Nagising ako sa langitngit ng pinto ng kuwarto ko.
Shit ang dilim? Ang tagal ko palang nakatulog? Binuksan ko yung lamp shade sa gilid."Ay unggoy!" Binalot ko ng kumot yung katawan ko.
"Sinong unggoy?? Baka guwapo."
Tss, kapal ng face. Eh unggoy naman siya talaga, eto nga bigla bigla na lang pumapasok ng kuwarto tapos may kagat kagat na saging. Oh diba unggoy siya.
Nasilaw ako ng buksan niya ilaw.
"Hoy ano bang ginagawa mo dito?"
"Nice, magaling ka pa din magtagalog ah."
"Siyempre naman noh, pinay kaya ako by heart. Teka, ano ba ginagawa mo dito, lumayas ka na pwede?"
"Bakit ako lalayas, bahay namin to."
Umupo pa siya sa gilid ng kama ko. Bat ganun, mukha pa din siyang unggoy? Dejoke. Ang laki na pala ng pinagbago niya, medyo guwapo na siya ngayon tapos yung katawan pang-model ng magazine. Hihi, nakafitted na sando kasi siya.
"O diba, guwapo ako? Kita sa laway mo o."
Binato ko siya ng unan.
"Gago! Ano ba kasing ginagawa mo dito?"
"Binabati ko lang naman yung ex-wife ko. Diba dapat may welcome kiss ako? Ganun sa London diba?"
"Tanga, nasa London ba tayo? Ewan ko sayo."
"Grabe. Ang tindi mo naman magmura, ganyan ba natutunan mo kay Zayn?"
"Lakampake! Tsupi na nga!"
"Okay. Bumaba ka na din nga pala sabi ni Mama, kanina ka pa namin hinihintay para sa dinner. Gutom na nga ako." Tapos parang asar siyang umirap sakin. Problema nito?
"Eh bakit nyo ba kasi ako hinintay? Nasa'kin ba yung pagkain?"
"Know what? Wala ka pa din pinagbago.. maldita ka pa din." Kinabahan ako bigla, lumapit kasi siya sakin, as in halos magkapalit na yung mukha namin. Tapos bigla niya akong kiniss sa lips.
"Welcome home my dear ex-wife!" Saka siya tumakbo sa may pinto at nagsayaw na parang baliw.
"Buwisit ka, manyakis!!!!" Hahabulin ko sana siya kaso sinara na niya yung pinto. Kaasar yun ah.

BINABASA MO ANG
Undying (Harry Styles)
RomanceUn·dy·ing- adjective (especially of an emotion) lasting forever. "promises of undying love" But is there really an undying love? Let's find out. :))