhain ko lang po" bati ko sa mga teacher na nasa loob.

"Sige lang, pasok ka" pag payag naman ni Sir Migo. Kilala ko siya dahil siya ang Filipino Teacher nila Elie at Sei, at speaking of kay Sei, nakita ko sila ni Ali na nasa tabi ni Sir Migo, may binibilin ata.

Kinuha ko na ang papel na pinapakuha saakin ni Ma'am Syn at akmang aalis na ngunit tinawag pa ako ni Sir Migo.

"Teka lang Shai, pakisabi naman kay Ma'am Syn may pag pupulong kami mamaya, salamat" sabi nito at tinanguan ko naman si sir at nag paalam na aalis na ako.

"Sige po Sir, mauna na po ako" tumango naman si sir at lumingon ako kila sei, naka ngiti siya ngayon, ewan ko ba rito.

Nag madali na akong pumunta sa classroom namin dahil nga may election pa kami. Pag dating ko sa room ay nag sisimula na sila, voting na for president ang ginagawa nila, nilapag ko lang ang papel na kinuha ko sa faculty at umupo na sa tabi ni ellyn. Nilapag ko na nga pala ang gamit ko rito bago ko ihatid si sei kanina dahil mas nauna naming nadaanan ang classroom ko.

"You can now nominate our classmates for the position of class president" panimula ni Bella upang makapag botohan na.

"I respectfully nominate Daisy for president" sambit ni Lai sa klase at agad naman itong inilista ni Bella sa board.

"I respectfully nominate Janiez for president" sambit naman ni Ian sa klase at agad din itong inilista ni Bella. Ilang minuto ang nakalipas at wala nang nag sasalita sakanila para mag nominate.

"Any other nominees?" tanong naman ni Bella at wala nang umimik sakanila, at iyon na ang sign na wala na silang gustong iboto pa. Sa huli ay sila Janiez at Daisy lang ang nag laban, muntik pa silang mag tie ngunit mas lamang ng 3 vote si Janiez, kaya naman siya ang naging president namin.

Ilang minuto rin silang nag elect ng officers, gusto ko sana maging officer but too bad, wala naman akong kilala rito sa classroom so baka wala ring mag vote and napagisipan ko rin na ayoko magkaroon ng responsiilidad kaya huwag na lang.

After nilang mag elect ay sakto namang dumating na ang teacher namin, nakatulala ako dahil sa antok nang bigla akong tawagin ng teacher ko.

"Shai nakuha mo ba yung papers?" tanong ni Ma'am Syn kaya naman parang nagising bigla ang diwa ko.

"Ay opo Ma'am, naroon po sa table yung papers" sagot ko at nag focus na kay Ma'am dahil baka wala akong maintindihan sa ile-lesson niya.


Ilang oras na ang nakakalipas at last subject na namin ito bago ang recess, gustong gusto ko na lumabas dahil nabobored na 'ko rito, antok na antok na rin dahil ang aga ko nagising kaninang umaga at dumagdag pa yung lamig sa classroom namin, ang dami pang kinukuwento nung teacher ko ugh! after ilang minutes ay finally nag dismiss na siya! 

Agad kong inayos ang gamit ko at kinuha ang wallet ko para bumili sa cafeteria, sinama ko si Ellyn dahil kami ang magkakilala sa classrooms at kaklase niya naman dati sina Rea. Dumaan ako sa building nila Ellie para isama siya sa cafeteria, hindi na namin dinaanan sina Ann dahil panigurado naman ay nasa cafeteria na sila, at nang makarating kami sa cafeteria ay andun na nga sila, nakaupo sa isang table at mukhang iniintay kami.

"Ayun sina Shai oh!" rinig kong sabi ni Ezekiel at tinuro pa kami.

"Bunganga mo teh, abot hanggang labas ng cafeteria ampotek"  sambit ko nang makaupo na kami sa table nila.

"Oh asan si Sofia tsaka si Sei?" tanong ni Ellie at nag palinga-linga siya upang hanapin sina Sofia.

"Nabili na" maikling sagot ni Rea kay Ellie, at ilang minuto pa ay dumating na sina Sei, may dala-dalang pagkain.

Umupo si Sofia sa tabi ni Nics at katabi naman ni Nics si Ann na nasa tabi ni Ezekiel at sumunod kay Ezekiel si Ellie na nasa kaliwa ko at ang nasa kanan ko naman ay si Sei at katabi niya si Rea, katabi naman ni Rea si Ellyn. Nag simula na umingay ang paligid namin dahil nagsisibabaan na ang mga students, habang nakain ay nag k-kwentuhan sila, hindi ko alam paano nila naiintindihan ang isa't isa dahil nga maingay na ang paligid.

"Oy tara gala mamaya" pag-aaya ni Ezekiel saamin.

"May class pa 'ko after, pero kung gusto niyo mauna na kayo, susunod nalang ako" sambit ko dahil parang nakaka guilty naman kung ako pa ang magiging rason ng hindi natuloy na gala namin.

"Puro ka talaga gala Kiel, wala na, yung isang linggo kong baon pang isang araw lang sayo eh!" sambit ni Ann, at natawa naman kami sa sinabi niya.

"Daming sinasabi Ann, sasama ka rin naman, anyways saan tayo mamaya?" pag putol ko sa pag aaway nila.

"Fort Santiago? para maiba naman, uwi nalang muna kayo saglit para mag palit" sambit ni Ellie.

"Go lang, kahit saan" sambit ni Ezekiel.

"Sabay kami sayo Kiel, ang layo eh, nakakatamad mag drive" sambit ni Nicole at agad namang napalingon si Ezekiel.

"Kami rin Kiel" pag dagdag ni Ellie.

"Kakapal niyo talaga, sige na nga basta huwag kayong mabagal kumilos" sambit ni Ezekiel at napa-irap sila Ann.

"Sasama ka?" bulong ko kay Sei.

"Oo, malamang beh" mataray niyang sagot

Ano kayang problema nito, bakit ang sungit hayzt..

 "Sabay tayo" aya ko sakaniya.

"Pag isipan ko" maikling sagot niya sakin at kasabay nun ang pag tunog ng bell, sign na tapos na ang breaktime namin.

Habang paakyat kami ay kinausap ko si Ellyn.

"Sasama ka mamaya?" tanong ko sakaniya.

"Depende, baka may puntahan ako eh" sagot niya sakin at tinanguan ko nalang siya.

Makalipas ang ilang oras ay malapit na kami nag dismiss, hindi naman ako cleaners kaya naman bumaba na ako nang sabihin ni ma'am na maari na bumaba ang mga hindi cleaners. Dumiretsyo ako sa room nila Ellie at inintay si Ellie, hang nag iintay ay nakita kong lumabas na sila Sei kaya naman pinuntahan ko siya.

"Pst, sasabay ka ba?" tanong ko sakaniya.

"Ewan, depende kay Rea" sagot niya, hindi ko alam kung anong meron dito at masungit na naman.

"Ah sige" sagot ko sakaniya at bumalik na sa room nila Ellie, nakita ko namang nag dismiss na sila at lumabas na si Ellie.

"Uy mamaya ichat niyo nalang kung saan kayo dun, susunod ako after research namin" sambit ko pagkalabas niya.

"Oo, ay nga pala baka raw hindi makasama si Sei, tinatamad daw siya eh" sambit niya at medyo nagulat ako.

"Eh?" ayun nalang ang nasabi ko at nanahimik na 'ko, pag tapos ko siyang ihatid kina Nics ay nag paalam na 'ko dahil mag l-lunch pa ako at may research pa kami.

Agad akong pumunta sa gymnasium dahil doon naman kami usually nag l-lunch, kasama ko si Ellyn at nakaupo kami sa may stage. Nag kwentuhan lang kami at nang mag time na ay pumunta na kami sa Science Lab dahil doon kami nag r-research. Ilang oras lang ay natapos na rin ang research namin, wala naman akong masiyadong ginawa at hindi rin ako masyandon nakinig dahil inaantok ako.

Lumabas na agad ako sa Lab at dumiretsyo ng library para mag sauli ng libro, matapos kong maisauli ang libro ay umupo muna ako sa upuan ng library at chinat ko si Ellie.

To: Ellie

"tapos na klase namin, saan magkikita?"

From: Ellie

"andito kami sa cafe na malapit sa simbahan"

To: Ellie

"ah sige, susunod na 'ko"

From: Ellie

"nga pala, nariyan si Sei, nasa library, sayo raw siya sasabay"

Nagulat ako sa chat ni Ellie at agad akong lumingon sa mga gilid ko nang may kumalabit sakin, si Sei.

"Ano? Tara na, ang tagal mo" sambit niya at napatingin na lang ako sakaniya.

:)

First of EverythingWhere stories live. Discover now