Chapter 2

21 1 0
                                    


"Oh ayan na si shai tsaka si sei, halika na! mag papalit na tayo ng money!" aya agad nila nics, nag papalit sila dun sa may counter, ako naman ay card nalang ang binayaran, para sulit na rin.

Nauna na sila ellie dahil na e-excite na raw sila, sabagay, kahit ako ay na miss 'to, ilang taon na rin kasi nung nag ganito ako. Sa basketball area ako agad dumiretsyo, ayun lang naman kasi ang nilalaro ko, nakakapikon naman kasi yung mga stuff toys kaya rito nalang ako.

Hinintay ko lang matapos yung nag lalaro at nag laro na rin ako, na s-shoot ko naman ito kaya patuloy ko lang nilaro, natigil lang ako nung nahagip ng peripheral view ko sila sofia, nag iintay na may matapos.

"Lalaro kayo?" tanong ko sakanila at tumango naman si sofia saakin. "Oh, dito na kayo, tapos na rin naman ako" ngumiti saakin sila sofia at tinanguan ko nalang din sila. Hinanap ko na sila ellie at nakita kong nasa karaoke room sila, kumatok ako para pumasok, binuksan namin nila ito. Ang gulo nila jusko, si nics ay nasa gilid lang tahimik habang yung tatlo ay nag wawala na parang ewan. Tinabihan ko si nicole sa gilid, alam kong hindi niya kayang makipagsabayan sa energy nila ellie dahil hindi naman talaga masiyadong makulit si nics.

Nang matapos na sila ay nag aya na 'ko umuwi, pagod na 'ko, pumayag naman sila dahil naubos ang energy nila, 30 minutes ba naman silang nag b-bardagulan eh. Hinanap namin sila sofia dahil hindi namin sila sumunod dun sa may karaoke room, nag message si sofia kay ellie at sabi niya ay nasa miniso raw sila, pinuntahan namin sila doon at nakitang nag titingin sila ng plushies. Habang iniintay namin sila ay nag tingin ako ng plushies, may nakita akong duck plushie, ang cute, kinuha ko ito at dumiretsyo sa counter para mag bayad.

"Oy, mahilig ka pala sa ganiyan shai" sabi ni ezekiel saakin, actually hindi naman talaga ako mahilig sa ganito, ang cute lang nung plushie kaya binili ko.

"Halika na, dami mong napapansin ezekiel eh" sabi ko nalang dahil nakita kong tapos naman na rin sila sofia. Sakin uli sila sumabay at hinatid ko nalang sila sa kani-kanila nilang bahay, una ko nang hinatid si ann dahil siya ang may pinaka malapit na dorm, sunod naman si ezekiel dahil magkalapit lang sila ng dorm ni ann, sunod ay si seiki, malayo siya kila anne pero sinunod ko na siya dahil hindi ko naman alam ang bahay nito at nariyan si sofia para ituro saakin, sunod naman si nics at huli sila ellie at sofia.

6 PM na 'ko nakauwi dahil traffic, inayos ko lang ang mga binili ko sa bookstore kanina, nilagay ko na sa bag at yung plushie naman ay idinisplay ko sa taas ng book shelf ko kasama ang mga iilan kong picture frames.

Nag shower ako bago humiga dahil galing nga ako sa labas, tinamad na 'ko mag dinner kaya hindi na 'ko nag luto. Pumasok ako sa kwarto ko at nag check ng cellphone, nakita kong nag friend request si sei, inaccept ko naman ito at pumunta sa messenger dahil nag chat si mama.

From: Mama

"Kailan start ng pasok niyo?" 

Akala ko naman ay kung ano na.


To: Mama 

"Sa monday po ma"

From: Mama

"Sige, ayusin mo pag aaral mo ha"

To: Mama 

"Opo"


Pag tapos nun ay nakita kong nag message si seiki. Agad ko namang nireplyan ito. 


From: seiki

"May ginagawa ka ba? usap tayo"

Napa kunot ang noo ko dahil hindi ko inaasahang ganiyan ang message niya.

To: seiki

"Hello sei, wala naman akong ginagawa, why?"

From: seiki 

"usap tayo"


To: seiki

"sure, ano ba iyon?"

From: seiki 

"secret, kiss muna"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, trip ba 'ko nito? sabayan ko na nga lang


To: seiki

"luh, mwamwa"
"ang harot mo, unang chat ganiyan agad"

Tinawanan niya lang ang last message ko at hineart naman niya yung isa. Nag usap kami hanggang 10 PM, kung ano-ano lang ang pinag-uusapan namin, infairness, komportable ako sakaniya. 

From: seiki

"night, tutulog na 'ko"

To: seiki 

"night sei, sleep well"

Hineart niya ang message ko. Wala akong magawa kaya naman nag pahangin nalang ako sa roof top ng condo ko, fav spot ko kasi ito. Naka tulala lang ako rito, nag dala lang ako ng isang beer dahil ang boring kung tutulala lang ako rito. Pinagmamasdan ko ang city lights mula sa roof top, napaka ganda. Tumingin ako sa cellphone ko kung anong oras na, 1 AM na rin pala, bumaba na 'ko at nag hilamos, nag skin care na rin tsaka natulog.


 Maaga akong nagising dahil nasanay ang katawan ko noong may pasok. Chineck ko ang ref ko at nakitang wala itong laman, maaga pa naman kaya bumaba ako sa may condo ko para mag grocery saglit, naka sweat pants at hoodie lang ako dahil nga kakagising ko lang, kumuha lang ako ng mga kailangan ko sa condo at umakyat na rin ako pag tapos ko mag bayad.

Nag luto ako ng breakfast ko at binuksan ko ang TV para manood saglit, habang nag hahanap ako ng papanoorin ay narinig ko ang phone kong nag notif, nag chat pala si sei.

From: seiki

"morning, ano ganap mo today?"

To: seiki 

"hello sei, morning, wala naman"

Nireplyan ko lang siya at nilapag ko na ang cellphone ko, nag simula na 'kong kumain at manood, nung matapos ako ay hinugasan ko na ang pinagkainan ko at nag linis na ako ng condo. Tiningnan ko ang phone ko pag tapos ko mag linis ng condo, nag chat na naman si sei.

From: seiki 

"ah, okay"
"eh bukas may gagawin ka?"
"di na nag reply amp"

Natawa ako sa last message niya kaya naman nireplyan ko na siya.

To: seiki

"slr sei, kumain ako"
"wala naman akong gagawin, why?"

Nag seen naman agad siya at inintay ko nalang siyang mag reply.

From: seiki

"tara laro, badminton"

Napaisip ako bago mag reply, matagal tagal na rin noong huli akong nakapag laro nun.

To: seiki

"okay, kanino bang raketa tsaka anong oras?"

From: seiki

"wala kang raketa? hiram ka nalang baka may kakilala kang merong badminton hehe"
"mga 3 PM"

Napairap na lang ako dahil kung makapag aya siya mag badminton, wala naman palang raketa.

To: seiki 

"sige, dun nalang tayo sa park mag kita"

Hineart niya lang yun, the audacity na ilast chat ako ha?

Wala akong magawa kaya naman nag shower na 'ko, pag tapos ko ay nag bihis lang ako ng shorts tsaka tank top, wala rin naman akong balak umalis. Tiningnan ko ang oras at 10 AM palang, naisipan kong imessage sila ellie kung pwede sila bukas, may gc naman kami kaya dun nalang ako nag chat.

'anim na nilalang sa earth'

Wala silang maisip na name kaya naman ayun nalang ang ipinangalan sa group chat. Anim dahil may isa pa kaming kaibigan, si Ria, ngunit hindi na namin siya masiyadong nakakasama dahil lumipat siya ng school.

"free kayo tom?" message ko sakanila. Agad naman silang nag seen.

Nicole: hindi huhu, sorry pero may fam gathering kami eh.

First of EverythingWhere stories live. Discover now