Maaga akong nagising dahil nga first day namin, 4 AM pa lang ay gising na 'ko, nag hilamos ako at chineck ko ang phone ko, minessage ko sila nicole dahil baka ma late kami mamaya. Habang ininntay ko ang reply nila ay nag chat si sei saakin.
From: seiki
"morning"
To: seiki
"morning din"
Pinatay ko na ang cellphone ko pag tapos nun at naligo na, pag tapos ko maligo ay nag ayos ako, blinower ko ang buhok ko para maayos ko ito. Nung natapos ako mag ayos ay sinuot ko na yung uniform namin, white and navy blue checkerd skirt na knee length at white blouse ito, may vest din na kasama ngunit hindi ko muna sinuot dahil mainit. Nag breakfast muna ako, tinapay at coffee lang dahil ayaw ko mag heavy meals sa umaga.
5 AM na nung natapos akong mag hugas nung pinagkainan ko, minessage ko na rin sila ann kung ready na ba sila at ang sabi nila ay mag aayos na lang daw saglit. Nag chat na naman si sei kaya tiningnan ko kung ano yung sinabi niya.
From: seiki
"hello, school ka na teh?"
To: seiki
"wala pa, paalis pa lang"
From: seiki
"gege, ingat papunta, intayin ka namin nila ellie rito"
Hineart ko yung message niya at sinuot ko na yung vest ko, navy blue ito, may blazer pang kasama ngunit hindi ko na muna sinuot, sa school ko na lang isusuot. Kinuha ko na ang bag ko at nag sapatos na, nakasabit yung blazer sa kamay ko at isinarado ko na yung condo, nag message ako kayla nicole at ann na paalis na 'ko. Inuna kong sunduin si ann dahil siya ang pinakamalapit sumunod naman si nicole, parehas silang nasa backseat. Habang nag d-drive ako ay nag patugtog si ann ng mga relaxing songs, yung kalmado lang dahil nga maaga pa.
5:30 AM na nung makarating kami sa school, sinuot ko na ang blazer ko at kinuha yung bag ko sa backseat. Pagkarating namin sa gate ay nakita namin sila ellie na nag hihintay, naroon din sila seiki at rea. Nauna kong yinakap si ellie dahil nakasanayan namin iyon dati pa lamang, tumingin ako kay seiki at nginitian siya, mukhang wala siya sa mood, hindi ko rin alam kung bakit. Nag lalakad na kami papuntang gymnasium dahil may flag ceremony at may mga announcements daw, habang nag lalakad kami ay siniko ko si rea, may tinanong ako sakaniya.
"Oy, bakit badtrip yun?" mahinang tanong ko sakaniya sabay tingin kay seiki.
"Di mo raw siya hinug" sagot ni rea habang natatawa.
Luh, asan ang karapatan para mag tampo? ay m.u pala kami.Tinawanan ko nalang si rea at nung makarating na kami sa gymnasium ay pinauna ko na sila ellie sa pila nila, humalik pa si ellie sa pisngi ko bago pumila sa section nila, ganiyan talaga si ellie dati pa lang, noong nakapila na sila ellie ay lumapit ako kay seiki, pipila na rin dapat siya ngunit hinawakan ko yung braso niya at niyakap siya.
"Huwag ka na mabadtrip hehe" bulong ko sakaniya.
Ngumiti lang siya sakin at pumila na siya, nag lakad na ako papunta sa harap dahil andun ang pila ng section namin, nakita ko si ellyn na nakapila kaya sa likod niya nalang ako pumila, ngumiti siya saakin at nginitian ko rin siya. Nag simula na yung flag ceremony at may pa exercise pa, ito ang ayoko dahil nakakapagod. Pag tapos nung exercise ay nag announce lang ng mga mahahalagang bagay yung head teacher.
"Have a good first day of school everyone!" huling sabi nung head teacher bago kami pinaakyat sa classroom. Pag akyat namin ay dumating na yung first subject namin at pinag introduce yourself kami isa-isa.
Isa pa 'to sa mga ayaw ko eh, tsk."Hello, i'm Shaiah Jeanna Calpito, you can call me shai or yana. My hobbies are reading, singing and playing volleyball" maikling sabi ko, hindi naman na nila dapat pang malaman ang iba kong interes at kung gusto nila malaman ay pwede naman silang makipag kaibigan. Nasa likod ako nakaupo kahit malabo mata ko, ayoko sa harap dahil nakaka conscious, katabi ko si ellyn at katabi niya yung dalawa naming kaklase.
Walang masiyadong ganap ang mga teacher ngayon dahil nga first day of school, nag pakilala lang sila at nag bigay ng mga rules saamin, pag tapos ng 3rd subject namin ay breaktime na, bumaba na ako at pumunta sa room nila ellie, kasama ko rin pala si ellyn pag baba dahil close naman sila nila ann kaya sinama ko na siya, pag punta ko kay ellie ay nakita kong nandun na sila nicole.
"Hoy ezekiel, libre mo kami" sabi ni ann noong nakita niya si ezekiel papalapit saamin.
"Hilig mag pa libre, laki laki ng allowance mo eh" sabi ni ezekiel kay ann at inirapan naman siya ni ann.
"Magka kaklase kayo nila rea at sofia, nics?" tanong ko nang mapansin na magkakasama silang bumaba.
"Ah, oo" maikling sagot niya saakin.
Pumunta na kami sa cafeteria, kasama namin sila sofia, rea at seiki. Umupo kami sa isang table, ang katabi ko ay si ellie at seiki, tumayo sila ann at rea para bumili ng pagkain kaya naman naiwan ako rito kila ellie at ezekiel.
Nampoteks, mukha akong thirdwheel dito dahil nag b-bardagulan sila.
YOU ARE READING
First of Everything
Novela JuvenilJeanna and Seiki. Two peoples, fell inlove without unexpectedly, they became each other solace's.