Chapter 7

12 1 0
                                    


"Oh bakit ka nakatulala jan huy?" sabi saakin ni sei at pinitik pa an noo ko, napaka talaga!

"Wala!" sambit ko sakaniya at inirapan siya, tinawanan lang ako nito at kumain na siya ng pastry na inorder niya.

"Gusto mo picture-an kita?" pag putol ko sa katahimikan na nakapaligid saamin.

"Ayoko nga" sarkastikong sagot niya saakin.

"Edi 'wag" pikon na sabi ko at inirapan siya at itinuon ang pansin sa pagkain na kinakain ko.

"Ito naman 'di mabiro, oo na!" natatawang sagot niya saakin dahil mukha akong batang hindi napagbigyan.


"Tingin ka sa malayo, kunwari stolen dali!" utos ko sakaniya at sinunod niya naman.

"Tingin ka naman dito" utos ko ulit at nakailang picture na 'ko sakaniya at nag rereklamo na siya saakin.

"Ang dami naman! Okay na yan!" iritable niyang sabi niya dahil nabanggit niya na hindi naman siya fan ng picture or videos.

"Send ko nalang sayo mamaya!" tuwang tuwa na sabi ko dahil napilit ko siya mag picture ng marami.

"Ang unfair pala, wala akong picture mo!" hirit niya saakin at natawa nalang ako dahil naalala ko yung story niya kanina.

"Ano naman kung wala akong picture sayo?" tanong ko sakaniya with taas kilay pa.

"Ang unfair lang duh???" sabi niya sabay irap saakin, napaka maldita talaga.

"Whatever" sabi ko at inirapan din siya. 

Nagpatuloy lang kami sa pagkain namin nung mga tinapay. Ilang minuto lang ay natapos na kami kumain at napag pasiyahan namin na mag lakad lakad muna dahil ang ganda nung mga ilaw rito sa intramuros.

"Look ang ganda nung moon!" tawag ko kay sei sabay turo sa moon.

"Mahilig ka sa moons?" tanong niya habang nakatingin sa moon na itinuro ko.

"Oo" maikling sagot ko habang dinadama ang katahimikang pumapaligid saamin.

"Bakit?" tanong niya at agad naman akong napaisip.

"Uh, pag kasi nakatingin ako sa moon, napapayapa ang isip ko, pati i feel safe whenever nakatingin ako sa moon" sagot ko at nakita ko namang nakatitig siya saakin.

"Ah ganon ba, edi gusto mo rin yung nag s-stargazing?" tanong niya ulit saakin.

"Oo, kaso hindi naman pinapayagan mga friends ko" sagot ko sakaniya.

"Edi tayo mag stargazing" sabi niya at agad akong napalingon sakaniya, first time kasi na may mag aya saakin ng stagazing.

"Weh ba? Pwede ka?" tanong ko sakaniya at napatango siya, natuwa naman ako dahil first time kong mag s-stargazing.

"Oh kailan tayo mag s-stargazing?" tanong niya at napaisip naman ako.

"Pag free na tayo pareho" sagot ko sakaniya dahil alam kong maraming schoolworks ang mag aabang saamin this week, tumango naman siya at nag patuloy na kami sa pag lalakad hanggang sa makarating na kami sa parking kung saan naka park ang sasakyan ko.

"Uwi na tayo, maaga pa tayo bukas" aya ko sakaniya at sumakay na siya sa sasakyan.

Nasa byahe na kami pauwi at nakita kong naidlip siya, dumaan ako sa drive-thru para bumili ng dinner, binilhan ko na rin si sei. Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa condo niya.

"Uy sei, gising na, andito na tayo" marahan ko siyang tinapik at nagising naman siya.

"Ay andito na pala, sorry nakatulog" sambit niya at mag papaalam na sana ngunit inabot ko sakaniya yung paper bag na may lamang pagkain.

"Para saan 'to?" tanong niya at sinilip yung paper bag.

"Dinner mo, pastry lang naman kinain natin kanina" sagot ko sakaniya at ngumiti naman siya.

"Okay, thanks sa food and sa pag hatid! Ingat ka!" paalam niya at lumabas na ng sasakyan, hinintay kong makapasok siya nang lobby bago ako tuluyang umalis.

Dumiretsyo na 'ko ng uwi pag tapos nun at pagkarating ko sa condo ay naligo agad ako. Ininit ko lang sa microwave yung pagkain ko at habang iniinit ay nag bukas ako ng laptop para mag check ng messages at emails ko.

Nang matapos na yung iniinit ko ay kumain na ako at habang kumain ay nanonood ako ng movie, as usual. Matapos kong kumain ay nag linis ako ng condo, saglit lang dahil hindi naman masyadong makalat, nag pahinga lang ako saglit at pumunta na 'ko sa kwarto, naisipan kong isend na kay sei yung mga kinuha kong picture sakaniya kanina.


To: seiki

"hi, send ko na ba sayo picture mo kanina?"

Nakita ko namang agad siyang nag type.

From: seiki

"sige, sa ig mo nalang isend"

To: seiki

"okayokays"

Binuksan ko na ang ig ko at hinanap ang acc niya, hindi naman ako nag tagal sa pag hahanap dahil kakaunti lang naman ang friends ko sa ig.

To: seiki

"you sent 8 pictures"

From: seiki

"Ikaw nalang photographer ko pag gagala tayo HAHAHAHA"
"Send picture rin uy, duga mo grr"

Natawa ako sa message niya at nag reply naman ako kaagad.

To: seiki

"Hmm, pag isipan ko HAHAHAHAHHA"

From: seiki

"Bahala ka nga teh, matutulog na 'ko bakla ka" 
"Goodnighttt, sleepwell sayo teh"

To: seiki

"Babye, goodnight, sleep well din"

Bago ako matulog ay may naisipan akong gawin, binuksan ko ulit ang ig ko at nag story ng picture ko at tinag ko si seiki, ilang minuto lang ay nagulat ako dahil bigla siyang nag reply sa story ko.

From: seiki

seiki replied to your story

"Ano yan beh? wrong tag? HAHAHAHAHA"

To: seiki

"Diba gusto mo ng pic? Oh ayan na pinag bigyan ka na"

From: seiki

"Pasend duh"

To: seiki

"Daming demand naman"
"you sent 2 pictures"

From: seiki

"Ganda, ganiyan ka nalang wag ka na gumalaw ha, maganda ka riyan"

Biglang nag init ang ulo ko, nakakainis!

To: seiki

"DI NA KITA SESENDAN NEXT TIME, BWISIT" 

From: seiki

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA JOKE LANG" 

Hindi ko alam kung bakit ako naka ngiti kahit asar na asar ako sakaniya, ugh! what did you do to me sei!

 To: seiki

"Matutulog na 'ko, maaga ako bukas papasok"
"Babye, goodnighttt!"

From: seiki

"Sabay ako bukas pag uwi, mauuna si Rea eh, di ako marunong commute huhu" 

To: seiki

"HAHAHAHAHAHA okay, basta mag intay ka, may research kami eh"

From: seiki

"Okay, sa lib nalang uli me"

To: seiki

"Babye naaa"

From: seiki

"Byeee, goodnighttt, sleepwell"

To: seiki

"Sleepwell dinn"


Natulog na ako pag tapos naming mag usap ni seiki dahil maaga akong papasok bukas kasi may meeting kami and may election for officers din na magaganap. 

4 AM palang ay gising na 'ko dahil nga maaga ako papasok, naligo muna ako tsaka kumain. Habang kumakain ay nag s-scroll ako sa tiktok nang biglang nag message si sei.

From: seiki

"hi gm, naka alis ka na ba?"

To: seiki

"helo gm, di pa ako nakakaalis, why?"

From: seiki

"pasabay ako, a-absent daw si Rea, di ako marunong mag commute mag isa"

To: seiki

"okay, daanan kita jan, chat nalang kita pag otw na 'ko"

From: seiki

"thankss"

Nang matapos ako kumain ay nag ayos na ako at kinuha na ang mga gamit ko tsaka ako bumaba sa parking. Chinat ko na si sei na on the way na 'ko. Ilang minuto rin ay nakarating na 'ko sa condo niya at nakita ko siya na nag iintay sa labas, nang makita niya ako ay pumasok na siya sa sasakyan.

"Hello, sorry naabala ka pa ata" sabi niya pagkapasok sa sasakyan.

"Okay lang baliw, kumain ka na ba?" tanong ko sakaniya dahil balak kong mag drive thru ulit para bumili ng snacks ko mamaya.

"Oo, di uso sakin yung walang breakfast 'no" sambit niya at napa-ngiti naman ako.

Bakit ngumingiti shai? ugh! down bad ka na!

"Daan lang akong drive thru, bibili ako ng kakainin ko mamaya"  sabi ko sakaniya at napa tango naman siya.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay nakarating na rin kami sa school, nag park lang ako at sabay na kami pumasok, hinatid ko na siya sa classroom nila at dumaan naman ako sa classroom nila ellie na nasa kabilang room lang, siya nalang ang pinuntahan ko dahil nasa kabilang building pa sila ann at nakakatamad na pumunta.

"Oh ba't napadpad ka rito sa building namin?" tanong niya nang tawagin ko siya.

"Ah, hinatid ko si sei sa classroom nila" sagot ko sakaniya at napataas ang kilay niya.

"Ilang chapter ang di ko nabasa ha????" sambit niya at natawa ako.

"Baliw ka, sumabay kasi siya sakin papunta and may dadaanan din ako sa building na 'to kaya hinatid ko na" sambit ko.

"Okay, sabi mo eh" sabi niya na parang hindi siya convinced sa sinabi ko.

"Ay nga pala, feeling ko ano uh nagugustuhan ko na siya" biglang sabi ko at nagulat naman si ellie.

"HUH, ANG BILIS MO NAMAN MA FALL ATE KO??" malakas na sabi niya kaya napatingin ako sakaniya.

"ANG INGAY MO BEH" pigil ko sakaniya dahil katabi lang ng room nila ang room nila sei.

"Per seriously teh, may something kasi sakaniya na nagustuhan ko, ewan ko ba" sambit ko at sakto namang lumabas si sei sa room nila kasama ang kaibigan niyan si Ali, ngumiti siya saamin ni ellie at nginitian ko naman siya pabalik. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makababa sila ni Ali.

Hulog na hulog na 'ko sayo sei ugh!


:)

First of EverythingWhere stories live. Discover now