"Uy, akala ko hindi ka sasama? sabi ni Ellie.." nagtataka kong tanong sakaniya.
"Ayaw mo ba? Sige wag na" sabi niya at akmang aalis ngunit pinigilan ko siya at hinawakan ang pulso niya.
"Hindi, tara na" naka ngiti kong sabi sakaniya at hinawakan ang kamay niya upang lumabas na kami sa library.
"Bakit ang sungit sungit mo kanina?" tanong ko sakaniya habang nasa biyahe kami papunta sa condo niya para makapagpalit siya.
"Wala, basta" malamig niyang sagot, naramadaman kong hindi siya komportable sa tinanong ko kaya naman iniwasan ko na yung topic na yun.
Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa condo niya, pinaakyat niya ako dahil mag papalit din ako, may damit naman ako na dala kaya makikigamit nalang ako ng restroom.
"Oh dito ka na sa guest room, iwan mo gamit mo kung gusto mo" sabi niya at binuksan ang guest room at pag tapos ay pumasok siya sa kwarto niya upang mag palit.
Pumasok na 'ko at nag palit na, nakasuot ako ng black long dress at pinatungan ko lang ng white cardigan, naka sneakers lang ako dahil nakakatamad mag suot ng may heels lalo na't puro lakad ang gagawin namin. Nag ayos ako ng kaunti dahil nahulas na ako kanina sa school at lumabas na rin ako pag tapos.
Nang lumabas ako ay wala pa si Seiki kaya naman umupo muna ako at nag cellphone, iniwan ko na ang gamit ko rito at babalikan ko nalang mamaya pag uwi tutal sabay naman kami ni sei, minessage ko si Ellie at tinanong kung asan sila.
To: Ellie
"asan kayo? paalis na kami ni sei, nag aayos lang siya saglit"
From: Ellie
"nasa Mercato Centrale"
"dala pala kayo blanket, picnic daw"
To:
"sige, tanong ko kay sei"
Tatayo at pupunta na sana ako sa kwarto ni Seiki ngunit nagulat ako ng lumitaw siya sa likod ko.
"Ay gago" gulat kong sabi at tinaasan niya ako ng kilay. "Bakit kasi bigla kang nalitaw diyan?" tanong ko sakaniya at natawa siya.
"Para ka namang nakakita ng multo beh" natatawang sabi niya.
"Whatever, dala ka raw blanket teh sabi nila Ellie" mataray kong sabi sakaniya"Para saan?" nag tataka niyang tanong.
"Mag p-picnic daw eh" maikli kong sagot at tinanguan niya ako at kumuha ng kumot sa kwarto niya at ilang sandali ay lumabas na rin siya, umalis na rin kami pag tapos niya.
Hindi naman nag tagal ang biyahe dahil weekdays naman at wala gaanong tao. Nag park lang ako at minessage ko na si Ellie na papunta na kami sa Mercato.
To: Ellie
"otw na kami mercato"
From: Ellie
"sige, nandito kami sa dulong part"Habang nag lalakad kami ni Sei ay may nakita akong bilihan ng ice cream kaya inaya ko siya.
"Teh bili tayo" aya ko at tumango naman siya, nag lakad na kami papunta dun sa nag titinda at bumili kami ng dalawang ice cream.
Habang nililibot ni Sei ang tingin niya ay chineck ko ang phone ko at may notification ako.
From: Mama
"Ayus-ayusin mo pag aaral mo Jea ha, sinasabi ko sayo, baka puro ka gala, sayang pera kung ganiyan ginagawa mo"
Sana pala hindi ko na binuksan...
To: Mama
"Opo ma"
Ayun na lang ang naging tugon ko, at biglang natulala pero napukaw rin naman bigla ni Sei ang atensyon ko.
"Ayun si Sofia oh" turo ni Sei saakin nang makita niya si Sofia na nabili sa isang tindahan kaya naman pinuntahan namin sila.
"Uy ano yan, may pa ice cream kayo ah" bungad ni Sofia saamin, wala man lang kumusta eh pft.
"Gaga, napadaan lang kami ni Shai" explain ni Sei sakaniya.
"Sabay na kami saiyo" pag putol ko sakanila dahil alam kong mag c-chikahan pa 'tong dalawa.
"Tara, nandun sila eh" aya ni Sofia saamin at nag simula na kaming mag lakad, tahimik akong naglalakad habang yung dalawa naman ay nagk-kwentuhan.
Para akong third wheel ah??? charot, go lang basta 'wag lang yung isa makasama niya..
"Huy" tawag sakin ni Sei.
"Oh?" sagot ko sakaniya.
"Okay ka lang teh? tahimik mo" tanong niya saakin, nakakunot pa ang noo.
"Oo, bakit?" sagot ko sakaniya, natahimik lang ako dahil iniisip ko yung sinabi ni mama.
"Wala, di ako sanay, ingay ingay ng bunganga mo eh" mataray niyang sagot, aba?? pasmado bibig ah.
"Nyenyenye, mas maingay ka nga sakin" sagot ko sakaniya at inirapan siya.
Sa inis ni Sei ay nauna siyang mag lakad at hinatak pa si Sofia, hayst, 'tong babaeng to talaga jusko. Ilang minuto lang ay nakita na namin sina Ellie, nakaupo sa damuhan, nag babardagulan, as usual.
"Oh andito na pala yung dalawa eh" sambit ni Ezekiel na kakabalik lang dahil bumili ng pagkain.
"Yung kumot Shai?" tanong ni Ellie.
"Andun, nakay Sei, ikaw na kumuha" diretsyo kong sagot at tumabi kila Nics.
"Huy, mainit ata ulo mo teh?" sambit ni Ann nang umupo ako sa tabi nila.
"Ah hindi, iniisip ko lang yung research namin, hirap kasi" palusot ko at mukhang hindi sila na convince.Nilatag na nila Ellie yung blanket na dala namin, nakatabi lang ako kina Ann the whole time, nakikipagdaldalan ako nung una ngunit nanahimik ako bigla, hindi ko rin alam, naubos na ata nila ang social battery ko sa sobrang energetic nila, nadagdagan pa ng dalawang maingay rin though si Sei ay hindi rin masiyadong nakikipag daldalan.
"Bakit parang ang tahimik niyong dalawa ha?" bulong saakin ni Ellie nang magsimula akong manahimik. Ang bilis talagang makapansin nito.
"Huh?" wala sa sarili kong sagot.
"Kanina pa kasi kayo tahimik ni Sei, magkaaway ba kayo?" bulong muli ni Ellie at pag tapos non ay tiningnan ko si Sei, tahimik nga siya, pero mukhang masaya naman siya.
"Ah, hindi ah, iniisip ko lang yung research namin, nahihirapan kasi ako" sambit ko, kahit hindi naman talaga iyon ang iniisip ko.
"Tara, bike tayo, may nagpaparent dun oh!" aya ni Ezekiel at umagree naman ang lahat, niligpit lang namin ang mga ginamit namin at nilagay muna sa sasakyan bago nag punta dun sa may bike rentals.
"Ayoko sumama, di ako marunong mag bike gagi" sambit ni Nics, totoo namang hindi siya marunong mag bike, or any sport, sa academics talaga kasi siya nag e-excel.
"Ako rin, samahan ko nalang si Nics" isa pa 'tong si Ann, hindi rin gaanong marunong pag dating sa sports itong isang 'to.
"Oh ano tara na? by pair tayo!" sambit naman nitong si Ezekiel."Tanga, anong by pair, kita mong kulang tayo ng isa" binatukan ni Ellie si Ezekiel, itong dalawang 'to talaga, kahit kailan.
"May solo bike naman, ak-" sambit ko ngunit hinila ako ni Sei.
"Ano?" bulong ko sakaniya at sinamaan siya ng tingin.
"I-angkas mo 'ko gaga, 'di ako masyadong marunong" sambit nito at napa-irap naman ako.
"Ako nalang mag solo bike, kayo na bahala sa by pair niyo" sabi ni Ezekiel at nag rent na ng bike niya.
"Oh kaya niyo na yang dalawa ha?" sambit ni Ellie sabay tingin saamin at umalis na.
"Pinagsasabi non" nagtataka kong sambit kay Sei, at mukhang natatawa siya sa itsura ko.
Sumunod na kami kila Ellie at nag rent, nag libot lang kami around intramuros, habang nakasakay si Sei ay nagsalita siya.
"Bakit ang sungit mo, kanina pa" sambit niya, hindi ko alam kung sasagutin ko ba siya ng totoo o hindi.
"Ah, wala, may iniisip lang" safe kong sagot, alam kong hindi siya convinced at nag salita siya ulit.
"Ay ganon? kasama ba ako riyan sa iniisip mo?" biro niyang sambit, kahit kailan talag 'to.
"Baliw ka talaga" banat ko at natawa naman siya, natahimik na siya pag tapos nun.
Ilang minuto ay dumaan kami sa isang parte ng intramuros na parang walang tao, tahimik 'to, doon kami nag pahinga ni Sei dahil may upuan naman, nag t-take siya ng pictures at pinapanood ko lang siya.
Hindi ko alam pero ang gaan gaan ng pakiramdam ko ngayon, ibang iba sa kanina..
"Sei" pag putol ko sa katahimikan.
"Oh?" sagot niya, nasa pictures a rin ang atensyon.
"Thank you" sambit ko.
"Huh?" nag tataka niyang tanong.
"Thank you kako, kasi napasaya mo 'ko unlike kanina" pag papaliwanag ko sakaniya.
"Ah ayun ba, wala yun baliw ka" nakangiti niyang sagot.
Tuwing kasama kita o kausap kita ay parang nalilimutan ko ang mga problemang bumabagabag sakin, ano bang ginawa mo sakin Sei???:)
YOU ARE READING
First of Everything
Teen FictionJeanna and Seiki. Two peoples, fell inlove without unexpectedly, they became each other solace's.