7.

17 0 0
                                    

♡Flashback♡

Kanina pa ako hindi mapakali dito sa table, kinakabahan kasi ako para sa 18 roses. Oo debut ko ngayon, hindi naman ako kinakabahan dahil sa pagsasayaw, ang problema ko kasi eh yung last dance ko, si Daddy yun dapat eh pero naging si Zayn. Yung schoolmate ko sa college na long time crush ko. Yun yung nagpapakaba sakin.

Shit. Uminom ako ng konting juice para marelax.

"Pst, Nadine. Okay ka lang?"si Patty yun na katabi ni Kc.

"Huh? Oo naman okay lang ako.. medyo kabado lang! Hehe."

"Tss, wag ka na kabahan, mabait naman si Zayn eh. Tsaka magsasayaw lang naman kayo."

Friends ko talaga sila kasi alam nila kung ano yung gumugulo sa utak ko. Okay kaya ko 'to.

"Hi Miss, alam mo ba kung anong oras na?!"

May lumapit sa table namin na lalaking parang kasing edad namin tapos nagtanong ng oras, nakasuot din siya ng formal attire. Medyo rugged nga lang yung itsura niya. Parang may lahi yata siyang foreigner kasi kita ko yung dark blue na mata niya, tapos yung ilong niya masyadong matangos compared sa tipikal na pinoy, yung lips naman niya maninipis at mapula. Yung buhok naman niya shiny at dark brown tapos lagpas ng konti sa batok, rock star ang peg?

"Ay hindi eh. Bakit?" Sabi ko. Siguro type ako nito, alam ko kasi na overflowing yung kagandahan ko ngayon. Hehe, siyempre legal na akong dalaga ngayon eh. Yes! Pwede na magparty paminsan minsan!

"Kasi oras na para mahalin mo ako."

Napa-uuuyyyy sila Kc, pero ako sumakit yung ngipin ko. Ang corny naman kasi, pick up line ba yun?

"Btw ako nga pala si Harry Styles."

Inabot niya yung kamay niya sakin. Kailangan may shake hands? Naramdaman ko na lang yung kamay ko na nakikipagshake hands sa kanya, sila Patty pala ang nag-abot ng kamay ko sa kanya.

"Nadine Rodriguez." Tapos ngumiti na lang ako for politeness sake.

"Nice name, Happy Birthday nga pala."

"Ah salamat." Tapos uminom ako ng juice.

"Nice to meet you, see you around?!" Tanong niya.

Tumango na lang ako. Malamang magkikita kami, party ko kaya 'to hello.

♡End of flashback♡

----------------------

Nagbibihis ako ngayon kasi niyaya ako ni Harry dun sa farm nila, pumayag ako para maiba naman environment ko.

Sumakay muna ako sa swing, habang hinihintay siya dito sa garden. Oo may swing sila hehe, eto nga yung favorite spot ko dito sa mansion nila, bukod sa kuwarto ko. Sarap kasi mag-mtv dito.

"Tagal naman magbihis ng lalaking yun? Gown yata ang susuotin." Kausap ko lang yung sarili ko habang pa-sway sway.

"Oh, tara na?"

"Mamaya na, nag-eenjoy pa ako dito."

"May sayad ka sa utak? Tara na, para di tayo abutan ng dilim." Pero umupo din siya sa kabilang swing. Ay ano ba talaga kuya?

"Parang tinatamad na ako, pwede bang bukas na lang?!"

Napakamot siya sa ulo niya pero mukhang tinamad na din yata siya, lakas ko talaga maka-impluwensya noh.

Nag-ring yung phone ko. Si Zaynie tumatawag kaya nagexcuse ako sa kanya para sagutin yung call.

Nangumusta lang siya sakin tapos binalita niya na next saturday sila uuwi dito. Ayiieee! Naexcite naman tuloy ako, namiss ko na kasi yung bonding namin at kulitan.

Pagbalik ko sa swing nakasimangot si Harry. Bakit kaya?

"Hi, andito na ako ulit!" Sabi ko.

"Halata naman, tingin mo sakin bulag?"

"Ay ang sungit ni Kuya. Meron ka?"

"Dont talk to me, okaay?"

"Englisero ang lolo mo? Okay fine hmp." Nagcrossed arms ako tapos inenjoy na lang yung swing.

Ilang minuto din kaming walang imikan.

"Uy may palaka!" Tinuro ko yung sa may paanan niya.

"Huh? Asan!!!!" Tapos kandarapa siya pag-alis sa swing. Pinigil ko yung tawa ko. Wala naman kasi talagang palaka.

"Tsk, kalalaking tao takot sa palaka. Kakaturn-off, eew! Hahahahahha. Joke lang, wala naman talaga palaka!"

Tinitigan niya ako ng masama, hala hindi pwede mag-joke?

"Uy sorry na, peace na po! Hindi na mauulit!"

Hindi pa rin siya umimik kaya bumalik na lang ako sa swing. Ah bahala nga siya, siguro bibigyan ko muna siya ng space. Kaartehan kasi, para palaka nagalit na?

Sumunod naman siya sakin tapos nagswing din. Tse. Bahala ka mag-emote diyan.

"Nadine ano yun?" Himala nagsasalita pala siya. May tinuro siya dun sa langit kaya napatingin naman ako.

Napasigaw ako sa isip ko ng may magnanakaw! Pano kasi bigla na lang niya ako kiniss. Dahan-dahan niyang inilapit yung labi niya sakin, parang naghihintay kung tututol ako. Pero nakakalasing yung halik niya, naramdaman ko na lang na unti-unti na akong gumaganti sa bawat paggalaw ng labi niya, dahan dahan hanggang sa pareho na kaming maging wild, kinakapos na kami ng paghinga pero ayaw pa din naming tumigil. Yung mga braso ko parang may sariling isip na pinulupot yun sa batok niya, samantalang nakapaikot yung dalawa niyang braso sa bewang ko.

Shocks, mali ito! Mali ito! Pero bakit ayaw tumutol ng puso ko?! Nagtagal pa ng ilang minuto yung kiss namin hanggang sa tuluyan na kaming kapusin ng hininga kaya kusa na kaming naghiwalay.

"So-rry." Sabi niya habang hinihingal. Nahihiya siyang tumingin sakin. Ang cute naman ng magnanakaw na ito, pero teka, first real kiss ko yun ah? Kasi yung una niyang kiss sakin ay nung umuwi ako dito pero smack lang naman tawag dun diba? Okay lang ba na siya ang first kiss ko?

Yung future husband ko kasi sana ang gusto kong maging first kiss. Hayy, pero di na maibabalik yung time.

"Sorry talaga, sorry... di ko lang napigilan yung sarili ko. Ang ganda mo kasi." Nakayuko pa din siya.

Weehhh ano ba, nag-bu-blush na naman ako tapos kinikilig. Tumakbo na lang ako para umakyat sa kuwarto ko. Gusto kong tumili ng super lakas kaso hindi pwede. Ayyyyyiiiiiiieeeeeeeee!!!!!!!!!!

Undying (Harry Styles)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon