Chapter 6

10 0 0
                                    


"Yung libro" sambit niya saakin sabay abot saakin nung libro.

"A-ay, oo nga pala, mauna na 'ko bye!" nauutal at nag mamadaling sabi ko dahil hiyang hiya na ako.

Dumiretsyo na 'ko sa room pag tapos ko mag library dahil time na, apat na subject pa ang natitira saamin, ngayon din pala mag sisimula ang research namin dahil nga pilot section kami. Sa ikatlong subject namin ay nakaramadam ako ng antok, ang lamig kasi tapos ang boring pa mag turo nung teacher, gosh!

Napapapikit na 'ko sa antok at buti nalang talaga ay nag ring na yung bell, niligpit ko yung gamit ko at lumabas na dahil hindi naman ako kasali sa cleaners. Pumunta agad ako sa research room namin para ilapag ang gamit ko, pag tapos ko dun ay pumunta na ako kayla ellie, nasa waiting shed sila ni ezekiel at seiki, iniintay nila sila ann, nics, rea at sofia.

"Oh asan gamit mo?" tanong ni ellie nung palapit na ako sakanila.

"Nasa research room, may research na kami lagi, 2 PM pa uwi ko gosh" sagot ko sakaniya at natawa siya dahil halatang hindi ko gusto ang oras ng uwi ko.

"So di ka sasabay ng uwi samin?" tanong ni ezekiel.

"Duh!" mataray na sagot ko sakaniya at inirapan siya at tinawanan niya lang ako, gosh nakakapikon siya!

Habang nag iintay ay lumapit ako kay sei, may tinitingnan siya sa bullet board kaya naman niyakap ko siya habang nakatalikod, nagulat pa siya nung humarap siya sakin.

"Luh? lover girl era mo na shai?" tanong ni ellie nang mapansin niya ang posisyon namin.

Agad akong napabitaw kay sei at nung tingnan ko siya ay masama ang tingin niya saakin. Nilapitan ko siya at binulungan.

"Sorry na, nahihiya kasi ako" sabi ko sakaniya at natawa naman siya at sinamaan ko siya ng tingin.

"Bakit naman?" tanong niya saakin at natatawa pa.

"Rare side ko yun eh, ikaw lang nakakakita" sagot ko at natawa na rin ako.

"Bakit ka nanahimik?" tanong ko sakaniya nang mapansing natahimik siya pag tapos ko sabihin na siya lang ang nakakakita ng ganoong side ko.

"Wala! nariyan na sila sofia oh" pag iiba niya sa usapan namin, natawa nalang ako sakaniya.

"Oh, mauuna na kami shai ha" paalam ni ellie saakin.

"Bakit? Anong mayroon?" tanong ni ann na kakarating lang din kasama si nics.

"Ah, ano kasi may research na kami mula ngayon so hanggang 2 PM ako rito sa school" sagot ko sakaniya at mukha namang nalungkot siya.

"Luh, ano ba yan, hindi ka namin kasabay umuwi!" reklamo ni ann, tinawanan ko nalang siya at snabing umuwi na sila dahil marami na ang tao mamaya dahil papasok na ang sumunod na grade level.

"Bye shai! Mag lunch ka ha, babye" paalam ni ellie at nakipag beso pa sakin, nag paalam na rin ako sakanila.

Babalik na sana ako sa research room pero may nakita akong nakaupo sa bench dun sa may puno. Si seiki, umalis pala siya noong dumating sila sofia at nics kanina, hindi ko napansin dahil nga nag uusap kami nila ann kanina.

"Oh, bakit hindi ka sumabay kayla sofia kanina? May iniintay ka pa ba?" sabay sabay kong tanong sakaniya.

"Pwede bang hinay hinay lang sa pag tatanong? gosh" pag rereklamo niya saakin, napairap ako sakaniya at inulit ang tanong ko pero inisa-isa ko ito.

"Gosh! So bakit nga hindi ka sumabay kayla sofia?" tanong ko muli sakaniya.

"May pupuntahan pa kasi sila, ayoko sumama, wala ako sa mood gumala"sabi niya at napairap pa.

"Oh, bakit hindi ka pa umuwi? May iniintay ka?" tanong ko ulit sakaniya.

"Meron" sagot niya saakin.

"Sino?" nag tatakang tanong ko dahil nakauwi naman na si rea.

"Ikaw" sagot niya saakin habang nakatingin sa mata ko.

jusko, ano ba tong babaeng to, hihimlay na 'ko rito

Inirapan ko nalang siya at inayan mag lunch dahil saglit lang ang lunch break namin. Sa cafeteria nalang kami kumain dahil nga saglit lang naman ang lunch break namin, hindi kakayanin ng oras ko kung sa labas pa kami kakain. Bumili lang kami ng sarili naming lunch at inumin. Humanap lang kami ng table at dun kami kumain.

"Bakit mo nga pala ako iintayin?" tanong ko sakaniya dahil ngayon lang nag sink in na hihintayin niya ako hanggang mamaya.

"Labas tayo after ng class mo?" aya niya, mukhang ayun din ang rason ng pag iintay niya saakin.

"Akala ko ba wala kang gana gumala?" tanong ko sakaniya.

"Ang dami mong tanong beh, pero wala kasi akong gana gumala kasama sila sofia" sagot niya saakin.

"Ahh okay, hintayin mo nalang ako sa library, pupunta ako dun, im-message naman kita after ng class ko." 

Nag kwentuhan lang kami hanggang sa mag ring ang bell, senyales na iyon na kailangan ko na bumalik sa research room.

"Papasok na 'ko, byee, hintayin mo ako sa library ha!" paalam ko sakaniya at tumakbo na papunta sa room.

Pag pasok ko ay nag aayos na yung iba ng gamit nila dahil kakatapos lang din nila mag lunch, maya maya lang ay dumating na ang teacher namin, tinuro niya saamin ang mga attitude ng mga researchers, nag take down notes lang kami at nag quiz pag tapos mag discuss.

Natapos na ang class namin kaya naman niligpit ko na ang gamit ko at pumunta na sa library, habang nag lalakad ako papunta ng library ay minessage ko na si sei.

To: seiki

"otw na me sa lib"

From: seiki

"okay, nasa pinakadulo akong table"

To: seiki

"okay"

Pag tapos nun ay nag patuloy na 'ko mag lakad papuntang library, kasama ko pala si ellyn habang nag lalakad, sumabay siya saakin dahil palabas din naman siya ng campus at malapt lang naman sa library yung gate ng campus. Nang makarating kami sa tapat ng library ay nag paalam na 'ko kay ellyn at minessage uit si seiki.

To: seiki

"here na me sa lib, puntahan na kita riyan"

From: seiki

"okay"

Hinanap ko siya at nakita ko naman siya sa may dulo, nakaupo siya at naka tungo sa may table. Tinabihan ko siya at nagulat naman siya kaya napagalitan siya nung librarian, tinawanan ko lang siya at inirapan naman niya ako.

"Oh ano? tara na?" aya niya saakin.

"Wait, may hahanapin lang akong book" sabi ko sakaniya at tumayo para hanapin yung kailangan kong libro para sa research namin.

Habang hinahanap ko yung libro ko ay naka sunod saakin si sei, medyo mabilis ang lakad ko kaya nahihirapan siya makahabol kaya naman hinawakan ko ang pulso niya at nag patuloy na lumakad. Ilang sandali lang ay nahanap ko na yung libro kaya naman dumiretsyo na kami sa desk ng librarian para mag fill out nung borrower's log.

Pag tapos nun ay lumabas na kami at dumiretsyo sa parking, sumakay kami at umalis na sa campus. Habang nasa biyahe ay naisipan kong itanong kung saan kami pupunta.

"Saan pala tayo pupunta?" tanong ko kay sei.

"Uh, sa National Museum kaya?" nagulat ako sa sinabi niya dahil hindi ko akalain na doon niya ako aayain.

"Pwede bang dumaan muna tayo ng condo? mag papalit lang ako" tanong ko sakaniya dahil hindi ako comfortable kung naka uniform ako na pupunta sa museum.

Tumango siya saakin at nag salita rin siya.

"Daan din tayo sa condo ko, mag papalit din ako" sabi niya at tinanguan ko siya.

Mabilis lang kaming nakarating sa condo niya, hinintay ko na lang siya sa sasakyan dahil mabilis lang naman daw siya at totoo nga sinabi niya, mga 10 minutes lang akong nag hintay at nakita ko na siyang lumabas ng lobby. Nakasuot siya ng black trouser at white top na pinatungan ng blue polo shirt.

"Naks, ganda ah" pang aasar ko sakaniya pag pasok niya sa sasakyan.

"Tse!" sabi niya at inirapan pa ako, tinawanan ko siya dahilan para mas maasar siya lalo.

Sa condo ko naman kami next dumiretsyo, pinaakyat ko siya sa condo ko dahil baka matagalan ako sa pag pili ng susuotin. Nakaupo siya ngayon sa sofa at pinagmamasdan ang paligid ng condo ko.

"Wait lang ha, mag bibihis lang ako, kuha ka lang ng inumin sa ref kung gusto mo" paalam ko  sakaniya at pumasok na sa kwarto para mag bihis, mabilis lang akong nakahanap ng isusuot kaya naman hindi siya matagal nag hintay.

Nakasuot ako ng white skirt na knee length at black tank top at pinatungan ko ng cardigan dahil ayaw ko nung masiyadong kita ang balikat ko, nag ayos lang din ako ng kaunti at nag sapatos na, naka sneakers lang ako para hindi ako mahirapan.

"Ganda natin ah" pang aasar ni sei pag labas ko ng kwarto ko, ginagantihan ako nito eh.

"Whatever! Tara na" aya ko sakaniya at tumayo naman na siya at sinundan na ako pababa hanggang sa makarating kami sa parking, sumakay na kami at pumunta na sa national museum.


Mabilis lang kaming nakarating at  wala gaanong tao dahil weekdays kaya naman maluwag at hindi na namin kailangan pang makipag siksikan. Pumasok na kami sa loob at pinagmasdan ang mga paintings dito.

Nag take kami ng pictures at videos dahil ang ganda ng mga paintings at structures dito, pinicturan ko rin si sei habang naka talikod siya saakin at naka harap sa isang painting, hindi niya alam na kinukuhaan ko siya ng picture kaya pag lingon niya saakin ay agad kong tinago ang phone ko para hindi niya malaman na pinicturan ko siya.

"Ang ganda" sambit niya pagkapasok namin sa isang room na punong puno ng paintings.

Nilibot namin ito at kinuhanan ng picture yung iba, halos dalawang oras din kami sa museum bago namin napagpasiyahan na lumabas na at kumain. Nasa cafe lang kami dahil hindi naman daw masiyadong gutom si sei, ang ganda ng view namin lalo na't palubog na ang araw, nakita ko sa peripheral view ko si seiki na kinukuhanan ako ng picture habang nakatingin ako sa sunset, hindi ko na lang siya pinansin pagkalingon ko sakaniya dahil maging ako naman ay pinicturan din siya kanina.

Habang nag uusap kami ay biglang kong naisip na mag bukas ng phone at mag story sa ig kung anong nangyari sa araw ko ngayon, dalawa ang inistory ko, isang picture ng sunset kanina at ang kasunod naman nun ay ang picture ni sei kanina habang nakaharap sa painting. Pag tapos nun ay nag usap na ulit kami at maya maya pa ay narinig kong nag notif ang phone ko.

seiki_xoxo mentioned you in a story.


:)

First of EverythingWhere stories live. Discover now