5

11 0 0
                                    

Pagkatapos nung "kilig moments", ay mali, nakakadiring moments pala sa kusina eh umakyat na 'ko dito sa kuwarto ko. Busog na kasi ako kaya hindi na ako kumain ng dinner.

9:30 na ng gabi pero bakit di ako makatulog?
Naalala ko na naman yung pagbu-blush ko kanina tungkol sa sinabi ni Harry na baby. Ano yun? Gusto niya gumawa kami ng baby? Asa siya.

Nagcheck na lang ako ng email at messages. Sila Zayn nga pala kahapon ko lang natawagan, alalang alala tuloy sila sakin. Ba yan, may amnesia na yata ako. Sumilip ako sa bintana nung marinig kong may dumating na sasakyan. Bumaba sa kotse niya si Harry. San kaya yun galing?

Humiga na lang ako tapos nagbilang ng tupa, effective daw kasi yun pampaantok eh.

May kumatok sa pinto.

"Knock knock"

"Who's there?" Rinig ko naman na boses yun ni Harry. Tinatamad lang ako bumangon sa kama.

"Harry"

"Harry who?"

"Harry ng buhay mo." Tapos kanda tawa siya sa sobrang tuwa, baliw lang?

"Corny mo, matutulog na ako!"

"Buksan mo muna yung pinto, may ibibigay ako sayo."

"Pwedeng bukas na lang? Antok na 'ko eh."

"Sige na please, hindi ako aalis dito hanggat hindi mo binubuksan." Pinihit pihit niya yung door knob. Kulit naman ng isang to.

"Eh naman eh, ano ba kasi problema mo?" Tapos binuksan ko yung pinto. Shocks muntik na kaming matumba kasi nakasandal pala siya sa pinto. Buti na lang nayakap niya ako. Oh no!

In fairness talaga, ang guwapo niya pala talaga lalo na pag naka-pony tail yung dark brown na lagpas tengang buhok niya. And his perfume, ang lakas maka-wala sa sarili. Ihh, yung dibdib niya ang tigas parang bakal, nag-g-gym kaya to? O baka naman dahil sa farmville niya kaya lumaki ng ganito yung katawan niya, dati kasi medyo payat lang siya eh.

"Wag mo ko tingnan ng ganyan, baka mahalikan kita." Ayun ramdam ko nag-red na naman ang cheeks ko.

"Hala, ang kapal. Tinitingnan ko lang naman yung butas ng ilong mo, ang haba na kasi ng buhok. Gusto mo bunutin ko?"

Umirap siya sakin saka dumiretso sa kama ko. Yung totoo, hobby ba niya ang umirap? Ka-lalaking tao eh. Nilabas niya yung laman ng plastic na dala niya.

"Hoy, hoy ano yan ha! Wag ka nga magkalat sa kama ko!"

"Nagkakalat? Pagkain 'to o." Burger at fries pala yung dala niya tapos yung drinks nilapag niya sa side table. Inabot niya sakin yung isang burger.

"No thanks, busog ako eh." Kumagat na siya sa burger niya, parang ilang araw siyang hindi kumain eh.

"Sabi ni Mama hindi ka daw nag-dinner, san ka nabusog?"

"Kumain ako kanina ng saging eh, yung bagong harvest nyo kahapon. Ang sarap at ang tamis."

Ngumiti siya sakin. Yung ngiting pang-matinee at hindi comedian. Haha, ano ba bawal ako kiligin.

"Mahilig ka pala sa saging, gusto mo pa ba?" Lumapit siya sa akin. Parang may masamang balak.

"Hoy, anong gagawin mo?! Dun ka nga!" Tinulak ko siya pero ang hirap kasi ang lakas niya.

"Sabi mo kasi masarap yung saging, gusto mo pa ba? May saging kasi ako dito." Tapos nag-lick pa siya ng lips. Buset, hindi ako kumakain ng saging na buhay noh. Unti-unti niyang nilalapit sakin yung mukha niya, ano ba akala ko ba kakain ako ng saging, bat ikikiss niya ako ngayon? Pwedeng isa isa lang, hehehe.

"Huuuy, ano ba? Lumayo ka nga sakin pwede! Ayoko ng saging!"

"Ayaw mo? Masarap kaya 'to tapos mahaba, at matamis." Unti-unti niyang binuksan yung zipper ng pants nya. Omg! Seryoso yata talaga siya, ano ba nakain ng lalaking to. Sus ko po, gagawin pang spg yung story. Pumikit na lang ako sa sobrang takot, first time ko pa lang kasi if ever makakita ng "ano" except sa babies na lalaki.

Naramdaman kong may kung ano siyang dinidikit sa labi ko, parang basa tapos malambot.. natakot ako lalo kaya umurong ako hanggang sa headboard ng kama. Narinig ko siyang tumatawa, parang mamamatay na nga siya sa kakatawa. Addict yata to eh. Unti-unti kong dinilat yung mata ko.

Hawak hawak nya yung saging tapos humahagalpak sa tawa, may paghampas pa nga sa kama ko. Buset, lakas ng trip ah. Saging pala talaga na prutas yung sinasabi niya. Buset talaga.

"Green minded ka pala noh, hahaahahhaah! Di mo sinabi sana tinotoo ko na lang. Hahahhaahahahah!"

"Geh tawa pa, sana maubusan ka ng hangin. Gago."

Nagtakip ako ng mukha sa unan kasi ramdam kong nagbu-blush na naman ako. Bakit ba para akong high school? Mayat-maya na yata ako nagbu-blush eh. Naman kasi.... bakit ba yung ano niya yung nasa isip ko nung inaalok niya ako ng saging. Hay buset nakakahiya talaga, hindi naman ako green minded eh.

Sinilip ko siya. Ayun tawa pa din ng tawa. Kainis lang kasi, kahit tumatawa siya, napopogian pa din ako sa kanya. Something's really wrong with me.

"Matutulog na ako, alis naaaaa!!!!!". Oo sigaw yun kasi baka di niya marinig. Sumunod naman siya agad tapos lumabas. Shocksssssss!!!! Nakakahiya talaga! Nagligpit na ako sa kama tapos nagready matulog.

Hala yung saging iniwan niya. Ba yan, kailangan ko ba ibalik ito sa kanya? Baka naman pagtripan na naman niya ako. Tse. Nilapag ko na lang sa side table. Bahala na bukas.


Undying (Harry Styles)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon