1.

24 0 0
                                    

London Heatrow Airport

"You sure there's no turning back?" Pang-sampung beses na yata akong tinanong ni Zayn bago pa lang kami umalis sa apartment namin sa West London.

"Yup, 100 and 1% sure no turning back! So please stop worrying about me okay?"

"Dont forget to email us once you get there okay?" Nagbeso kami ni Ellie, kapatid siya ni Zayn na ex-bf ko pero ngayon bestfriend ko na.

"Yes, yes i will email you right away after i get there." Tinulungan ako ni Zayn sa maleta ko pero pinigil ko siya. Sabi ko wag na nila ako ihatid sa loob kasi baka maiyak lang ako tapos magbago pa isip ko.

Nagyakap kaming tatlo bago ako tuluyang pumasok sa loob, hayy mamimiss ko etong guwapong Zayn na 'to at ang lil sister niya. Huhu, kung pwede lang sana kasi akong hindi umalis eh.

"Bye! Ill be going in, please take care of yourselves! Im gonna miss you both! See yah!"

Oo see you sabi ko kasi uuwi din naman sila sa Pinas, mas mauuna nga lang ako kasi kailangan ko asikasuhin yung lecheng annulment namin nung unggoy na ex-husband ko. Tsk. Kung bakit kasi hindi na lang pinadala sa akin yung papel dito sa London para napirmahan ko na, kesyo kailangan daw kasi akong nandun para sa hearing. Hay kainis. Ginagamit pa niya yung ex-mother in law ko minsan para kausapin ako at kulitin para dun eh.

17 hours later andito na ako sa mansion ng ex-husband ko.

Waahhh. Para akong maiihi na hindi sa sobrang paninibago dito sa Pinas lalo na sa bahay na ito. 6 years na kasi yung nakalipas simula nung umalis ako dito.

"Nadine! Ikaw na ba yan? Diyos ko, ang ganda ganda mo na hija. Maupo ka dito."

Dumiretso kami sa napakalaking sala nila.
Si Mama este Mrs. Styles nga pala, pure filipina siya na nakapag-asawa ng half pinoy at half british na businessman.

"How are you po, tita?" Medyo nahihiya ako. Haha. Di ko kasi alam kung english ba o tagalog ang gagamitin ko.

"Anong tita, Mama remember? Hindi pa naman annulled yung kasal nyo ni Harry eh." Nalungkot siya bigla. Oh my! Ako pa ngayon nakokonsensya.

"Sorry po Ti-, Mama."

"That's it, Mama pa din ang itatawag mo sa akin not until maging legal yung pagiging separated nyo okay?"

"Ahm, yes po. " as if may choice ako huhu.

"Btw, hija alam kong pagod ka. Dumiretso ka na dun sa kuwarto mo sa taas." Tinawag niya yung isang maid nila para tulungan ako. Lintek. Ito pa kinaiinisan ko eh, pinilit ako dito ng parents niya na dito tumira sa kanila habang inaayos namin yung annulment namin. Ang saya saya ng buhay ko.

Miss ko na si Zayn at Ellie.

Nagulat ako sa kuwarto ko, kulay pink pa din kasi tapos yung mga gamit ko dati andun pa rin sa kung saan sila nakalagay. Eh di wow. Mahal na mahal talaga ako ng inlaws ko. Eh yung unggoy nasan kaya noh? Tse, ayoko na nga pala siya makita kahit kailan. Goodluck sakin, hay.

Undying (Harry Styles)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon