Chapter 1

30 1 0
                                    


"Jea!" sigaw ng kaibigan kong si ann. Narito kami sa school dahil tinitingnan namin kung ano ang section namin, orientation na rin namin ngayon kaya narito kami.

"Ano na naman yun ann?" sumagot ako sa tawag ng kaibigan ko, agad naman siyang lumapit saakin, kasama pala niya ang iba naming kaibigan. Si nicole, ellie at ezekiel ang kasama niya. 

"Anong section mo?" tanong ni nicole saakin.

"Aquamarine" sagot ko sakaniya at mukhang na dismaya sila, mukhang walang mag kakasama saamin sa isang section ah.

"Ano ba yan! Bakit hiwa-hiwalay tayo!" reklamo ni ann, tinawanan ko nalang sila. 


Nag paalam ako na pupunta na ako sa classroom namin dahil mag sisimula na rin ang orientation, tiningnan ko ang mga kaklase ko, walang pamilyar na mukha saakin, hindi ko sila kilala lahat, maliban kay ellyn, si ellyn ang kasama ko mag take ng test noong nakaraan, nakapasa rin pala siya.


Nasa likod ako ng classroom, naka upo at nakikinig. "So ayun lang naman po ang mga reminders, see you sa monday class." pamamaalam ng prof namin. Tumayo na 'ko at bumaba, wala naman akong kasamang magulang dahil nasa laguna sila at narito ako sa manila, naka condo ako para hindi hassle sa commute, para na rin maka tipid.


Hinahanap ko sila ann ngunit di pa ata tapos ang orientation nila kaya pumunta muna ako kay ellie, hinahanap niya ang kapatid nyang si sofia. tinulungan ko nalang siya hanapin ngunit hindi talaga namin mahanap kaya inaya ko nalang siya bumili sa labas ng campus, maraming tao sa labas dahil marami na rin naman ang tapos sa orientation, habang bumibili kami ni ellie ay may tumawag saakin. 


"Shaiah!" agad ko itong nilingon at nakita ko yung kapatid ni ellie, si sofia, may kasama siyang babae, pamilyar siya saakin, nag kita na ata kami sa ibang lugar. Tinapik ko si ellie para sabihing andun ang kapatid niya sa isang tindahan, ngumiti nalang ako sakanila nung lingunin ko sila ulit. Papasok na sana kami sa campus ngunit biglang umulan, wala pa naman kaming dalang payong, si nicole lang ang may payong saamin at nasa loob pa sila nila ezekiel tsaka ni ann.

"Ang tagal naman tumila, nababasa na 'ko" bulong ko sa sarili ko dahil mga 10 minutes na kami rito. Nung nainip na 'ko ay sumugod na lang ako sa ulan kahit maraming tao, sinabihan ko si ellie na dun muna siya at hahanapin ko sila nicole para may payong kami. Habang papasok ako ng campus ay nakita ko si sofia at yung babaeng kasama niya kanina, binigay nung babae ang jacket niya kay sofia kaya naman nababasa na rin siya, napatingin ako sa hoodie ko, hinubad ko ito dahil naka t-shirt naman ako sa loob, dumaan ako sakanila at ibinigay kay sofia yung hoodie ko.

"Oh, nababasa na yung kasama mo eh" sambit ko kay sofia at tinanggap naman niya yung hoodie at ibinigay dun sa kasama niya, mukhang nagulat pa ito ngunit ngumiti nalang din sakin, tinanguan ko nalang sila at pumasok na sa campus dahil palakas na ang ulan.

Pumunta na ako sa room nila nicole, magkakatabi lang naman sila ng room nila ezekiel at ann. Hinintay ko na sila habang pinupunasan ko ang mukha ko dahil medyo nabasa ako ng ulan, matapos ang ilang minuto ay lumabas na rin sila nicole, finally. 

"Pahiram payong ezekiel, susunduin ko si ellie sa labas" nang hiram ako ng payong sakaniya dahil may dala rin siya.

"Luh, ayaw ko nga, mababasa ako" reklamo niya pa, ang sabi ko na lamang ay naka hoodie naman siya, kaya naman wala siyang choice kundi ibigay sakin ang payong niya.

Pinuntahan na namin si ellies sa labas ng campus, si nicole at ann ang magkahati sa payong ni nicole, habang kami naman ni ellie ang magka share, si ezekiel ay naka hoodie, nakasilong naman siya saamin ni ellie ngunit hindi kami tottally kasya dail nga 3 kami kaya kalahati lang ng body ni ezekiel ang nakasilong.

Bago umuwi ay napag desisyunan naming kumain muna dahil tanghali na rin, dahil tinatamad sila mag lakad ay sinabi nila saakin na mag kotse nalang daw kami, dala ko naman ang kotse ko, kasya naman siguro kami.

"Shai mag kotse nalang tayoo!" pamimilit saakin ni nicole, tamad talaga mag lakad 'tong mga 'to, pumayag nalang ako dahil naulan din naman, mahirap mag lakad lalo na't dalawa lang ang payong namin, mababasa sila. Si ezekiel ang pinag drive ko dahil tinatamad ako.

"Pa connect sa bluetooth shai" inabot saakin ni ann ang phone niya, agad ko naman inopen ang bluetooth at hinanap sa cellphone niya ang device ko, nang matapos kong iconnect ang cellphone niya ay nag patugtog siya ng bini. Nakinig nalang ako sa kanta at ipinikit saglit ang mata dahil traffic, sinilip ko sila sa likod at mukhang tahimik sila.

Andito kami sa Wendy's dahil ito ang pinaka malapit na kainan, kasama nga pala namin ang kapatid ni ellie at kasama naman ng kapatid niya yung babae kanina, suot suot niya pa rin ang hoodie ko dahil nga wala silang payong.


"Ako na oorder, anong sainyo?" tinanong ko sila kung anong order nila at ako na ang oorder dahil mukhang napagod sila kahit nakaupo lang naman sila kanina. 


"Samahan na kita shai" sambit ni ann, bumaba na kami para umorder, hinintay nalang namin ni ann ang order namin sa baba dahil ang hassle naman kung aakyat pa kami. Haban nag hihintay kami ay biglang nag tanong si ann. 


"Hoy shai, bakit suot ni seiki hoodie mo?" tanong nito saakin habang nakataas ang kilay, medyo nag taka pa 'ko kung sino yung seiki pero na gets ko rin naman agad, yung kasama pala ni sofia ang tinutukoy nya.


"Ah, pinahiram ko kasi nakita ko sila ni sofia kaninang naulan, kawawa naman dahil nababasa na siya" sabi ko sakaniya, ma-issue kasi 'tong si ann eh, ang sarap batukan.


Mga 10 minutes kaming nag hintay dahil maraming tao, nag k-kwentuhan kami ni ann nang biglang tinawag ang number namin dahil okay na yung order namin. tinulungan ko siya dahil dalawang tray iyon. 


"Oh, tingnan niyo nalang kung ano yung order niyo riyan" sabi ko sakanila pag tapos ko ilagay yung tray sa mesa. Habang kumakain kami ay nag c-chikahan din kami, mga ganap sa buhay namin nung bakasyon.

"Yaman talaga nito si ezekiel, puro gala amp" na iinggit na sabi ni ellie.

"Baliw, ayan mayaman oh, si shai, beach ba naman kada month" dinamay pa 'ko nitong si ezekiel. Inirapan ko nalang siya at tinawanan niya ako.

Tahimik lang sila sofia sa gilid, mapayapang nakain kaya tumahimik nalang din ako, nasagot lang ako pag sinasama nila ako sa usapan, sila naman ang laging nag b-bardagulan, sila ezekiel at ellie ang madalas mag kulitan.

Habang payapa akong nakain sa gilid, siniko ako bigla ni nicole at tinanong kung bakit suot ni seiki ang hoodie ko, ano ba naman 'tong mga tao na 'to. Sinabi ko sakanya kung anong sinabi ko kay ann, parehas talaga mag isip 'tong dalawa.


Tapos na ako kumain at nakain pa rin sila ezekiel, kulitan kasi nang kulitan, 'di pa tuloy tapos. Habang nakain sila ay nag check ako ng phone, nag scroll lang ako sa instagram saglit, naputol ang pag tatalo nila ezekiel at ellie nung nag salita ako. 

"Ang kulit niyo, kumain na kayo para makaalis na tayo, baka umulan na naman" sambit ko dahil ayaw nila matigil, maya maya ay natapos na rin sila, kung hindi pa susuwayin eh.

"Saan kayo pag tapos?" tanong ni ann samin. 

"Ewan ko pa" sagot ni nicole sakaniya.

"Pupunta akong mall, bibili akong school supplies" sagot ko sakaniya.

"Baka pumunta kami ni sofia sa national bookstore, bibili rin ng school supplies" sagot naman ni ellie. "Ikaw ezekiel? Ano ganap mo?" tanong ni ellie kay kiel. 

"Ah, ewan ko nga eh, sama nalang ako sainyo" sagot ni ezekiel.

Nag kwentuhan kami pababa, napansin ko na tahimik si seiki, yung kasama ni sofia. Tinanong ko si sofia habang wala yung seiki dahil nag cr saglit. 

"Sofia" tawag ko sakaniya, magkalapit lang naman kami kaya hindi ito narinig nila ellie.

"Oh bakit shai?" sagot nito saakin. "Okay lang ba yung kaibigan mo?" tanong ko sakaniya. Napakunot pa ang noo niya saglit. "Oo, okay lang yan, tahimik lang talaga si sei pag hindi niya close" sagot niya saakin, tumango nalang ako at nag lakad papuntang parking, bumalik naman na kasi si sei, nag insist ako na sumabay nila sakin kasi nga baka umulan na naman.

"Sasama ba kayo nics?" tanong ko sakanila bago ako pumasok sa kotse, tumango sila at sinabing wala naman daw silang gagawin kaya sasama nalang sila saamin. Ako na ang nag drive dahil tinatamad na raw si ezekiel.

Habang nag d-drive ako ay nag patugtog uli si ann dahil tahimik na naman sila, sila sofia at seiki nasa pinaka likod habang si ellie, ann at ezekiel ay nasa likod, nasa shot gun seat si nics dahil ayaw nya raw makigulo kila ellie pag nag b-bardagulan. Ang tagal namin makarating sa mall dahil traffic, sinasabayan ko nalang yung kanta dahil na b-bored na 'ko, si ellie at ann ay naidlip, si ezekiel naman ay nag c-cellphone, yung dalawa sa likod ay ewan kung anong ginagawa, si nics ay nakapikit na rin dito sa tabi ko.

After 30 minutes ay nakarating na rin kami sa mall, gosh the traffic is so bad here in manila talaga. 

"Mauna na kayo sa national bookstore, dadaan lang ako sa coffee shop" sabi ko sakanila dahil gusto ko mag kape at sila naman ay gusto na mamili ng school supplies.

"Sama kami ni sei, shai" paalam ni sofia, tinanguan lang s'ya ni ellie at hinintay ko nalang sila dahil nauna ako mag lakad ng kaunti. 

"Anong order niyo?" tanong ko sakanila para sabay sabay ko na io-order.


"Caramel Machiatto" sagot ni sei. Ang ganda pala ng boses n'ya.

"Iced americano" sagot ni sofia at tinanguan ko na lang s'ya, tumayo na ako para mag order.

"Hello, good afternoon ma'aam! what's your order po?" sabi nung babae sa counter.

"Isang spanish latte, caramel machiatto at iced americano" sabi ko sakaniya, hindi ko alam kung bakit parang natakot siya, seryoso ba 'ko masiyado? pagka bayad ko ay ngumiti nalang ako sakaniya.

"One caramel machiatto for sei!" sigaw nung nasa counter dahilan para tumayo si sei at kuhanin ang order niya sa counter. Sunod naman akong tinawag tsaka si sofia, kaya naman naabutan namin si sei dun. Pag tapos namin kuhanin ang mga inorder namin ay sumunod na kami kila ellie sa bookstore.

Nasa bookstore na kami at kumuha ako ng basket para mamili na, inuna ko ang mga ballpen, bumili ako ng isang box dahil lagi akong nawawalan ng ballpen noong last school year, sunod naman ang mga notebook, bumili nalang ako ng binder at isang normal na notebook, kulay purple dahil iyon ang gusto ko, wala naman na akong ibang binili dahil yung iba ay na order ko na online.

Hindi pa sila tapos mamili kaya naman nag tingin nalang ako ng mga libro, nakita ko si sei na nag titingin din, mahilig pala siya mag basa. Tiningnan ko yung libro ni Coleen Hoover, binasa ko lang nang kaunti at ibinalik din sa shelf dahil tapos na mamili sila nics. Sabay sabay na kaming nag bayad at umalis. 

"Tara arcade tayo! maaga pa naman!" aya ni ellie saamin, hindi naman ako tumanggi at pumayag naman ang iba, ang kaso ay may mga bitbit kami kaya naisipan kong ilagay muna ito sa sasakyan kaya nag paalam muna ako sakanila. Dala dala ko ang mga gamit nila papuntang parking, yung kay sei at sofia lang ang hindi dahil hindi naman nila inabot saakin, noong nasa parking na 'ko ay binuksan ko ang likod ng saksakyan at nilagay dun ang gamit namin, isasara ko pa lang sana ngunit nakita ko si sei sa tabi ko dala ang gamit nila ni sofia.


Naalala ko na siya, si sei yung nakaaway namin noong grade 6 kami, ngunit nagkapatawaran din naman, nag bago hitsura niya kaya hindi ko nakilala. 

"Oh, palagay raw sabi ni sofia" inabot niya saakin ang gamit nila sofia pag tapos ay tumalikod na at nag lakad pabalik sa arcade. Maldita pa rin siya, infairness. Sumunod na ako sakaniya papasok sa arcade.

:)

First of EverythingWhere stories live. Discover now