Habang nakaupo kami ay nag c-chikahan sila, binaba ko ang libro ko at nakipag kwentuhan sakanila, pinag k-kwentuhan namin ang mga ganap namin sa buhay at ang mga plano namin sa school.
"Huy teh, bakit andito kayong dalawa ni sei ha? date kayo 'no?" pang aasar ni rea saamin.
"Sumunod lang din yan si sei sakin, hindi kami sabay nag punta rito duh" sagot ko at tiningnan ako ni seiki, tinaasan ko siya ng kilay at inirapan niya ako.
Mga isang oras kaming nag stay sa cafe dahil napagod daw mag libot sila ann, pinaguusapan nila kung sasali ba sila sa mga club sa school, tinanong nila ako at ang sinagot ko ay baka sa sports club o kaya naman ay sa music club.
"Hoy gagi anong oras na pala, halika na, baka pagalitan na 'ko ni mommy" aya ni nicole saamin dahil malapit na mag 6 PM.
Nag agree naman sila ellie kaya naman tumayo na kami at lumabas na ng mall, dumiretsyo na kami sa parking at pumasok na sa sasakyan and as usual, sakin pa rin sasabay sila nics at sei kaya naman ang dami ko pang dinaanan bago ako makauwi. Gabi na nung makauwi ako sa condo kaya naman umorder nalang ako ng pagkain dahil tinatamad na ako mag luto.
Habang iniintay ko ang pagkain ay naligo ako dahil galing ako sa labas at ang lagkit ng katawan ko, nag blow dry lang ako ng buhok at itinali ko ito para hindi naka kalat sa mukha ko. After 30 minutes ay dumatin na yung pagkain ko, binuksan ko yung tv at nag hanap ng magandang movie, wala pa akong inintinding homework dahil nga first day palang. Habang kumakain ako at nanonood ng movie ay nag notif ang phone ko.From: seiki
"hi beh, miss u na"
Napakunot ang noo ko sa message niya.
To: seiki
"luh craulo"
From: seiki
"ge, wag ka na nga, ikaw na nga 'tong miss eh"
Natawa ako sa message niya kaya naman agad akong nag reply.
To: seiki
"missu rin, mamaya ka na teh nakain ako grr"
From: seiki
"ayts, okayed, eatwell"
Hineart ko ang last message niya at nag patuloy na sa pagkain. Pag tapos ko ay nag linis lang ako saglit ng condo at pinatay ko na ang tv, dumiretsyo ako sa kwarto ko at nag skincare na, nakababad ang mud mask sa mukha ko at humiga na ako sa kama, kinuha ko ang cellphone ko at minessage si sei.
To: seiki
"hi beh, tapos na 'ko kumain"
From: seiki
"infairness sa'yo ha, pati ba plato kinain mo? ang tagal mo teh"
To: seiki
"baliw, nag linis pa kasi ako ng condo"
From: seiki
"ay ganon"
"tara laro tayo codm"
To: seiki
"luh di ako masiyadong marunong niyan eh"
From: seiki
"tuturuan naman kita eh"
To: seiki
"k fine, ano ba pangalan mo sa codm?"
From: seiki
"ako nalang mag a-add sayo"
To: seiki
"ocakes"
"username : shaaiii'"Ilang minuto ang nakalipas nung nabigay ko sakaniya ang user ko ay may nag notif sa phone ko.
ishang sent a friend requestAgad ko namang inaccept yun at nag chat kay sei.
To: seiki
"turuan mo na 'ko"
From: seiki
"Tawag ka para mas madali kita maturuan tas mag share screen ka"Ginawa ko ang sinabi niya, nag lalaro na kami ngayon at tinuturuan niya ako.
"Itutok mo yung baril dun sa player gaga" iritadong sabi niya saakin, panay kasi sablay pag ako na ang nabaril sa kalaban.
"Nakakahilo naman kasi 'to!" reklamo ko sakaniya, totoo naman kasing nakakahilo dahil sobrang galaw at ang daming nangyayari.
"Ganiyan talaga, masanay ka na" sabi niya at halatang natatawa pa.
Mga isang oras din kaming nag laro, umayaw na 'ko dahil anong oras na rin, ir-ready ko pa yung mga dadalhin ko sa school bukas.
"Mag r-ready na 'ko ng dadalhin ko, patayin ko na ba yung call?" tanong ko sakaniya dahil nag lalaro pa siya.
"Wag muna, mamaya nalang pag tapos mo mag ready" sagot niya, naka focus pa siya sa nilalaro niya.
"Ih, k fine" sabi ko sakaniya sabay irap. Inayos ko lang ang ipad ko para makita niya ako habang nag aayos.
"Sipag mag ayos ah" narinig kong sabi niya at naka ngiti pa.
"Duh, kailangan yan" mahinang sigaw ko sakaniya dahil ang layo nung ipad saakin.
Tumawa lang siya at pinanood akong mag ayos ng gamit. Mga 10 minutes akong nag ayos at pag tapos nun ay humiga na 'ko, kinuha ko ang ipad ko at nag paalam na kay seiki.
"Patayin ko na yung tawag, matutulog na kasi ako" sabi ko sakaniya habang nakahiga at hawak ang ipad.
"Okay, sleep well teh" sabi niya at nakita kong humiga na rin siya sa kama.
"Sleep well din sayo" sabi ko at akmang papatayin na ang call nunit natigilan ako nung nag flying kiss siya sa camera.
what the heck? ano ba naman 'tong si sei, nakakabaliwNagulat ako at bigla kong napatay yung call dahil nag init ang mukha ko, nag paalam nalang ako sakaniya sa chat at natulog na dahil baka kung ano pang mangyari saakin.
Nagising ako sa alarm ko kaya bumangon na 'ko at naligo, pag tapos ko maligo ay nag blower ako at hinayaang nakalugay ang buhok ko dahil tinatamad ako mag ayos ng buhok. Nag b-breakfast ako at minessage ko sila nics.
---- tatlong ewan----
: sasabay ba kayo?
nics: hindi, andito naman na car ko hehe
ann: same, binalik na ni daddy kahapon
:okays
Nag patuloy lang ako sa pagkain at pag tapos ko ay nag ayos na ako at hindi ko dala ang blazer ko ngayon dahil naka cardigan ako, pinayagan naman kami nung teacher namin na huwag na mag blazer. Pag tapos ko mag ayos ay bumaba na 'ko sa condo, may dala pa akong paper bag dahil nga may pinapadala saamin yung teacher namin.
5:30 AM na nung makarating ako sa school, nakita ko sa waiting shed sila ellie, dun sila nakatambay kaya naman pinuntahan ko sila. Hinug ako ni ellie noong nakita niya ako kaya hinug ko siya pabalik, nakita kong nakatingin samin si sei kaya nilapitan ko siya at hinug din kahit nakaupo siya.
"Wait lang, iaakyat ko lang gamit ko" paalam ko sakanila at tumango naman sila.
Nag lakad na ako sa papunta sa room namin at inilapag ko ang gamit ko sa seat ko, pag tapos ay bumaba ulit ako dahil iniintay ako nila ellie.
"Oh asan si nics at ann?" tanong ko sakanila nang mapansin kong wala sila ann.
"As usual, late yan syempre, maaga lang naman yun mga yun pag ikaw kasabay hahaha!" sagot ni ezekiel, natawa nalang ako sa sinabi niya dahil totoo yun.
Nag kwentuhan lang kami hanggang mag ring ang bell, umakyat na ulit ako sa room namin at nag cellphone dahil wala pa namang teacher, na bored ako kaya chinat ko si sei.
To: seiki
"hi, nakakabored dito, wala pa yung teacher lol"
Nagulat ako nung makita ko siyang nag t-type, akala ko ay nag umpisa na ang klase nila.
From: seiki
"samedt, ang tagal nung teacher kairita"
Natawa ako sa message niya, napaka ikli talaga ng pasensya niya.
To: seiki
"whatever, here na yung teacher namin babye, goodluck"
From: seiki
"goodluck din"
Hineart ko yung message niya bago ko itago ang phone sa bag ko, nag simula na ang klase namin at sa pangatlong subject namin ay mayroong group project, may kani-kanila silang group at as a walang friend sa room ay lumapit ako kay ellyn dahil siya ang medyo close ko.
"Hi ellynnn, sino ka group mo? wala akong mahanap gagi, lahat sila may mga sariling mundo" sabi ko kay ellyn.
"Wala pa nga eh! gusto mo tayo nalang magka group?" tanong niya saakin.
"Sige, kaso kulang pa tayo, need pa natin ng isa" sabi ko nung naalala kong kailangan pala ay tatlo kami sa grupo.
"Siya nalang kaya?" turo niya sa katabi niya, si lorein.
"Ikaw mag tanon gagi, nahihiya ako hehe" sabi ko sakaniya dahil nakakahiyang kumausap ng ibang tao.
Nilapitan ito ni ellyn at inaya.
"Hi lorein, may ka group ka na ba?" sabi ni ellyn at para bang close sila, sabagay, lahat naman kaibigan ni ellyn.
"Uy ellyn, wala pa nga eh! pwede bang sainyo nalang ako?" sabi ni lorein at agad namang pumayag si ellyn, siya ang naging leader namin dahil indecisive kaming lahat.
Nag pagawa lang si maam saamin ng script for a roleplay, medyo naging madali saamin dahil lahat kami ay nag babasa ng libro at nakatulong iyon saamin para maka isip ng mga words na ilalagay dun sa script. Pag tapos ng subject na yun ay breaktime na namin, naisipan kong mag library.
---anim na nilalang sa earth---
:di muna ako sasama sainyo, may tatapusin lang ako.
Sineen nila iyon at hineart, dumiretsyo na 'ko sa library at nag hanap ng libro na pwedeng basahin. Nag lakad lakad ako sa mga shelfs, nag babaka-sakaling maka kita ng libro na pwedeng basahin, at di nag tagal ay may nakita akong libro na gusto kong basahin, pumunta ako sa shelf nito pero nasa pinakataas siya kaya ang hirap abutin, tumalon ako at kinuha yung libro... ngunit dahil sa lakas ng talon o ay na out of balance ako pag baba at kung minamalas ka nga naman, nasa likod ko si sei kaya nadali ko siya at natumba kami parehas.
Tumayo ako agad dahil nahiya ako sakaniya, mag lalakad na sana ako papalayo ngunit hinila niya ang palapulsuhan ko kaya naman muntik ko na siyang mahalikan, tumingin siya sa mata ko at ewan ko ba kung ano ang meron sakin at nilabanan ko pa ang titig niya.
oh gosh, ang ganda ng mata niya, hulog na talaga ako..:)
YOU ARE READING
First of Everything
JugendliteraturJeanna and Seiki. Two peoples, fell inlove without unexpectedly, they became each other solace's.