Chapter 4

9 0 0
                                    


Nahiya ako sakaniya noong kumindat siya, buti na lamang ay umandar na ang sasakyan na nasa harap ko kaya naman nag focus nalang ako sa daan, nagising na rin sila nics at ilang minuto rin ay nakarating na kami sa SM City San Lazaro, nag park lang ako at sabay sabay na kaming bumaba nila nics, pinagbuksan ko pa sila ng pinto dahil pa vip ang mga kumag.

Nakita namin sila ellie, sofia at ezekiel sa entrance, nasa likuran ako nila nics at ann, nag lalakad. Pumasok na kami sa loob at napagpasiyahan nila na pumunta sa clothing store, sumunod nalang ako sakanila at tumingin ng cardigans at hoodie dahil kaunti lang ang cardigan at hoodie ko, kailangan ko rin ng ganito dahil malamig sa classroom namin at ang uncomfy suotin nung blazer. Naka pili na ako at sakto namang tapos na rin mamili sila nics kaya naman nag bayad na kami sa counter, nakita ko si ezekiel sa gilid na nag hihintay, kawawang bata hahaha! siya lang kasi ang boy saamin kaya ganiyan.

Pag tapos namin sa clothing store ay nag paalam sila ellie na mag lilibot sila sa mall, tumango ako at sinabing pupunta ako sa national bookstore dahil may ipinadadala saamin yung teacher namin.

Umakyat na 'ko sa second floor dahil naroon ang naational bookstore, bumili lang ako ng dalawang notebook at isang set ng tech pen, napadaan ako sa book section, nag tingin tingin lang ako ng libro doon at sa hindi inaasahan ay nakita ko pa si seiki, sumunod pala siya, hindi niya kasama sila sofia at rea, siya lang mag isa ang umakyat dito, pinagmasdan ko siya habang natingin siya ng mga libro. 

Grabe ang ganda.. omg shai what the actual f is happening to you?!?!

Napatingin siya sa gawi ko kaya umiwas agad ako ng lingon ngunit huli na ang lahat, nakita niya na akong naka tingin at dahil nag panic ako ay tinaasan ko nalang siya ng kilay at pumunta na sa counter para mag bayad, nakita ko naman sa peripheral view ko na papalapit siya at nakakapag taka is bakit ako kinakabahan, at nung nasa tabi ko na siya ay parang gusto na kumawala ng puso ko, jusko.

"Bakit parang 'di ka mapakali ha?" putol ni sei sa awkward na scenario namin ngayon dito sa counter, napansin niya atang nag p-panic ako dahil kanina pa 'ko nakahawak sa kwintas ko.

"H-huh? hindi ah" nauutal kong sagot sakaniya, natawa naman siya at inirapan ko siya sabay lumabas ako ng store dahil tapos naman na ako mag bayad, dumiretso ako sa cafe na malapit dahil nauuhaw ako at gusto ko rin ng coffee, umorder lang ako ng caramel machiatto at umupo sa dulong upuan para hintayin ang order ko. Nag chat lang ako kila ellie na nasa cafe ako at nag reply naman siya na nasa arcade sila at nag papalipas lang sila ng oras saglit, susunod din daw sila rito saakin sa cafe. 

"One iced caramel machiatto for shai!" narinig kong announce nung nasa counter kaya naman tumayo na ako para kuhanin yung order ko, habang nilalagyan ko ng additional sugar ang coffee ko ay may nakita akong hindi inaasahan at ito si sei, nakuha niya ang atensyon ko noong pumasok siya sa cafe, dumiretsyo s'ya sa counter para umorder, hindi ko alam kung bakit hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, tsaka lang ako bumalik sa katinuan noong tiningnan niya ako, napaiwas ako ng lingon at bumalik nalang ako sa upuan ko.

Nakaupo ako sa upuan ko at nag babasa, binabasa ko yung binili kong libro kanina, yung libro ni colleen hoover na 'it ends with us', ito rin yung tiningnan ko nung nakaraan at napag pasiyahan ko na siya bilhin, habang nag babasa ako ay natanaw ko si sei na papunta sa table ko kaya binaba ko ang libro ko at tiningnan ko s'ya habang papalapit siya, nakataas kilay ko siyang tinitingnan at nag pabalik balik ang tingin ko sakaniya noong nilapag niya ang gamit niya sa tabi ko.

"Tabi tayo, pupunta naman daw rito sila sofia" sabi niya dahil kung makatitig ako sakaniya ay parang jinujudge ko ang buong pagkatao niya,

"Whatever" sambit ko sakaniya sabay irap, nakita ko na nag pipigil na siyang sagutin ako kaya natawa ako ng bahagya.

"Oh, tinatawa tawa mo riyan ha?" tanong niya at nakataas pa ang kilay.

"Wala, para ka kasing duck kung mapikon" natatawa kong sabi sakaniya at hindi niya na napigilan ang sarili niya na sagutin ako.

"Funny ka, pwede ka sa showtime, kairita" umirap pa siya saakin sabay tumayo dahil okay na ang order niya.

 Maya maya lang ay nasa table ko na siya, nag c-cellphone siya, mukhang nag babasa rin dahil tahimik siya, nung nakita niya akong nakatingin sakaniya ay tinaasan niya ako ng kilay napailing nalang ako at itinuon ang atensyon ko sa libro na binabasa ko. Ilang minuto ang nakalipas ay nag ring ang cellphone ko kaya naman napukaw nito ang atensyon ni sei, nang sagutin ko iyon ay nag patuloy siya sa ginagawa niya.

"Oh bakit?" tanong ko kay ellie dahil siya ang tumawag.

"Saang cafe ka? puntahan ka na namin, gusto rin daw nila ann mag kape" sambit niya at narinig ko pang nag kukulitan sila.

"Dito sa second floor, malapit sa national bookstore" sagot ko sakaniya, makikita naman agad nila itong cafe dahil ito lang ang cafe rito sa second floor.  

"Okayyy, papunta na kami, byee" sabi ni ellie sabay patay nung call kaya naman binaba ko na ang phone ko at tinuon ang atensyon ko sa pag babasa, maya maya lang ay nakita ko sa sila ellie, nahanap naman agad nila kung saan ako naka upo. Nakita kong naiwan sa counter si ann at nicole, umoorder ata.

"Uy narito ka pala sei" sambit ni sofia pag tapos niyan ilapag ang gamit niya sa table namin.

"Obvious ba beh?" sarkastiko nitong sagot sabay umirap, natawa nalang ako ng bahagya sa response niya kay sofia, napaka maldita talaga.

"Tanginamo talaga" mahinang sabi ni sofia at umupo na sa tabi ni seiki, umupo naman sa kabilang gilid ni seiki si rea at si ellie ay nasa dulong bahagi ng table pati na rin si ezekiel, magkatapat sila ni ellie.

Maya maya lang ay dumating na sila nicole at ann dala dala ang mga order nila pati na rin ang order nila ezekiel. Tumabi sila saakin dahil yun nalang ang vacant seats, nasa gitna namin ni ann si nics ngayon.

 

:)

First of EverythingWhere stories live. Discover now