8.

11 0 0
                                    

♡Flash back♡

Bago matapos yung debut ko, pinakilala ako ni Daddy sa bago niyang business partner at asawa nito na Si Mr. At Mrs. Styles, naalala ko agad yung lalaking nakipagkilala kanina sakin dun sa table, anak pala siya ng business partner ni Daddy.

Pagkatapos nung gabing yun, araw-araw na siya dumadalaw sakin dito sa bahay at sa classroom ko, schoolmate ko din pala kasi siya dun sa college.

Katulad ngayon, andito ako sa sala katext sila Patty nang dumating siya.

"Hi Nadine!"

"Ano na naman problema mo?"

"Sungit, eto oh flowers for you."

"Ano yan nanliligaw ka? Bata pa tayo noh."

"18 na tayo, pwede na yun diba? Bakit si Zayn, pinayagan mo manligaw sayo?" Umupo siya sa tabi ko. Wala, Feeling close talaga eh.

'Hoy, hindi nanliligaw si Zayn sakin noh." Medyo bitter yung boses ko, haha.

"Talaga? Buti naman!,"

"Anong mabuti dun? Tsaka bat ka ba punta ng punta dito? Gusto mo ampunin ka na namin?"

"Di ah, liit kaya ng bahay nyo..hehe."

"Yabang mo ah, porket may mansion kayo, naliliitan ka na sa bahay namin?"

Tumayo ako, makapag-merienda na nga lang. Nagulat ako ng hawakan niya yung kamay ko, aba ang bilis ah. Ni hindi pa nga ako pumapayag na manligaw siya sakin.

"San ka pupunta?" shocks bakit ang init ng palad niya,

"Sa Mars, sama ka?"

"Oo naman basta ikaw, tara?!" Nakangiti na namn siya, grabe inlove na inlove talaga sakin to, kahit san ako pumunta sumusunod eh.

"Bitawan mo nga kamay ko, nakakahalata na ako sayo ah."

Napakamot siya sa ulo. Ayun ang cute niya din pala paminsan-minsan, pero mas gusto ko pa din si Zayn. Mas bet ko kasi yung mga bad boy looking at medyo mysterious type. Kaya sarreeeh na lang harreeeyyy! Hehe.

Tinulungan niya ako maglagay ng mayonnaise sa tinapay habang nagtitimpla ako ng juice.

"Wala ka ba talagang magawa sa buhay? Asan barkada mo?"

"Mas masaya kasi ako pag kasama kita eh, tsaka maghahanap lang naman yung mga yun ng chicks eh."

"Ganun ba, eh bakit di ka sumama, para may mahanap ka din na chicks?"

"Di na. Andito na yung chicks ko eh." Tapos kumindat siya sakin. Nagblush yung chicks ko este cheeks pala hehe.

"Kwento mo sa pagong!"

Inabot na siya ng gabi samin, minsan nga dito pa siya pinapatulog ni Daddy kasi close na sila. Wala naman ako magawa kasi si Daddy naman lagi nasusunod, pero aaminin ko hindi naman ako naiinis sa presence niya, kasi mabait siya talaga tapos parang nagiging kaibigan/kapatid na din yung turing ko sa kanya lalo na pag meron akong problema sa buhay (hehe) or sa school.

-------------------

St. Louis University (p.s imbento lang yan ni author ha. :*)

10 mins bago dumating yung prof namin sa Income Taxation.

Magkakatabi kami ng upuan ng bestfriends ko, ang saya diba, kaya nonstop kwentuhan at chikahan kami pag magkakasama, minsan nga nagkakapalit na kami ng mga mukha sa sobrang laging magkasama, tapos yung iba naman naming classmate, nagkakamali minsan kung sino sa amin si patty, kc o nadine. Haha! Tres marias ang peg.

Pinaguusapan namin si Zayn at yung nababalitang bago nitong girlfriend, kainis, wala yata talaga akong pagasa dun. Friendzone na lang ba forever? Amp.

"Oooooohhhhhhhh". Sabay sabay yung mga classmate ko. Ano yun? May nakita ba silang multo?

Nagdoodle na lang ako sa notes ko.

"Huy, Nads!! Andiyan na naman yung heartthrob mong suitor." Kinalabit ako nila Patty.

Si Harry-na na naman siguro yung tinutukoy nila. Isa lang naman kasi masugid kong suitor hihi. Jusko, araw araw na yun dumadalaw sa room namin at sa bahay eh, umay na nga ako minsan sa pagmumukha niya.

"Ayyyyiiiieeeeeeee!!!!! Ang haba naman ng hair talaga ni Nads, sagutin mo na yan!" Tukso ng iba naming classmate. Pumasok siya sa room namin at inabot yung bouquet of white roses sa akin. Tss, paepal talaga eh, pwede naman sa bahay ibigay sakin. Gosh.

"For you." Sabay ngiti.

Tilian na naman yung buong classroom, enebe! Bakit sila kinikilig eh wala naman something special dito sa harina na 'to eh.

"Oy, Zayn!" Nakita ko kasi si Zayn sa may pinto ng room namin. Eekkkk! Baka isipin niya may something samin ni harina. Oh no! Binitawan ko yung flowers saka lumapit kay Zayn.

Undying (Harry Styles)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon