9.

6 0 0
                                    

Pansin ko lang, ilang linggo nang hindi pumupunta dito sa bahay si Harry, pag nagkakasalubong naman kami sa school, hindi niya ako pinapansin tapos parang galit sa mundo.

May problema kaya siya?

Well. Hindi naman sa namimiss ko siya, medyo curious lang ako kasi nakakapanibago. Alam mo yun, medyo nasanay na din ako na may palaging nangungulit at bumubuntot sakin kung saan saan.

----------------------

"Ang boring naman." Sabi ko kay Patty. Absent kasi si Kc ngayon. Dito kami ngayon sa canteen kumakain ng cheesedog at coke.

"Uy... may namimiss ka lang yata eh."

"Mamimiss? Sino naman, eh lagi ko naman nakikita si Zayn."

Sakto pumasok sa entrance si Zayn at barkada niya. Tapos kasunod naman si Harry at yung barkada niya, ano yun parada? Hehe

"Oy oy oy.., matunaw ha! Ayaw pa kasi sagutin."

"Tss, si Zayn ang tinitingnan ko noh." Lumapit sa table namin sila Zayn pero sinusundan ko pa din ng tingin si Harry. Ano ba kasi problema nun? Parang may ginawa akong kasalanan sa kanya eh, kung meron naman, bakit hindi niya sabihin sakin diba.

"Grrrr, sumasakit na ulo ko!"

"Bakit, Nads? Masama ba pakiramdam mo?" Si Zayn, hindi ko namalayan na nakaupo na pala siya sa harapan namin.

Umiling lang ako tapos inubos na yung cheesedog. Nagdecide ako na kakausapin ko siya mamaya pagkatapos ng last subject namin. Dudugo na kasi utak ko kakaisip kung anong dahilan at naging cold siya sakin.

--------------------

This is it. Nakita kong wala silang prof sa room nila. May klase pa kaya sila? Ah bahala na.. kailangan ko na talaga siya kausapin ngayon. Its now or never. Tsaka para hindi na din ako gabihin sa paguwi mamaya.

Breathe in, breathe out.

"Ahm.. pwede bang pakitawag si Harry Styles?" Bulong ko dun sa classmate nilang nasa unahan, sa likod kasi siya nakaupo tapos hindi ako kita dito mula sa pinto.

Ngumiti naman yung lalaking sinabihan ko sabay sigaw.

"Oy, Harry! May naghahanap sayo magandang chicks!" Tapos tinukso siya ng mga classmate niya. Tsk, kelan pa ako naging sisiw. Sumenyas ako ng Hi kay Harry tapos mukha siyang nagulat ng makita ako.

"Sige na puntahan mo na, masama pinaghihintay ang babae!" Tinulak siya nung kaibigan niya.

Niyaya ko siya sa may hallway kung saan hindi kami masyadong kita mula sa mga classrooms.

Siyempre, we need privacy. Hehe.

Nakasimangot siya sakin. Sungit naman.

"Ano?!"

"Ahm.. ahm.. kasi."

"Ano bang sasabihin mo? Nagmamadali ako. Tsk."

"Nagmamadali? Bakit may lakad ka ba dito sa school."

"Wala ka naman pala sasabihin, alis na 'ko."

"Naman eh! Wait lang." Pinigil ko siya sa braso, tapos tumingin siya ng masama, kainis aaminin ko na, namimiss ko talaga yung pangungulit niya sakin. "Uhm, tinatanong ka kasi sakin ni Dad, bakit hindi ka na daw napunta sa house?"

"May dahilan pa ba para ako pumunta dun?"

"Oo naman, diba friends tayo?"

"Friends???? Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo? Alam mo naman na hindi friendship ang kailangan ko sayo. Madami na akong kaibigan." Tumalikod siya sakin.

" 'kay fine, eh bakit di mo ituloy yung panliligaw mo sakin?" Shocks, ako ba talaga 'to? Dahil lang sa namimiss ko yung friendship namin papayag na akong ligawan niya ako ulit? Kahit na wala naman akong planong sagutin siya?

"Binasted mo na 'ko diba? Ano yun, pagmumukhain mo na naman akong tanga?"

"Ha? Kelan kita binasted?"

"Tang-ina, wag mo na akong paasahin Nadine. Dun ka na sa Zayn mo." Tapos nagmamadali siyang bumalik sa classroom nila, iniwan ako na clueless at super shocked. Anong sinasabi nun?

Undying (Harry Styles)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon