4 days na ako dito sa mansion nila. Napirmahan ko na din yung annulment paper namin, hinihintay na lang namin kung kailan yung unang hearing ng kaso.
"Hayy super boring!!"
Tinatadyak tadyakan ko yung maliliit na bato dito sa garden ng mansion. Matawagan kaya sila Kc at Patty? Sila yung close friends ko nung high school hanggang college. Yun nga lang di ko na sila nakasabay grumaduate sa college kasi nagfly away na ako sa London after ng isang taon na pagpapasakal ko kay lecheng Harry.
-----------
1 hour later.
Nakipagmeet ako kila Kc kasi miss ko na sila tapos bored na bored talaga ako dun sa mansion. Busy kasi sa office sina Mama at Papa (yun muna tawag ko sa kanila habang hindi pa lumalabas yung result ng court about sa annulment namin) tapos yung unggoy busy sa pagtatanim ng saging niya. Haha, oops literal ha, may farm kasi sila tapos madami silang tinatanim at iniexport na prutas, isa na dun yung saging haha.
"Kumusta naman ang pagkikita nyo ulit? May spark pa ba?" Tanong ni Patty. Kinikilig pa ang bruha.
"Spark? Eh wala naman kaming spark ever since you know! Kita mong hate ko siya ever since eh."
"So ibig sabihin tuloy na tuloy na yung annulment nyo? Poor Harry, bigay mo na lang siya sakin hahahah!"
Ang landi talaga nito ni Kc eh. Tsk."Oo naman noh, pumirma na kaya kami. Wait na lang namin yung result. Hihi"
"Aba, talagang happy ka ah. Di ka man lang ba naaawa sa kanya?" Si Kc ulit.
"Bat naman ako maaawa sa kanya eh hindi ko naman talaga ginusto magpakasal sa kanya?"
Siya kasi etong patay na patay sakin.Oo totoo yun. May gusto na siya sakin simula nung maging business partner yung daddy ko at papa niya. Kaya ayun, feeling nila chinese sila tapos "inarranged marriage" kami kahit tutol ako. Alam mo yung feeling na sobrang naiinis ka kasi sinasabihan kang hindi ka pwede tumutol kasi sila daw nakakaalam ng best para sayo?
Eh ni hindi pa nga kami nakakagraduate ng college, imagine 18 years old pa lang kami pinakasal na kami agad. Atat masyado? Eto naman si Harry, ni hindi tumutol palibhasa head over heels sa beauty ko. Dahil wala akong choice, sinunod ko na lang si Daďdy hanggang sa dun na ako pinatira sa mansion nila. Pero fyi, kahit tumagal kami ng isang taon, never na may nangyari samin ni Harry ah, kondisyon ko kasi sa kanya na hinding hindi ko ibibigay sa kanya "yun" hanggat hindi ko siya natutunan mahalin. Ayun, dahil baliw siya sakin, pumayag siya.
"Eh si Zayn? Kumusta nga pala, kayo pa din ba?"
Umiling ako.
"What?!" Sabay pa silang nagulat. Oa mga teh?
"Hindi naman naging kami pero parang oo na hindi. Ah basta ewan,"
"Hala ang gulo, pakiexplain labyu!" Mga tsismosa. Haha.
"Hmm.. pano ba yun? Nung unang taon namin sa london parang naging M.U kami pero hindi din natuloy kasi nainlove siya ng todo sa isang girl."
"Ouch, ang sakit naman. Almost but not quite lang pala.." sarap tusukin ng tinidor ni Patty, stating the obvious pa. Pano kasi naging crush ko talaga si Zayn dati kaya kahit hindi naman talaga naging kami, ex pa din tawag ko sa kanya. Hehe, feelingera kasi ako, sensya na.
"Eh bakit hindi mo cinorrect yung akala namin na magbf gf kayo dun?"
"Syempre, kilala ko kasi mga dila nyo, maya ikwento nyo pa kay Harry. Eh di pinagtawanan pa ako nun."
Sinabi ko kasi noon na inlove ako kay Zayn kaya ayun, dahil sa ilang beses kong pangungulit, pinayagan ako ni Daddy na makipaghiwalay na kay Harry at dun na lang magstudy sa London pero may binigay siyang kondisyon, saka ko na lang daw ipaannul yung kasal namin kay pag nakagraduate na ako ng college. Kaya ayun, nakipagdeal ako kay Dad. Btw, nasa heaven na nga pala si Daddy, nagka-heart attack siya nung minsang magbakasyon siya samin sa London.
"Hmmm sabagay." Chorus nilang dalawa sabay ngisi. See? Hindi ako nagkamali ng desisyon. Haha.
BINABASA MO ANG
Undying (Harry Styles)
RomanceUn·dy·ing- adjective (especially of an emotion) lasting forever. "promises of undying love" But is there really an undying love? Let's find out. :))